You are on page 1of 2

Alamat ng Sampaguita

Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang


alamat. Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong
pangalan, bagaman ayon sa matatanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay
nangyari noong bago pa dumating dito sa atin ang mga Kastila.

Noo’y panahon ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak at ang Gagalangin ay barangay
na magkapit-lugar. Sa pagitan ay may isang matibay na bakod na yari sa mga pinatuyong
kawayan, na tuwing limang taon ay ginigiba at pinapalitan. Kung minsan, ang nagpapalit ay
ang mga kawal ng datu sa Gagalangin; kung minsan naman ay ang mga kawal ng datu sa
Balintawak. Ngunit ang lahat ay gumagawa alinsunod sa utos ng kani-kanilang puno.

Ang datu ng Balintawak ay mayroong isang anak na dalaga na walang pangalawa sa


kagandahan, maging sa mukha at sa pag-uugali. Ang ngalan niya ay Rosita, wala na siyang
ina, datapua’t mayroon siyang apat na abay na pawang mga dalaga rin, sila ang nag-
aasikaso sa kanyang panganagailangan. Maraming binatang nangingibig sa kanya, ngunit
ang nabihag ng kanyang mailap na puso ay ang anak na binata ng Gagalangin na
nagngangalang Delfin.

Nakapagtataka kung bakit nagkaibigan ang dalawa gayong ang kanilang mga ama ay
mahigpit na magkaaway. Marangal ang pag-ibig ni Delfin kay Rosita, walang halong pag-
iimbot, walang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng hangganan gumawa si
Delfin ng isang lihim na lagusang madaraanan papunta kay Rosita. Kung gabing
maliwanang ang buwan, malimit daw mamasyal si Rosita kasama si Delfin. Sinasamyo nila
ang malinis na simoy ng kabukiran at pinapanood nila ang kaayaayang mukha ng buwan.
Ang pag-iibigang iyon ay lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang.

Minsan, nabalitaan ng datu ng Gagalangin na ang hangganan ng bakod ay binuwag at


pinapalitan ng mga taga-Balintawak. Nag-utos siya sa ilan niyang tauhan upang magmasid
sa ginagawang pagbabakod ng mga taga-Balintawak. Nang sila’y magbalik, tumanggap
siya ng balita na ang bagong bakod ay iniusod nang may limang talampakan sa dako ng
Gagalangin, at samakatwid ay nabawasan ang kanilang lupa. Agad siyang nagpautos sa
datu ng Balintawak.

Sabihin ninyo, anya sa mga utusan, na ibalik ang bakod sa dating kinatatayuan. Hindi
matuwid ang kanilang ginagawa, sapagka’t tunay na isang pagnanakaw.

Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa
Gagalangin at sinabi sa kanya ang bilin ng datu roon. Sabihin ninyo sa inyong datu, na
ako’y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binabalik ko lamang sa dapat kalagyan ayon sa
natuklasan ng aking mga nuno. Nag-alab ang dugo ng ama ni Delfin sa tinanggap niyang
balita. Sa gayong mga alitan, ang karaniwang nagiging hangganan ay digmaan.

Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin niya sa
pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang
mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay
digmain, iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng paglusob
ng hukbo ng Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang dinapuan ng isang
mahiwagang karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan kay Delfin ang isang mabigat
na pananagutan: siya ang magiging heneral ng hukbo ng Gagalangin.

Nang makarating sa kaalaman ni Rosita ang bagay na ito, siya’y kinabahan. Si Delfin ay
batang-bata at wala pang gaanong karanasan sa digmaan, samantalang ang kanyang ama
ay bihasa na sa pakikipaglaban sapul pagkabata. Gayon na lamang ang kanyang pag-
aalala. Ibig niyang makausap si Delfin upang himuking iurong na ang digmaan at
mapayapang makipag-usap na lamang. Datapuwa’t wala na silang panahon upang
magkausap pa. Kinabukasan ay lalabas na sa larangan ang kanyang ama sa unahan ng
malaking hukbo.

Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming nalagas sa
magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat, at dahil sa masaganang dugong nawala
sa kanya, siya’y nabuwal na lamang at sukat sa lupa. Bago siya nalagutan ng hininga,
ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya ilibing sa hangganan ng bakod, malapit
sa lihim na lagusang dinaraanan niya kung gabing maliwanang ang buwan at magkikita sila
ni Rosita, kasama ang mga abay nito.

Nang mabalitaan ni Rosita ang pagkamatay ni Delfin sa labanan, ang dalaga’y nagkasakit
sa matinding dalamhati. Nagpatawag ng magagaling na manggagamot ang datung ama
nito, ngunit sino man sa kanila’y hindi nakapagpagaling sa kaawa-awang dalaga. Unti-unti
itong pinanawan ng lakas. Nang sa palagay ni Rosita ay hindi na siya magtatagal, hiningi
niya sa kanyang ama na ang bangkay niya’y doon na lamang ilibing sa tabi ng
pinaglibingan kay Delfin. Masaklap man sa kalooban ng datu, pinagbigyan niya ang
kahilingan ng minamahal niyang anak.

Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga barangay at dumating ang
mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo’y marami na ang tao sa
Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naligalig sa
isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalo na kung mga gabing maliwanag
ang buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng
dalawang nayong naturan. Ang tinig ay waring sa isang babae at malambing daw na
parang marahang bulong ng panggabing hanging humahalik sa mga dahon ng halaman.
Sumpa kita! Sumpa kita! ang winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, ay wala naming
nakikita. Napansin nila na ang tinig ay nagmumula sa isang masukal na dako, na sinibulan
ng dalawang puno ng halamang ang mga bulaklak ay may kaliitan, maputi, maraming
talulot at ang iwing bango’y pambihira. Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga tao
roon kung buwan ng Mayo, taun-taon.

Read more in : https://buklat.blogspot.com/2017/11/ang-alamat-ng-sampaguita.html

You might also like