You are on page 1of 11

KALIGIRANG PANG

KASAYSAYAN NG
PABULA SA KOREA
Ang mga ay hindi lamang mga nilikhang
gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga
ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa
mga mamamayan nito. Sa korea, mahalaga ang
ginampanan ng mga hayop sa kanilang
mitolohiya at kuwentong bayan. Ayon sa
kanilang paniniwala, noong unang panahon daw
ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao.
Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si
hwanin (diyos ng kalangitan) ay humiling ang
isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi
ni hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa
sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na
pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-
uutos ang dalawa.
Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding
lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng
kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may
isang napakagandang babae ang lumabas sa
kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura
at kinausap muli si hwanin. Nagpasalamat sa
diyos at muling humiling na sana ay magkaroon
siya ng anak.
Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na
si hwannung (anak ng diyos ng kalangitan) at
ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at
pinangalanang dangun. Si dangun ay naging hari.
Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon
ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa
korea.
ANO ANG PABULA?
Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa
daigdig. Noong ika-5 at ika-6 na siglo bago si
Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-
India. Ang karaniwang paksa ng mga pabula ay
tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao
ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa.
Lalo napatanyag ang mga ganitong kuwento sa
Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga
Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang
aklat, ang Aesop’s Fable.
20XX

Ang pabula ay isang maikling kuwentong


kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa
mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay
ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay
pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan
o sumasagisag sa mga katangian o paguugali ng
tao. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang
nangangahulugan ng isang taong taksil
Ang pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga.
Ang palaka, mayabang. Ang unggoy o matsing,
isang tuso. Ang aso, matapat. Marami pang hayop
ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay
naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae at
sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong
manliligaw.
Itinuturo ng pabula ang tama, patas,
makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo
sa ating kapuwa. Ang mga pabula ay lumaganap
dahil sa magagandang aral sa buhay ng ibinibigay
nito.

You might also like