You are on page 1of 2

Arianne Joyce P.

Liberato Bsed-III
Alamat ng Kalabasa
Si Kuwala ay anak ni Aling Disyang, isang mahirap na maggugulay. Maliit pa siyang bata nang mamatay
ang ama at tanging ang ina ang nagpalaki sa kanya.
Mabait si Kuwala. Maliit pa ay mahilig na siyang tumingin sa mga larawang nasa libro at nang matuto ay
pagbabasa ang naging libangan.
Basa siya ng basa. Walang oras na hindi siya nagbabasa. Binansagan tuloy siyang Kuwalang basa nang
basa.
Matalino ang anak kaya nagsikap si Aling Disyang para matustusan ang anak. Si Kuwala naman ay higit
na pinagbuti ang pag-aaral.
Tag-ulan noon nang isang hapon ay umuwi si Kuwala na mataas na mataas ang lagnat. Inirireklamo niya
ang mahirap na paglunok. Nagsuka rin siya nang nagsuka. Palibhasa ay walang pera, hindi agad nadala ni
Aling Disyang sa doktor ang anak. Nang masuri ito ng doktor ay malala na ang kondisyon.
Paralytic poliomyelitis ang umatake sa mahinang resistensiya ni Kuwala. Naging mabilis ang pagpasok
nito sa katawan niya at agad siyang naparalisa. Ilang linggo makaraan ay binawian ng buhay ang
kawawang bata.
Hindi matanggap ni Aling Disyang ang sinapit ni Kuwala. Upang maibsan ang lungkot ay inubos niya ang
panahon sa pag-aasikaso ng mga tanim na gulay.
May kakaibang halamang tumubo at nagbunga sa pataniman ni Aling Disyang. Bilog ang bunga noon na
kulay dilaw ang loob. Natuklasan ng mga kumain ng gulay na may bitamina itong nagpapalinaw ng mata.
May isang nagtanong kung saan galing ang halamang iyon. Ang sabi ng tinanong ay kina Kuwalang basa
nang basa. Nagpasalin-salin iyon sa maraming mga bibig hanggang kalaunan ay naging kalabasa.

 
ALAMAT NG AMPALAYA
Noong araw, sa bayan ng sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-
kanyangkagandahang taglay.Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang
kutis,si Luya na mayanghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang
pisngi ni Mustasa, siSingkamas na may kakaibang lutong na taglay,si Sibuyas na may manipis na balat, at
si patolan na maygaspang na kaakit-akit. Subalit may isan gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, sya si
Ampalaya namay maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.Araw
araw, walang ginawa si Amplaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niyagulay, at
dahil dito ay nagbalak sya ng masama sa kapwa nyang mga gulay.Nang sumapit ang gabi kinuha ni
Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay atkanyan isinuot. Tuwang tuwa si
Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon aypinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim
na hindi nabubunyag, nagtipon tipon ang mga gulay na kanyangninakawan at kanilang sinundan ang
gulay na may gandang kakaiba at laking gulat nila ngmakita nilang hinuhubad nito isa isa ang mga
katangian na kanilang taglay, at laking gulat nila ngtumambad sa kanila si Ampalaya. Nagalit ang mga
gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata nglupain, sinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni
Ampalya. Dahil dito, nagalit ang diwata at lahat ngmagagandang katangian na kinuha ni Ampalaya ay
kanyang ibinalik dito at laking tuwa ni Ampalaya dahilinisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa
ginawa niyang kasalanan, ngunit makalipas ang ilangsandali ay nag iba ang kanyang anyo. Ang balat nya
ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay niupo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang
katawan,maging ang mga ibat ibang lasa ng gulay aynaghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait
ang dinulot nito, at ang kanyang kulay ay nagingmadilim. Mula noon magpahanggang ngayon ang
luntiang gulay na si Ampalaya ay hindi pa rinmagustuhan dahil sa pait niyang lasa.
Mga Pabula

Ang Lobo at ang Ubas


Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa
sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto
ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng
Katig.Com

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon," ang sabi niya sa sarili.

Mga Aral:

Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung


minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o "maasim
na ubas" dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.

Ang sour-graping o pagsasabi ng "sour grape" o "maasim na ubas" ay


maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa
sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.
Ang Uwak at Kalapati

Ang uwak ay inutusan ng Diyos sa lupa upang alamin ang lalim ng tubig sa dagat.  Nguni't ang
uwak ay nalibang sa kakakain ng sari-saring bagay na natagpuan niya sa lupa.  Nalimutan niya ang utos
ng Diyos.
Nang ikatlong araw at hindi bumalik ang uwak, ang kalapati naman ang inutusan ng Diyos. Ang kalapati
ay matapat kaya hindi niya nalimutan ang utos ng Diyos.
  Nang dumating siya sa lupa ay hindi siya natagalan sa paghahanap ng sari-saring bagay at agad-
agad siyang dumapo sa tubigAng kalapati ay bumalik agad sa kalangitan at ibinalita ang kanyang nakita.
Ang uwak ay nagbalik din.  Ang Diyos ay nagtanong.  "Bakit ka natagalan?   Bakit hindi ka nagbalik
agad?"  Ang uwak ay hindi nakasagot dahil sa hiya.
Ang naging parusa ng Diyos sa uwak ay and paglagay ng pabigat sa kanyang paa, kaya ngayon, ang uwak
ay palundag-lundag.  Ang kalapati na tapat sa Diyos, ay kinagigiliwan ng buong daigdig.  Ang pula sa paa
ng kalapati ay katunayan ng pagtupad sa kanyang tungkulin.

You might also like