You are on page 1of 2

“ “Asya ang Katangi-tangi”

Isinulat ni Lenie Mae M. Aramon

Sa isang napakagandang kaharian ng Pangaea, mayroong magaganap na


paligsahan. Ang paligsahan ay pinamumunuan nina Haring Tiyera at Reyna Selena. At ito ay
magaganap sa kagubatan ng Pangaea. Ang mga kalahok ay sina Prinsipe Aca, Euro, Aulia, Artica,
ang kambal na sina Nomica at Sorica at ang pinakabunsong si Asya. Sila ay mga munting batang
prinsipe lamang. Ngunit sila’y mayroong angking kakayahan na sila lamang ang mayroon. Taglay
nila ang mga katangian na masipag, matalino, matiyaga, mautak at mabilis. Ngunit si Prinsipe
Asya ay ang kaisa-isa sa kanila na hindi pa natutuklasan ang talento.

“Kayo ay nasa harap ko ngayon upang marinig ang aking anunsiyo, magkakaroon
tayo ng paligsahan!” anunsiyo ni Haring Tiyera. Sumabay naman ang hiyawan ng mga tao.

“Nais kong ipakilala sa inyo ang pitong prinsipe ng aking kaharian,” banggit ng hari
at ipinakilala sila isa-isa.

“Dapat sundin ang mga alituntunin na aking ibibigay, nang sa gayon ay mabigyan
ng hustisya ang pagkilala sa kakayahan ng bawat prinsipe,” sambit ng hari.

“Una, kailangan mabuhay ang bawat prinsipe sa loob ng tatlong araw ng walang
tubig o pagkain. Sila ang gagawa ng paraan kung paano pupunan ang kanilang pangangailangan.”

“Pangalawa, maaari nilang gamitin ang kanilang kakayahan upang kanilang


mapunan ang kanilang pangangailangan at mabuhay.” Naawa ang anim na prinsipe sa bunso
nilang kapatid. Ngunit karamihan sa kanila ay natuwa dahil maipamamalas na nila ang kanilang
kakayahan.

“Panghuli, posibleng may mangyaring pandaraya kaya naman ay hindi pinapayagan


na magkaroon ng pag-uusap ang bawat prinsipe bago sumapit ang takdang panahon.” Matapos
ang pagbibigay ng mga alituntunin ng hari ay naghanda na ang bawat prinsipe sa darating na
paligsahan.

Habang naghahanda ang kaniyang mga kapatid, napagdesisyunan ni Prinsipe Asya


na pumunta sa kaniyang ina.

“Mahal kong anak, mayroon kang lakas ng loob at kagaya ni Prinsipe Aulia ay hindi
ka sumusuko sa mga pagsubok na nakatadhana sa iyo. Malakas ang aking pakiramdam na sa
paligsahang ito ay matutuklasan mo ang iyong kagalingan. Kaya naman ay lagi mong tatandaan
na andito lang kami ng iyong amang hari at iyong mga kapatid upang gabayan ka,” payo ni Reyna
Selena.

Sa paglipas ng isang araw ay gaganapin na ang paligsahan. Minabuting kausapin ng


anim na prinsipe si Prinsipe Asya. Binigyan nila siya ng motibasyon. Sinabi rin nila na mahal na
mahal nila ang bunsong prinsipe.
“Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat! Simulan na ang paligsahan!” Sambit
ng mahal na hari.

Sa una ay naging madali sa mga prinsipe ang mga pagsubok. Hindi nagtagal ay
mayroong nakasalubong na isang malaking lobo si Prinsipe Euro, dahil sa katalinuhan ay nakalkula
niya ang kahinaan ng lobo at natalo ito. Si Prinsipe Aca naman ay naghanap ng mga kahoy na
maaaring gawing pansamantalang tirahan. Nang lumalim na ang gabi ay walang kahirap- hirap na
gumawa ng apoy si Prinsipe Aulia para na rin gawing iwas sa lamig. Dahil na rin sa gutom ay
humanap ng paraan si Prinsipe Artica upang makahuli ng paniki o kaya naman ng baboy, sa huli
ay nagtagumpay siya sa paghuli ng baboy at ito’y inihaw. Nakasalubong ng kambal na prinsipe na
sina Nomica at Sorica ang isang grupo ng mga manok na nawawala sa kagubatan at hinuli ang
mga ito.

Habang abala sa kanilang ginagawa ang ibang mga prinsipe, nakarinig sila ng sigaw
na mula kay Prinsipe Asya. Agad silang pumunta doon at nagimbal sa kanilang nakita. Nakahiga
sa lupa ang walang malay sa si Prinsipe Asya at mayroong isang napakalaking oso. Nagsimulang
magtalo ang bawat isa sa kung sino ang unang susugod sa oso, alam nilang malakas ang oso.
Nagkaroon ng malay si Prinsipe Asya at ang una niyang nakita ay ang mga nagtatalong mga
kapatid niya.

“Tigil! Hindi tayo maaaring mag-away. Hindi niyan mabibigyan ng solusyon ang
ating problema.” Sigaw niya sa kanila. Tumigil ang mga prinsipe sa pag-aaway at dahan-dahang
huminahon.

“Posible nating matalo ang oso kung tayo ay magtutulungan. Kaya naman ay
kailangan natin ng kooperasyon mg bawat isa!”

Naghanap ng malaking bato si Prinsipe Euro. Habang abala siya sa paghahanap,


nililibang ni Prinsipe Aca ang oso gamit ang pagwawagayway ng manok sa taas ng puno. Si
Prinsipe Aulia naman ay gumagawa ng maliliit ngunit matitibay na harang upang hindi makaalis
ang oso. Nag-iisip ng paraan si Prinsipe Artica kung paano ihahagis ang bato. Sina Prinsipe
Nomica at Sorica naman ang nagpapagulong-gulong ng nahanap na bato. Nang makumpleto ang
lahat ay binuhat nila ang malaking bato at inihagis sa malaking oso. Sila ay nagtagumpay.

Natuklasan na ni Prinsipe Asya ang kaniyang kakayahan. Simula noon, siya’y


iginagalang at pinapahalagahan na ng iba. Ang kaniyang kakayahan ay pagiging malikhain. Siya
ang gumawa ng paraan kung paano gamitin sa matalinong paggamit ang bawat kakayahan ng
kaniyang mga kapatid.

Simula noon, kinilala ang kaniyang kakayahan hindi lamang sa kanilang kaharian
kundi pati na rin sa pinakadulo ng mundo. Dahil sa kaniyang pagkamalikhain, siya ay binansagang
‘Asya, ang katangi-tangi’.

You might also like