You are on page 1of 2

ALAMAT NG TIGRE

SALIN NI
eddie lauyan de fiesta esteban
MULA SA: Origin of the Tiger -KWENTONG BAYAN NG CAMBODIA
- retold by Toni Shapiro
Daang taon na ang nakaraan, isang Hari ang namuno sa isang mariwasang
kaharian. Maswerte siyang may kabiyak na nag-aangkin ng katalinuhan, apat na
Punong Ministro, isang Royal Astrologer na laging sa kanya’y nakaantabay sa
pagpapasiya ng tamang mga disisyon at lupon ng mga Mandarins at mga matataas
na opisyales na handang sa kanya maglingkod.
Ang kaharian, bagama’t matatag sa lahat ng bagay, may isang kahinaan, ang Hari
ni ang kanyang mga Punong Ministro, mangmang sa larangan ng mahika,
mahikang kinakailangan upang mapagwagian anumang digmaang kanilang
kakaharapin. Sanhi nito, ang Hari ay nababahala para sa kapakanan ng kanyang
nasasakupan. Sa tuwina, di mawaglit sa kanyang isipan na darating ang panahon,
na halimbawang isang hukbong dayuhan ang sa kanila’y sasalakay madali silang
makukubkob.
Isang araw, kaagahan ng umaga, ang Hari habang nakaupo sa kanyang trono,
katabi ang kanyang Reyna - habang kanyang Punong Ministro, Royal Astrologer,
mga Mandarins at opisyales ay tahimik na nasa kanyang harapan, nagpanukala na
matuto sila ng mahika. patuturo sa isang kilalang guro, nagngangalang
Tisabamokka, na naninirahan sa isang napakalayong kaharian, sa Takkasila.
Sa Takkasila, natagpuan nila si Tisabamokka. Sa huli, hiniling na turuan sila ng
mahika, na di naman tumanggi.
Ang Hari at mga kasama nabahaginan ng kaalaman sa mahika. Natutunang
magpalit ng katauhan, maging anumang hayop na naisin, maging isang anumang
bagay na nasa kalawakan.
Nang matutunan lahat ng dapat na ituro ng kanilang guro, ang Hari nagpasiyang
bumalik na sila sa kanilang kaharian. Kasama ang kanyang Reyna, apat na Punong
Ministro at Royal Astrologer, nagsimulang maglakbay pabalik. Makalipas ang
tatlong araw ng paglalakbay mula sa Takkasila, sa isang kagubatan, naligaw. Ang
lahat ng kanilang dalang pagkain, ubos na, nagsimulang kumain ng mga ligaw na
bunga, ng damo. Ang Hari nangamba para sa sarili at mga kasama - tinawag ang
mga ito. “Maaaring malapit na ang ating wakas sanhi ng wala na taong makain na
magpapalawig ng ating buhay, ano ang dapat nating gawin?” Ang Royal
Astrologer nagpanukala, “ Gamitin ang natutunan nating mahika, tayo’y maging
isang tigre nang sa ganoon tayo’y makapangaso ng makakain. Kapag nakabalik na
tayo sa ating kaharian, saka natin ibalik ang mga sarili sa pagiging tao.” Ang lahat
sa panukala, sumang - ayon. “Anong bahagi ng katawan ng tigre ang nais ng bawat
isa?” tanong ng Hari. Ang apat na Punong Ministro piniling maging ang apat na
paa ng tigre, buntot ang sa Astrologer, katawan ang sa Reyna. Ang ulo, napunta sa
Hari.
Isinatula ng lahat ang makapangyarihang salita, isang dambuhalang tigre ang
nalikha. Ang tigre kumalam ang sikmura, naghanap ng masisila, usa ang naging
paborito. Ang tigre namihasa sa ganoong pamumuhay, masaya sa tuwina. Bunga
ng kasayahan, nalimutan nang magbalik sa sariling kaharian. Wala siyang naging
pagsisisi.
Ganito ang paagkakalikha ng tigre sa daigdig, tigreng mas malakas, mas matapang
hambing sa ibang mga hayop. Saa sandaling ang tigre nangaso, ang buntot na
nagwawagayway ay ang Astologer; ang magandang katawan ay ang Reyna, ang
mapamaraan; ang matitipunong mga paa na may mga matutulis, matatalas na kuko
ayy ang apat na Ministro; at ang ulo, larawan ng kapangyarihan ay ang Hari,
Haring pinakamakapangyarihan sa lahat g Hari.
“Ang Alamat ng Tigre” sa kontekstong Kultural
Ang salitang Tisabamokka ay mula sa Pali an ang ibig sabihin ay “great teacher.”
Ang Takkasila ay isang distrito sa north-west India. Ang paggamit sa mga salita ay
nagpapakita ng impluwensiya ng India sa Cambodia.
Ang salaysay ay kilalang Kwentong Bayan ng Cambodia sa dahilang
ipinaliwanang nito ang pinagmulan ng tigre. Maliban dito, ipinagdidiinan na ang
mga tao ay kailangang magkaisa para sa kapanibangan ng lahat. Layunin din nito
na ituro sa mga tao ang di pagtalikod sa kanilang bayan o sa komunidad sa
sandaling maging maginhawa sa buhay. Marami sa mga salawikain ng Cambodia
ang may hatid ng aral na huwag kalimutan ng mga tao ang kanilang tungkulin. Sa
salaysay na ito, ang Hari at mga kasama sa una ang nais ay tulungan ang kanilang
nasasakupan gayunpaman dahil sa nakamit na kaligayahan, nakalimutan ang tunay
na dahilan kung bakit ninais makamtan kapangyarihan ng mahika.

You might also like