You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Ampalaya

Noong unang panahon, sa baranggay Sariwa, nakatira ang iba-ibang uri ng gulay.
Naroon si Kalabasa na may kakaibang tamis; si Kamatis na may masutlang kutis; si Labanos na
labis ang kaputian; si Luya na may natatanging anghang; si Mustasa na may luntiang pisngi; si
Patola na maganda ang pagkapantay ng gaspang ng balat; si Singkamas na kakaibang lutong;
si Sibuyas na may manipis at nakakaiyak na balat; at si Talong na may malalim na lila ang kutis.
Lahat ay natatangi at may kakaibang maipagmamalaki, maliban marahil kay Ampalaya.

Si Ampalaya ay may napakaputlang balat at ang lasang hindi maipaliwanag. Kaya


naman madalas niyang ikumpara ang sarili sa mga kasamahang gulay. At dahil doon, bagaman
tanggap at nais siyang makasalamuha ng ibang gulay sa lupain ay pilit niya silang itinutulak
papalayo.

"Huwag kayong lumapit! Hindi ko kayo kailangan! Lumayas kayo! Huwag ninyo akong
dikitan!" ang pagtataboy ni Ampalaya sa mga gulay na nais lamang siyang kaibiganin.

Isang maalinsangang gabi ay nakaisip ng masamang balak si Ampalaya laban sa


kanyang mga kasama.

"Kailangan ko ding magkaroon ng natatanging lasa, kulay, at ganda katulad ng ibang


mga gulay! Kung hindi man ay mahigitan pa sila!" Ang bulong ng ganid na Ampalaya.

Nang gabi ring iyon isinagawa niya ang kanyang plano. Tinungo niya ang mga walang
kamalay-malay at natutulog na gulay. Doon ay kinuha niya ang lahat ng magagandang
katangian ng mga gulay sa baranggay Sariwa. Kinuha nya ang tamis ni Kalabasa, ang anghang
ni Luya, Isinilid din niya sa dalang bayong ang nakasampay na kaputian ni Labanos, kakinisan
ni Kamatis, gaspang ni Patola, ang manipis na balat ni Sibuyas, at ang lilang kutis ni Talong.
Ipinuslit din nya ang lutong ni Singkamas.

"Hahahaha! Sa wakas nasa akin na ang lahat ang mga natatanging lasa, kulay, ganda,
at katangian ng mga gulay. Ako naman ang kaiingitan nila!" Ang sambit ni Ampalaya sa sarili
matapos ang kanyang ginawa.

Kinabukasan, lumakop ang balita ng malawakang nakawan na naganap sa baranggay


Sariwa. Nagtipun-tipon ang mga gulay upang pag-usapan ang mga naganap.

“Yung kutis ko, heto nangingitim na,” naiiyak na wika ni Labanos.

“Eh, ako nga, wala ng lasa.” Sabi naman ni Kalabasa.

Ngunit, natahimik ang lahat nang makita nila ang isang bagong dating na gulay. Ang
gulay na ito ay may iba't-ibang kulay ng balat, magkahalong kinis at gaspang at samu't saring
masasarap na lasa. Ang gulay na ito ay pinagkaguluhan. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang
gulay na iyon ay si Ampalaya na lihim na natutuwa sa kasikatan at pagpupugay na natatanggap
sa mga kasamahang dating kinaiinggitan niya.
Subalit, ayon nga sa kasabihan, walang lihim na di nabubunyag. Naging mapaghinala
ang ibang gulay sa pagdating ng bagong gulay lalo pa’t noong nakaraang gabi lamang nangyari
ang nakawan.

“Nakapagtataka. Kagabi lamang ay nawala ang mga katangian natin. Ngayon nama’y
may biglang dumating na taglay halos lahat n gating nawawalang katangian.” Paghihinala ni
Talong.

“Oo nga.” Pag-sang-ayon naman ni Singkamas. “At siya nga pala, nasaan si
Ampalaya?”

“Hayaan mo na siya.” Turan ni Kalabasa. “Baka nagtatago na naman ‘yon at walang


alam sa nangyaring nakawan. Hindi nga ba’t ayaw naman niyang makisalamuha sa atin?”

“Ang mabuti pa, sundan natin ang bagong gulay para malaman kung may kinalaman ba
siya sa nangyari kagabi.” Suhestiyon ni Kamatis na sinang-ayunan naman ng lahat.

Kaya naman, sa pamumuno ni Kamatis ay palihim at maingat nilang sinundan ang


dayuhang gulay. At nabigla sila sa natuklasan. Habang hinuhubad ng dayuhang gulay ang
makukulay nitong balat at lasa ay lumabas ang gulay sa likod nito...si Ampalaya!

Hinuli at ihinarap ng mga gulay ang tusong si Ampalaya sa diwata ng lupain. Sa harap
ng mga gulay ay nilitis si Ampalaya.

"Hindi pa nililikha ang magtataglay ng lahat ng katangian ng mga gulay. Bilang parusa,
mananatili sa iyo ang lahat ng ninakaw mong katangian ng mga kasamahan mong gulay." Ang
husga ng diwata kay Ampalaya.

Natuwa naman si Ampalaya. "Anong uri ng parusa iyon?" Bulong niya sa sarili.

Nagkapalitan naman ng tingin ang iba pang gulay bagaman nagtitiwala sila sa anumang
desisyon ng diwata.

Nang matapos ang paglilitis ay muling naibalik sa mga ninakawang gulay ang kanilang
mga nawalang lasa, kulay, at ganda. Laking tuwa naman ni Ampalaya na siya ay nakatakas sa
kasalanang ginawa, ngunit ilang saglit lamang ay may kakaibang nangyari sa kanya. Hindi
nagkasundo ang mga lasang ninakaw ni Ampalaya sa loob ng kanyang katawan. Nangulubot
ang kanyang balat ng mag-tagisan ang kakinisan at kagaspangan ng kanyang mga ipinuslit na
balat. Nagsilbing madilim na mantsa sa kanyang dating makulay na balat ang naghalu-halong
mga kulay. Ang lahat ng ito ay dahil sa kanyang inggit at pagkaganid.

Mula noon ay naging hindi na kaaya-ayang tignan at kainin si Ampalaya. Nagsisi at


nagpakumbaba na ang gulay na ito. Sa likod ng tila ba sumpang parusa sa kaniya ay nagtatago
ang kakaibang sustansya na mula sa kapaitan ng mga naghalong lasa.

You might also like