You are on page 1of 1

34e

ANG PALAKA AT ANG KALABAW

Isang araw may isang kalabaw na kumakain sa damuhan. Sa kalapit na lawa nito ay may isang palaka. Nakita nang palaka ang malaki at marilag na si kalabaw. Kanyang isinambit na sarili Sadyang napakalaking nilalang nito! Naway maging kahalintulad ako ng kanyang laki. Dahil sa gusto mangyari ni palaka, huminga siya ng malalim hanggang sa lumaki ang kanyang tiyan. Ngunit hindi pa rin nangyari ang inaasam niyang maging kasinglaki ng kalabaw. Sa kanyang pagka-inis, Huminga pa siya ng sobrang bilis at malalim. At dahil doon, pumutok ang kanyang tiyan at namatay.

Ginintuang Aral:
Ang aral sa pabula ay maging kuntento tayo sa kung ano tayo at hindi mainggit o gayahin kung ano ang iba. Magkakaiba man tayo ng itsura. Ginawa tayo ng Diyos ng pantay-pantay na ayon sa kanya. Isa pang aral sa pabula ay huwag tayo maging mapagmataas.

You might also like