You are on page 1of 1

Alamat ng Pusa

Sa isang baryong ‘di kalayuan ay may natatanging napakagandang dalagang naninirahan dito. Ayon
sa mga sabi-sabi ng mga kabaryo nito at sa mga ibang nakakasaksi, ang dalaga daw sa kasikatan ng
araw ay nagniningning sa kanyang taglay na kagandahan ngunit tuwing sasapit daw ang dilim ay
nag- iibang anyo ito at nagiging isang matandang ibang- iba sa kaitsurahan niya kapag umaga.
Ngunit walang makapagsabi kung ang babae ay isang diwata ba o isang mangkukulam. Sapagkat ang
nasabing babae ay may angking galing sa pagluluto at may taglay na busilak na puso. Ngunit
sinumang gumawa ng hindi mabuti sa kanya ay nagtatamo ng mga sumpang hindi maipaliwanag.
Mabuti naman ang pakikisama at pakikitungo sa kanya ng kanyang mga kabaryo kaya’t ‘pag minsan
ay ipinagluluto niya ang mga ito ng kanyang mga masasarap na gawang pagkain. Nagtitinda din ang
dalaga ng mga pagkaing luto niya at karamihan pa sa mga taga malayong lugar ay dumarayo sa
kanya para lamang matikman at malasahan ang kanyang mga pagkain. Ganoon na lamang ang
kanyang husay sa pagluluto. Nagbulong-bulungan ang magkakabaryo at kung ano-ano ang
pumapasok sa kanilang isipan sapagkat tuwing sasapit ang gabi ay nagliliwanag ang kanyang
tahanan maging ang buong kapaligiran. Kakaibang liwanag ito kung kayat ito ang nagpapagulo sa
isipan ng mga kabaryo. Marahil raw ang mga pagbabago sa kanyang kaanyuan ay may kinalaman sa
kanyang pagluluto ng masarap na pagkain.
Isang araw sa kanyang pagbubukas ng kanyang tindahan ay may napansin siyang isang lalaking
napakadungis na animoy hindi man lamang nanliligo ay umaaligid at nag-aabang sa kanya. Hindi
siya nagustuhan ng mga taga nayon sapagkat kung ito ay magkikilos ay napakayabang. Nagkunwari
ang dalaga na hindi niya ito napansin at siya ay pumasok sa kanyang tahanan upang kuhanin ang
mga naiwang gamit doon. Nagulat siya nang sinilip niya sa bintana ng kanyang tahanan ang lalaki.
Kitang kita niya na kinakain ng lalaki ang kanyang mga lutong pagkain at sa kanyang paglabas ay
dali-daling nagtatakbo ang lalaki dala ang iba pang mga pagkain. Hinabol niya ito ngunit hindi na
niya naabutan ang lalaki. Pinalampas na lamang niya ang pangyayaring iyon. Ngunit kinabukasan ay
nandoon na naman ang lalaki. Pumasok muli siya sa kanyang tahanan. Inabangan niya ito at ganoon
na naman ang nangyari. Dahil sa kabaitan nito ay wala parin siyang ginawa sa lalaki. Ngunit
kinabukasan ay hindi na nakapagtimpi ang dalaga. Nagalit siya, lumakas ang ihip ng hangin at nag
ibang anyo siya na naging isang matandang babae. Itinapat ng matandang babae ang kanyang
sandok sa lalaki at isinumpang maging isang pusa.

Read more: http://pantikanbsn28.blogspot.com/2008/07/alamat-ng-pusa.html

You might also like