You are on page 1of 1

SOSC

Ano ang naging kaugnayan ng Kosmolohiya ng Sinaunang Pilipino sa Bangang Manunggul


na naging basehan ng ating kasaysayan at paniniwala?

Paano nga ba masasabi kung ang isang bagay o pangyayari ay tunay na parte ng
kasaysayan? Ayon sa pagaaral, kung ang isang bagay ay talagang nabibilang sa kasaysayan ay
dapat mayroong sapat na ebidensya o batis upang maniwala dito. Isang halimbawa nito ay ang
mga primaryang batis na nagbibigay ng direktang ebidensya tulad ng mga Bangang Manunggul.

Ang Bangang Manunggul ay isang produktong sining ng mga ninuno o mga sinaunang
Pilipino na nagbigay ng malawak na pag-unawa sa mga makasaysayang pangyayari. Ang mga
buto ng isang tao ay matatagpuan sa Bangang Manunggul ilang taon pagkatapos ng kanyang
kamatayan dahil ito ay ginamit bilang libingan noong unang panahon. May iba’t ibang kahulugan
ang mga disenyo ng Bangang Manunggul at ito ay patungkol sa kaluluwa at kanilang
paglalakbay patungo sa konsepto ng kabilang buhay. Dito sinasalamin ang kaugnayan ng
Bangang Manunggul sa Kosmolohiya ng mga Sinaunang Pilipino. Ang mga sinaunang Pilipino
ay naniniwala sa mga konsepto ng lupa, langit, ilalim ng lupa, kabilang buhay, at mga anito o
diwata. Ang konsepto ng kabilang buhay ay ang paniniwala na pagkatapos ng kamatayan, ang
mga kaluluwa ay pupunta sa isang lugar na tinatawag na kabilang buhay. Ang simbolismo sa
Bangang Manunggul ay nagsisilbing gabay sa mga kaluluwa ng mga yumao sa kanilang
paglalakbay patungo sa kabilang buhay.

Sinasalamin ng Bangang Manunggul ang paniniwala ng sinaunang Pilipino sa


pagkakaroon ng kaluluwa ng bawat tao, at ang patutunguhan sa konsepto ng kabilang buhay. Ang
Bangang Manunggul ay isa sa pinaka mahalagang basehan ng ating kasaysayan at paniniwala
dahil sinsalamin nito ang mga paniniwala, kaugalian at kosmolohiya ng mga sinaunang Pilipino.
Isa rin itong artefact na nilikha dahil sa mga paniniwala at ito ay nagsisilbing ebidensya o
direktang patunay ng mga pangyayari at paniniwala sa ating kasaysayan.

You might also like