Professional Documents
Culture Documents
Tula
1. Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino
2. Aklat
3. Saranggola at Ibon
Alamat
1. Alamat ng Ampalaya
2. Ang Alamat ng Okra
Bugtong
1. (Kahit ano-ano)
Pabula
1. Ang Daga at ang Leon
Epiko
1. Olaging (Epiko ng Bukidnon)
Kuwentong Bayan
1. Si Matsing at ang Pagong
Talumpati
1.Kainigan
Nobela
1. Noli me Tangere
Salawikan
1-5 Tungkol sa Buhay
6-10 Tungkol sa Pamilya
Maikling Kuwento
1. Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan
TULA
Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino
ni: Avon Adarna
Ang wika ay apoy na nagbibigay-init,
Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
Ang inang kumalongat masiglang umawit,
Wikang Filipino ang siyang ginamit.
Saranggola at Ibon
“Bakit ka malungkot?”
Ang tanong kay Edwin ng batang kalaro sa tabi ng hardin.
“Ibon kong alaga ito’y nakalipad”
ang sagot ni Edwin na tila iiyak
“Huwag nang malungkot maglaro na tayo paliparin na
natin Saranggolang bago,
Tulad din ng ibon Ito’s lumilipad babalik din sa atin
kaagad.
Alamat
Alamat ng Ampalaya
NOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat
ng uri ng gulay. Dito makikitang naghahabulan sina
Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang,
Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas,
Talong, at Luya habang nagluluksong-baka sina Kamatis
at Kalabasa.
Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya'y
si Ampalaya. Maputlang-maputla ang kulay ng balat niya
at sa kahit anong lasa'y salat siyang talaga!
Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong
inggit sa katawan ni Ampalaya. Naging bugnutin siya at
maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa balag niya
ay binubulyawan niya. "Wag kayong lumapit sa akin!
Hindi ko kayo kailangan! Layas!" Dahil dito, nilayuan
tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa.
ISANG MAALINSANGANG gabi, isang maitim na balak ang
namulaklak sa utak ni Ampalaya. "Kailangang magkaroon
din ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng ibang mga
gulay!" bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang nananaginip
ang mga gulay, isinagawa ni Ampalaya ang kaniyang
balak.
Dahan-dahan, gumapang siyang papalapit sa balag ng
mga walang kamalay-malay na biktima. Sinunggaban niya
ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din niya sa bayong ang asim
ni Kamatis, pati na ang anghang ni Luya. Nakita rin niyang
nakasampay sa bintana ang kaputian ni Labanos. Agad
niyang kinuha ito.
Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang
pisngi ni Mustasa.
Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na
balat ni Sibuyas, ang malasutlang kutis ni Kamatis at
maging ang gaspang ni Patola.
"Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng
lasa, kulay, at ganda! Siguradong kaiinggitan ako ng lahat
ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili.
KINABUKASAN, umalingasaw ang balita tungkol sa
nakawang naganap. Nagtipon-tipon ang lahat ng gulay.
Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating
ang isang di-inaasahang bisita: isang dayuhang gulay.
Iba't iba ang kulay ng balat niya at kaya pa niyang mag-
iba-iba ng lasa! Kahanga-hangang gulay talaga!
Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng
bisita. Kaya't kinagabihan, tinipon niya ang mga
kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok sa balag
ng dayuhang gulay.
Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa
salamin, habang isa-isang hinuhubad ang mga lasa, kulay
at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang
tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang
bugnuting si Ampalaya!
ISINAKDAL SA HARAP ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan,
Kasusta-sustansiyang Hukuman ng mga Gulay si
Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa
bayan ng Sariwa. Nandoon din bilang hukom ang mga
diwata ng Araw, Lupa, Tubig, at Hangin.
"Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng
lasa, kulay, at ganda ng Kalikasan!" sigaw ng diwata ng
Araw.
"Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga
gulay at sa batas ng Kalikasan," bulong ng diwata ng
Lupa.
"A-ampalaya, ikaw ay parurusahan..." hikab ng diwata ng
Tubig.
"Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at
ganda mula sa mga kasama mong gulay ay mapapasaiyo
na," ugong ng diwata ng Hangin.
"Parusa ba 'yon? Ano bang klaseng parusa 'yon?" buska
ng bugnuting si Ampalaya.
Pagkaraan ng paglilitis, nangako ang mga diwatang
ibabalik nila ang mga lasa, kulay at ganda ng mga gulay
na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may
kagila-gilalas na nangyari kay Ampalaya.
Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw ni
Ampalaya sa loob ng katawan niya! Nang magsuntukan
ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang kulay, nagmantsa
ang madilim na luntian sa kaniyang balat. Nang
magsabunutan ang kinis at gaspang, lumabas ang
kaniyang mga kulubot. At nang magsigawan ang tamis,
asim, at anghang, lumitaw naman ang pait.
MULA NOON, naging madilim na luntian ang kulay ni
Ampalaya. Naging kulubot ang balat niya. At naging
mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang
gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa
kaniya.
Pero alam n'yo, nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n'yo
siyang makita sa inyong pinggan, subukan n'yo siyang
tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.
BUGTONG
Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mata
Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila
Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
Sagot: Unan
Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
Sagot: Kalendaryo
Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan.
Sagot: Yoyo
Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: Baril
Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga
sundalo.
Sagot: Watawat
Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig.
Sagot: Yelo
Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: Saranggola
Dalawang magkaibigan mahilig mag-unahan
Sagot: Dalawang paa
Matanda na ang nuno di pa naliligo
Sagot: Pusa
Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
Sagot: Buwan
Kakalat-kalat, natisud-tisod, ngunit kapag tinipon,
matibay ang muog.
Sagot: Bato
Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba.
Sagot: Bahaghari
EPIKO
Olaging (Epiko ng Bukidnon)
Ang Olaging ng Bukidnon ay isang epikong-bayan tungkol
sa labanan sa Nalandangan at ang pagtatanggol dito ng
bayaning si Agyu at kaniyang angkan. Kuwento ito ng
mga taong nagpapahalaga at nagmamalaki ng kanilang
lupain at ng mga pagdiriwang para sa kanilang lahi at ng
bayaning si Agyu. Bagaman mayroong mga pinsala,
naipanalo nila ang labanan. Isa si Matabagka, ang kapatid
na babae ni Agyu, sa mga nagtagumpay nang ipagtanggol
niya ang Nalandangan habang naglalayag ang mga
kalalakihan.
KUWENTONG BAYAN
Si Matsing at ang Pagong
Isang araw, may magkaibigang Matsing at Pagong.
Alam ni Pagong na tuso ang kaibigan katulad na lamang
noong nakakita siya ng isang puno ng saging.
Ito'y hitik na hitik sa bunga at masayang masaya si
Pagong.
Ngunit namataan din agad ito ni Matsing at agad nitong
inunahan si Pagong at inangkin ang puno.
Hindi pumayag si Pagong sapagkat siya ang unang
nakakita sa puno. Dahil tuso, nakaisip si Matsing ng isang
ideya.
"Hatiin natin ang puno Pagong, sa akin ang itaas na
bahagi at sayo ang ibabang bahagi" saad ni Matsing
Pumayag naman si Pagong at nakangising umalis si
Matsing dala dala ang puno na may bunga.
Buong pag aakala ni Matsing ay maiisahan nya si Pagong.
Lumipas ang mga araw ay naubos na ni Matsing ang
bunga at namatay ang puno ng saging.
Dali dali syang naghanap muli ng makakain.
Samantala, ang ibabang bahagi ng puno ay itinanim ni
Pagong at lumipas ang mga araw ay agad din itong
namunga.
Nalaman ito ni Matsing na dismayado at gutom na gutom
na umalis.
Totoo nga ang kasabihan na "Tuso man ang Matsing,
napaglalamangan din"
TALUMPATI
Kaibigan
BAKIT NGA BA TAYO MAY TINATAWAG NA KAIBIGAN?
NOBELA
Noli Me Tangere
Kabanata 1 – Isang Handaan
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don
Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring
kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang
bahay na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-
Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng
Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang
mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao,
mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga
nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung
ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng
handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng
dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa
mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na
pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina
tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng
Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang
mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating
lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa
mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya
na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos.
Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon
ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng
dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas
ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak
niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak
at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga
Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na
araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni
Pari Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang
bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa
loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi
niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa
pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa
pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral
sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat
ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at
ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na
napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa
hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan
Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang
parokya ang paring Pransiskano bilang parusa.
Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang
mga kasulatang nawaglit.
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos
nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na
pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang
talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin.
Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña
at Donya Victorina.
SALAWIKAIN
Ako ang nagbayo. Ako ang nagsaing.
Saka ng maluto’y iba ang kumain.
Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang,
tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.
Ang bayaning nasugatan,
nag-iibayo ang tapang.
Ang buhay ay parang gulong;
minsang nasa ibabaw,
minsang nasa ilalim.
Ang lumalakad nang mabagal,
kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim.
Anuman ang tibay ng piling abaka,
ay wala ring lakas kapag nag-iisa.
Magsama-sama at malakas,
magwatak-watak at babagsak.
Kahit anong bigat ng binubuhat,
kapag tulong-tulong ang mag-anak,
magaan ang pag-angat.
Sa alitan ng magkapatid ay huwag kang makisali;
kapag sila’y nagkasundo, galit sa iyo ang mananatili.
Ang pag-aanak ay walang kabuluhan,
kung ang magiging bunga’y palalabuyin lamang.
MAIKLING KUWENTO
Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na
babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas
matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi
tapat.