You are on page 1of 8

Ang Alamat ng Huling Dragon

Sa malawak na kabundukan ng Astera ay naninirahan ang mga dragon.

‘Di tulad ng ibang uri ng hayop, kung ikukumpara ang mga dragon ay kakaunti lamang ang
kanilang populasyon.
Kasamang naninirahan ng kanilang napakalimitadong bilang sa kagubatan ng Astera, ay ang
maraming klase ng hayop, kabilang na ang iilang uri ng dinosaur na herbivores tulad nila.

Malaki ang dinosaur kaya’t hindi kataka-takang sila’y kinatatakutan ng mga maliit na
hayop kahit ang katotohanan ay hindi naman sila basta-basta pumapaslang, maliban na lamang
kung sila’y nasa bingit ng panganib. Ngunit maliban sa kanila, ang higit na totoong nakakatakot
ay ang mga dragon. Dahil sila’y higit na malaki, higit na matapang, higit na mabangis at higit na
mas mapanganib.

Mapupula at nakalisik ang mga mata ng dragon na kumikislap sa dilim. May mahaba at
matulis silang buntot na halos singhaba na ng kanilang katawan. Singtalim ng espada ang
matitigas nilang mga kuko. Matatalas ang tila sibat nilang mga ngipin at pangil. Makakapal na
animo’y yerong bakal ang kanilang kaliskis na tila hindi nasusugatan. At malalapad ang kanilang
mga pakpak na nagpapahilakbot sa mga hayop ng Astera sa tuwing ito’y pumapagaspas.
Iniiwasan at kinatatakutan sila ng lahat ng uri ng hayop sa gubat, kahit na ang kapwa nila
dambuhalang mga dinosaur. Bukod sa pambihirang tapang at lakas nila na hindi kayang tumbasan
ng kahit anong hayop — sila nga’y may kakayahan ring lumipad nang mataas, nang malayo at
nang mabilis. Itinuring na panginoon ng mga hayop ang mga dragon. Bagama’t ang mga dragon
ng Astera ay kinatatakutan dahil sa likas nilang kabangisan, hindi naman nila ito inaabuso upang
makapambiktima ng ibang mga hayop at ginagawa lamang nila ito upang maipagtanggol ang kani-
kanilang sarili. Maliban kay Smaug. Si Smaug ay kaiba sa kanyang mga kalahing dragon — kilala
siya sa Astera bilang pinakamasama at pinakamalupit sa kanilang uri.

Mayaman sa puno at mga halaman ang kagubatan ng Astera. Sagana rin ito sa malinis at
malinaw na tubig kaya’t maraming iba pang uri ng mga hayop ang dito’y naninirahan. At sa lawak
ng Gubat Astera sapat na sapat na ito upang matustusan ang pangangailangan ng lahat ng mga
hayop dito kahit pa sa kalahi ni Smaug.

Subalit si Smaug ay sakim at makasarili. Itinuring niyang kanyang kaharian ang Astera —
ang kabundukan, ang kagubatan at lahat ng mga halaman at punong nakatirik dito. Ang sinumang
pumapasok sa kanyang teritoryo ay kanyang binibiktima at pinapaslang. Datapwa’t hindi sang-
ayon ang mga kauri niyang dragon sa kanyang ginagawang kalupitan hindi naman nila ito
mapigilan. Si Smaug ang pinakamarahas, pinakamalakas at pinakamabangis na dragon ng Astera.
“Groooowl!” nakakahilakbot na boses ni Smaug ang naghahari sa tuwing walang awa at walang
pagkasawa niyang pinapaslang ang sinumang hayop na kanyang makikitang mapasuong sa gubat
na kanya umanong teritoryo — ‘wag lamang makabahagi sa yaman ng Astera. Sa angking
kasamaan, bangis at lupit niya’y unti-unting nababawasan ang bilang ng mga dinosaur na
herbivores at iba pang kaawa-awang mga hayop na kanyang biktima. Minsan na ngang nagkaroon
nang malawakang paglikas ng mga hayop dito; mula sa Astera patungo sa ibang kagubatang ligtas
sa kapahamakan dahil sa kanya.
Ngunit hindi sa lahat ng oras ay kayang bantayan at tanuran ni Smaug ang gubat na kanya
umanong kaharian. May pagkakataong napapagod at nahahapo rin siya dahil sa dami ng mga
hayop na kanyang nais paslangin o palayasin at dahil na rin sa lawak ng sukat ng Astera.
Sadyang maramot si Smaug. Hindi niya hihintaying siya’y mapagkaisahan ng mga dinosaur
at ibang mga hayop na matapang. Bagama’t hindi nagkukulang ang kapwa niya dragon sa
pagpapaalalang hayaan na ang ibang hayop na makibahagi sa mga pagkain ng gubat tutal naman
ay masagana ang Astera sa mga puno, halaman at prutas. Ngunit patuloy lang si Smaug sa
pagmamalupit.
Isang marahas na hakbang ang gagawin ni Smaug na ikagagalit at ikamumuhi ng lahat sa
kanya.

“Awoooh! Awooooh!” Maiingay na alulong ng iba’t ibang uri ng hayop ang gumising sa
dapat na tahimik na umaga ng Astera.
Nagulantang ang lahat, na sira na ang malagong kagubatan ng Astera!Nakatumba ang
maraming mga puno. Nabunot mula sa pagkakatanim ang karamihan sa mga halaman at kahit
ang mga prutas nito’y halos hindi na mapapakinabangan.Sa isang magdamag lang ay nawala ang
kayamanan ng gubat. At si Smaug ang may kasalanan at kagagawan ng lahat ng ito. At hindi na
lang mga dinosaur o maliliit na mga hayop ng gubat sa Astera ang nadismaya at nagalit ng husto
kay Smaug kundi pati ang kapwa niya dinosaur ay namuhi na rin sa karahasang kanyang ginawa.
“Ngunit ang nais ko lang ay maprotektahan ang ating gubat.” Pangangatwiran ni
Smaug nang siya’y inuusig at sinusumbatan ng kapwa niya dragon. “Ilang panahon lang ang
kakailanganin upang ang mga halaman at puno sa gubat ng Astera ay muling tumubo at lumago.
Pinalilikas ko lamang ang mga hayop na hindi natin kauri, wala silang lugar at puwang sa ating
tahanan!”
Ngunit hindi pinalampas ng ibang mga dragon ang ginawang ito ni Smaug. Siya’y pinalayas
sa kuwebang kanilang tinitirhan. Balak ni Smaug na pansamantalang mamuhay mag-isa sa gubat
na ‘di kalayuan sa Astera. Si Mielikki ay diyosa ng kagubatan. Ito’y nalungkot, nagitla at nasagad
sa galit sa kasamaan at kasakimang ginawa ni Smaug sa kagubatan ng Astera. Ang kariktan ng
gubat na kanyang pinangalagaan sa mahabang panahon ng kanyang pagiging diyosa ay biglang
naglaho sa kamay ng palalong dragon.
“Walang kapatawaran ang ginawang ito ni Smaug! Kailangan niyang maparusahan dahil
sa kanyang labis na kasamaan!” galit na sambit ni Mielikki.
“Smaug!” pasigaw na tawag ng diyosa ng kagubatan kay Smaug na sumulpot at nagpakita
sa kanyang harapan. “Dahil sa iyong labis na kapalaluan at kasakiman ay dapat kang
maparusahan. Hindi mo pag-aari ang Gubat Astera at kahit na anong gubat sa kalupaan! Katulad
ka rin ng ibang mga hayop na nakikihati at nakikibahagi lang sa yaman ng gubat. Wala kang pag-
aari sa lugar na ito kaya’t wala kang karapatang lapastanganin ang anumang kagubatan lalo na
ang Astera!”
“Bilang kaparusahan sa iyong lahat ng kasamaan — tatanggalan kita ng boses at
mawawalan ka ng kakayanang magsalita. Sa halip na boses ay apoy ang lalabas sa iyong bibig sa
tuwing tatangkain mong magsalita! Dahil ang mga kasama mong dragon ay hindi ka nagawang
pigilan sa iyong kalabisan, idadamay ko na rin sila sa iyong parusa! Lahat ng uri ng dragon ay apoy
ang lalabas sa bibig sa halip na tinig!” nagngangalit ang tono ng boses ni Mielikki.
“Sandali…!” hindi na nasundan pa ang sasabihin ni Smaug ay naglaho na ang diyosa ng
kagubatan. Ipagtatanggol niya sana ang mga kasamahang dragon, sasabihin niya sanang siya na
lang ang patawan ng kaparusahan at ‘wag na silang idawit pa.
Lumipad patungo sa kuwebang kinalalagyan ng kasama niyang dragon si Smaug. Sasabihin
niya sana ang babalang mula sa diyosa ng kagubatan. Hihingi siya ng tawad sa kanyang mga
nagawa, kukumbinsihin niya ang ibang dragon na muli siyang tanggapin at mangangakong hindi
na muling mauulit pa ang kanyang kapangahasan. Ngunit huli na ang lahat. Sa pagbuka ng bibig
ni Smaug ay apoy nga ang lumabas dito! Agad na nag-apoy at nasunog ang mga dragong kanyang
kasama. Sa kalituhan ni Smaug ay ni hindi niya man lang naitikom ang kanyang bibig. Lumayo ang
mga kapwa dragon sa kanya. Ngunit sa halos sabay-sabay na pagbuka ng bibig ng mga dragon at
dahil sa pagkabigla, apoy ang lumabas sa kani-kanilang bibig! Nataranta ang mga dragon at sila-
sila’y nagpalitan ng apoy. Nasunog ang lahat ng dragon ng Astera. Maliban kay Smaug.
Naubos ang lahat ng kanyang kalahi at tanging siya na lamang ang natira. Sa labis na galit
sa kanyang sarili — lumipad nang pagkataas-taas si Smaug. Nagpakalayo-layo. Malayong malayo
sa Gubat Astera na kanyang inangkin. Gubat na kanyang sinira dahil sa pagiging makasarili. Ilang
panahon pa ang binilang saka tumigil sa paglipad at paglayo si Smaug. Napadpad siya sa lugar
kung saan nais niyang matulog nang napakatagal. Napadpad siya sa kuweba kung saan walang
nakakakilala sa kanya at sa kanyang uri. Napadpad siya kung saan itinuturing na isa lamang alamat
at karakter sa mitolohiya ang mga dragon.

Napunta siya sa kabundukan na kung tawagin ng mga tao ay Bundok Erebor.


At doon na siya nagpasyang manatiling manirahan nang palihim.
Alamat ng Butiki
Noong araw, sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan.
Ang ina; si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya
ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim.
Ang anak; si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang utos
ng kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi siya upang
samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay.
Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa, natutuwa naman siya at naging mabait ang
kanyang anak na si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain.
Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging
isang makisig na binata. Si Aling Rosa an nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga,
samantalang si Juan ay siyang naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina
na si Aling Rosa ay hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang magdasal.
Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang
kanyang nakilala; si Helena.Si Helena ay lubhang kaaki-akit, kung kaya’t agad umibig dito si Juan.
At dahil sa panunuyo ni Juan kay Helena, gabi na ito nang makauwi.
“O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon,”
ang wika ni Aling Rosa sa anak.
“Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat,” ang
pagsisinungaling ni Juan.
Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni
Juan sa dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena.
“Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya
nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita.”
“Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig.
Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko,” ang pagsusumamo ni Juan.
“Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina
na nasa iyong mga palad!” ang matigas na wika ni Helena. Hindi makapaniwala si Juan sa narinig.
Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng taning ni Helena. Kailangan niyang madala ang
puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang
niyaya ni Aling Rosa na mag-orasyon. Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit
habang nagdarasal iba ang nasa isip ni Juan. Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla,
hinugot ni Juan ang kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni
Juan, at kahit nanghihina na ay nagsalita ito.
“Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi
ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina,” ang umiiyak
na wika ni Aling Rosa.
“Dios ko po, Inay! Patawarin n’yo ako!” ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa
katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina. Kasabay
niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit na hayop na may
buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig. Mula sa malayo,
natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita niyang si Helena ay
naging isang napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong lumapit. Sa takot, dagling
gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa kisame.
Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba’t ibang uri ng
kulisap at insekto, at naglaro sa paligid.Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang mga
kulisap na napagawi sa kanya. At dahil doon ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang
engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga halamanan bilang kulisap. Nagsisi ng husto si
Juan ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Juan at ang sumunod
pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang mag-orasyon. At
haggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa
paniniwala nila ay mga engkanto.
Alamat ng Tigyawat

Sa isang malayong baryo noong unang panahon, naninirahan ang mga masisipag na
mamamayan. Maliit lamang ang populasyon sa baryong ito. Isang pamilya lamang ang
nakakaangat ang buhay ditto dahil sa mga minana nilang lupain sa mga ninuno nila. Napakabuti
at matulungin ang mag-asawa nina Ginoo at Ginang Robles ngunit sa hindi inaasahang
pagkakataon ay nagkaroon sila ng matapobre at mapang-aping anak na lalaki na si Bruno. Maliit
na bata pa lamang siya ay mahilig na siyang manakit ng mga kapwa niyang bata.

Sa isang payak na tahanan sa bukid naman ay naninirahan ang mag-asawang Ilagan na


pinagpala naman dahil sa kanilang napakabuti at masipag na ank na si Tigi. Dahil sa kahiirapan ay
mapayat na pangangatawanan lamang si Tigi. Ito ang naging dahilan kung bakit siya lagi ang
pinipiling awayin ni Bruno.

Isang araw, sa eskwelahan, nagkasalubong na naman sina Tigi at Bruno. Kasami ni Bruno
ang kanyang mga kaibigan na inimpluwensyahan na rin niya ng kasamaan.
“Hoy! Tigi! Halika nga rito, payatot!” tawag ni Bruno kay Tigi. Agad-agad na tugon ni Tigi.
Nagtawanan sina Bruno at ang tatlo niya pang kasamahan. Noong oras na iyo ay
nanonood pala ang isang Diwata ng katarungan. Dahil masyado nang nagmamalabis si Bruno, at
Kinakawawa si Tigi, nilagyan niya ng mahika si Tigi, na sino mang masama ang hahawakan niya
ay tutubuan ng butlig na pula sa mukha, dibdib, likod at iba pang parte ng katawan.

“Ang bagal mo naman, Tigi!”


Binatukan ni Bruno si Tigi. Naramdaman niyang humapdi ang mukha niya. Nakapa niya
ang butlig at sumigaw.
“Ano ito? Bakit ako mayroon nito?”
Nilapitan siya ni Tigi at hinawakan.
“Baka madumi lamang ang iyong kamay Bruno”.
Agad naman tumubo pa ang mga butlig.
“Hala?! Dumami pa!” sigaw ni Bruno habang hinihimas ang mukha.
“Huwag mo akong hawakan, Tigi! Ikawa ang may gawa nito!”
Alalang-alala nsi Tigi kaya’t nilapitan niya ulit si Bruno at hinawakan.
Nagpupumiglas na si Bruno sa hawak ni Tigi.
“Tigi awat na! Tigi awat! Hindi na kita aawayin.” Pagsusumano ni Bruno.

“Ano yan Bruno?” tanong ng mga kaibigna niya. “Tigi awat! Tigi awat!”, napagtanto ni
Bruno na pinaparusahan na siya dahilsa kasamaan ng ugali niya. “Tigi awat! Ayoko na!” sigaw
nang sigaw si Bruno.

Mula noon, ang bawat butlig na pula na tutubo sa mukha ng kabataan tuwing
mahahawkan nila ito ay tinatawag na Tigi-awat na di kalaunan ay nanging tigyawat. Ito ay isang
sakit sa balat na kapag hinahawakan ay lalong dumarami at mahirap puksain.
Alamat ng Langaw

Noong araw ay may isang mag-asawa na labis na kinaiinisan ng mga kakilala. Paano ay
parehong tamad ang mga ito. Ayaw nilang magtra-baho at kuntento nang umasa sa mababait
nilang mga kapitbahay para makatawid sa gutom.
Bukod sa pagiging palaasa sa ikabubuhay ay may pangit pang ugali ang dalawa. Naging
gawain na nila na kapag may handaan ay dumadalo sila kahit hindi imbitado. Ang nakaiinis pa ay
lagi silang nau-una sa pagkuha ng pagkain kaysa mga inimbitahang panauhin.
Saan man makakita ng pagkain ang mag-asawa ay tiyak na tutunga-nga sila sa harap niyon
hanggang sila nabibigyan. Kapag nakakita naman sila ng mga pagkaing naka-bilad tulad ng daing
o isdang tinutuyo ay tiyak na mangungupit sila kapag nalingat ang may-ari.
Napakalakas ng pang-amoy ng dalawa pagdating sa pagkain. Tila sila ay may
makapangyarihang pang-amoy na kung saan may pagkain ay natutunton nila. Isang araw ay
napansin ng mag-asawa na nakabihis nang maayos ang kanilang mga kapitbahay. Lahat ay tila
pahangos na papunta sa isang lugar.
Nagkaideya sila na marahil ay sa isang malaking handaan patungo ang mga ito.
Palihim na sumunod ang dalawa sa mga kapitbahay. Gayon na lang ang kanilang tuwa nang
makitang handaan nga ang kanilang pinun-tahan.
Gumawa ng paraan ang dalawa para makapasok sa bahay kahit hindi imbitado.
Napakaraming handang pagkain kaya nagpakasawa sila. Nang inaakala nilang wala nang kakain
at nakalingat ang may-ari ng handaan, nagtungo sila sa mesang kainan at nagsimulang magbalot
ng mga pagkain para iuwi. Nagkataong napalingon ang may-ari ng handaan at kitang-kita ang
ginawa ng dalawa.
Sa galit ng may-ari ay isinumpa ang mag-asawa. Sinabi nito na hindi na sila makapagdadala
ng anumang pagkain kahit kailan at hindi sila pakakainin kahit nasa handaan pa sila. Binalewala
lang iyon ng mag-asawa na napilitang umuwi.
Pagdating ng bahay ay bigla na lang nagbago ang anyo ng dalawa. Naging maliliit silang
kulisap na may mga pakpak. Hindi na nakita pa ng mga kapitbahay ang mag-asawa. Sa halip ay
dalawang insektong dapo nang dapo sa mga pagkain ang lumitaw. Kahit bawalan at paalisin ay
dadapo pa rin ang mga ito sa pagkain basta nakalingat ang nagbabantay. Ang mga insektong iyon
ay tinatawag na langaw.
Kahihiyan ng Upo

Sa bakuran ni tandang Karyo ay may isang halamang tumubo. Ito ay ang upo.
Gumagapang ito sa lupa kung kaya't maingat na itinali ito ni Tandang Karyo sa isang kawayan.
Ayaw ng halaman ang ganito. Ang nais niya ay maging Malaya tulad ng ibang halaman. Kinausap
niya ang kanyang kaibigang hangin.
"Kaibigan, tulungan mo ako. Mistulang alipin ako ni Mang Karyo. Kailangan ko ang tulong.
Nais kng maging malaya tulad ng mga damo, mga bulaklak. Tingnan mo sila, malalaya sila. Para
mo nang awa umihip ka nang malakas upang makailag ang mga tali sa katawang ko,"
pagmamakaawa ng upo.
Ang iyong katwiran y hindi matuwid, pero kung iyang ang iyong nais ay pagbibigyan kita,
sagot ng hangin.
Ibinuhos ng hangin ang kaniyang lakas hanggang sa makalas ang mga tali sa katawan ng
halamang upo. Laking pasasalamat ng upo. Malaya na siyang nakakagapang sa lupa tulad ng ibang
halaman.
Isang aso ang napadpad sa bakuran ni Mang Karyo. Naghahanap ito ng butong makakain.
Kahig ito nang kahig sa mga halaman. Hindi makaiwas ang upo sa matatalim na kuko ng aso.
Kaawa-awa ang anyo ng upo nang makita ito ni Mang Karyo. Inayos uli ni Mang Karyo ang
halaman at muli ito ay itinali niya sa puno ng kawayan upang hindi malaglag sa lupa. Lumakas at
gumandang muli ang halamang upo at laking pasasalamat niya ky Mang Karyo.
Minsan, umihip nang malakas ng hangin at nakipaglaro sa mga dahon ng upo. Nakiusap
ang upo na huwag lakasan ng hangin ang kaniyang pag-ihip at baka ang kaniyang tali at muli ay
malaglag siya sa lupa.
Patawang sumagot ang hangin at sinabing "Noong maliit ka pa lamang ay nakiusap ka sa
akin na tulungan kitang makababa sa lupa. Nagtataka ako ngayon kung bakit ayaw mo nang
bumaba sa lupa at maging malaya?"
Patawarin mo na ako. Mayroon akong malungkot na karanasan na siyang nagturo sa akin
na lahat ng bagay dito sa mundo ay may kani-kaniyang dapat na kalalagyan. Sana'y maunawaan
mo ako?" paliwanag ng upo.

You might also like