You are on page 1of 3

Nakalbo ang Datu

Noong unang panahon, may isang Datu na tumandang binata dahil sa pag sisilbi
sa kanyang nasasakupan. Lagi itong abala sa gawain sa kanilang pook kaya't
nakalimutan na nito ang pag-aasawa. Siya ay pinayuhan ng mga nakakatanda na mag
asawa na upang magkaroon sya ng taga pagmana. Napilitang mag asawa ang Datu
ngunit ito ay naging pihikan dahil sa napakaraming magagandang dilag sa kenneling
pook. Kinalaunan ay umibig din ang Datu, ngunit hindi sa isa, kundi sa dalawang
magandang dilag. Dahil walang tulak kabigin sa dalawang dalaga ay parehong
pinakasalan ng Datu ang dalawa. Ang isa sa mga ito ay si Hasmin. Siya ay batang bata
at ubod ng lambing. Kahit matanda na ang datu ay mahal na mahal pa rin ito ni Hasmin.
Dahil sa lubos na pagmamahal ni Hasmin sa Datu ay ayaw nitong magmukhang
matanda ang asawa, kaya't sa tuwing namamahinga ang Datu ay binubunutan niya ito
ng puting buhok. Ang isa namang asawa ng Datu ay si Farida. Siya ay kaedad lamang
ng datu ngunit ito ay maganda din. Dahil sa kadahilanang ayaw nyang magmukhang
matanda ay binubunutan nya ng itim na buhok ang Datu sa tuwing ito ay namamahinga
sa tanghali. Dahil sa ipinakikitang kabaitan at pagmamahal ng dalawa nyang asawa ay
galak na galak ang Datu. Ngunit gayon na lamang ang pagkagulat nito ng manalamin
sya. "Kalbo ako! Kalbo na ako!" sigaw ng Datu. Nakalbo ang Datu sa pagmamahal ng
dalawang asawa.
Alamat ng Capiz

Buhat nang lumunsad dito sa ating kapuluan ang bantog na si Magallanes, ang mga Kastila ay
kumakalat na nang kumakalat sa iba’t-ibang pulo sa Kabisayaan. Bagama’t napatay ni Lapu-
lapu si Magallanes sa pulong Maktan ang gayon ay hindi naging hadlang upang ang mga
Kastila ay magpalipat-lipat sa iba’t-ibang bayan at lalawigan. May isang panahong ang
maraming kawal na Kastila ay lumunsad sa malalaking pulo ng Panay. Ang mga kawal na yaon
ay pinamumunuan ng isang mabait na Heneral na ang pangalan ay Alejandro de la Cuesta. Ang
mabait na Heneral at ang kanyang mga kawal ay nagsisihimpil sa baybaying-dagat. Buhat dito
ay gumawa sila ng mga paglalakbay hanggang makarating sila sa isang pook na hindi nila alam
kung ano ang pangalan ng pook na iyon. Sa paglalakad ng mga kawal na pinangungunahan ni
Heneral de la Cuesta ay natanaw sila ng isang babaing naglalaba sa batis. Ang babaing iyon ay
may kasamang dalawang anak na nang mga sandaling yao’y nagsisipaligo sa malinaw na batis.
Naisipan ng pinunong Kastila na lapitan ang naglalabang babae upang itanong kung ano ang
pangalan ng baying kanilang kinaroroonan. Nguni’t malayu-layo pa ang mga kawal na Kastila
ay natanaw na sila ng naglalabang babae. Dali-dali nitong tinungo ang dalawang anak na
kambal na naliligo, kinilik ang isa at matapos akayin ang isa pa ay tinangkang sumibad ng
takbo.

Sa buong buhay ng babaing iyon ay noon lamang siya nakakita ng kawal na Kastila, kaya’t sa
malaking takot ay sinikap nitong makatakas agad. Nguni’t nakaiilang hakbang pa lamang siya,
au ubod galang na lumapit ang pinunong Kastila at mapitagang nagtanong; “Como se llama
esta provincial?” na ang ibig sabihin ay “Ano ba ang pangalan ng lalawigang ito?” Hindi
naunawaan ng babaing iyon ang mga salitang yaon, nguni’t nang makitang ang nagtatanong na
pinunong Kastila ay nakatinging mabuti sa kaniyang dalawang anak, na noo’y nakakapit sa
kaniyang mga hita, inakala ng natatakot na ina na ang itinatanong sa kanya ay kung bakit
magkamukhang-magkamu-kha ang dalawang bata. Dahil sa gayong akala ay nangangatal pa
ang tinig na tumugon siya sa wikang Bisaya Capid… Capid… an gang ibig sabihin, ang dalawa
niyang anak ay KAMBAL, kaya magkamukha ang mga iyon.

Yumukod pa ang pinunong Kastila at nagpasalamat bago nagpaalam sa babaing iyon. Sa pag-
aakalang ang isinagot nitong “Capid”, ay siyang katugunan sa kanilang itinanong. Noon din ay
itinala sa talaan ni Heneral de la Cuesta ang salitang “CAPID” at nagpapatuloy sila sa
paglalakbay sa buong lalawigan. Subali’t nang sila’y nag-usap-usap na tungkol sa pangalan ng
lalawigang kanilang narrating ay nahihirapan silang bigkasin ang salitang “Capid”, sapagka’t
hindi angkop sa kanilang dila ang “d”. Kaya’t ang titik na ito ay binago ni Heneral de la Cuesta at
pinalitan ng titik na “s”.

Buhat noon, ang lalawigang iyon na naging isa sa mga lalawigan sa malaking pulo ng Panay sa
Kabisayahan, sa halip na maging “Capid” ay kinilala ngayon at tinatawag na KAPIS. Ang
pangalang ito ng lalawigan ng Kapis ay siyang naging bunga ng hindi pagkakaunawaan ng
isang natatakot na ina at ng isang pinunong Kastila.
Si Indarapatra at Sulayman

Ito'y salaysay ukol kay emperador Indarapatra ng Kahariang Mantapuli.


Siya'y matalino, mabait at matapang. May sibat siyang matapos ihagis sa kaaway ay
bumabalik sa kanya. Nang may nanalot na mga dambuhalang halimaw sa Mindanaw ay
isa-isa niya itong napatay.
Humingi ng tulong si Emperador Indarapatra kay Prinsipe Sulayman na iligtas nito ang
Kaharian sa apat na salot: si Kurita, hayop na maraming paa at isang kainan lamang
niya ang limang tao; si Tarabusaw, mukhang tao na nangangain ng tao; si Pha, ang
ibong dahil sa kanyang laki'y nakapagpapadilim ng bundok at ang halimaw na si
Kurayan, isa ring ibong may Pitong ulo.
Tinanggap ni Sulayman ang tungkulin. Naglagay si Indarapatra ng halaman sa
durungawan at kapag nalanta ito ang ibig sabihin ay nasawi ang prinsipe. sa-isang
napatay ang mga halimaw, ngunit nang maligtas niya ang pakpak ng huling halimaw ay
nadaganan siya nito at siya'y namatay.
Nalanta ang halaman at nabatid ni Indarapatra ang nangyari kay Prinsipe Sulayman.
Pinuntahan niya ito at dumalangin nang taimtim sa Bathala.
Nabuhay na muli ang bayani.
Isang magandang dalaga sa mga nailigtas ni Sulayman ang nakabihag ng kanyang
puso.

You might also like