You are on page 1of 1

Nicka Rose S.

Natividad Grade 5- Mars

Ang Pinagmulan ng Pilipinas

Ibat'iba ang mga pala-palagay tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Ayon sa mga


dalubhasa sa pag-aaral ng balatlupa, noong unang panahon ang Pilipinas ay bahagi ng Asya.
Walang dagat na namamagitan sa Asya at sa Pilipinas. Nguni't dahil sa pagguho ng lupa,
lindol, pagputok ng bulkan at pagbaha ng yelo, ang bahagi ng lupang nag-uugnay ng Pilipinas
sa Asya ay gumuho. Ngayon ang nakikita natin sa lugar niyan ay tubig.
May mga nagpapatotoo na ang Pilipinas ay bahagi nga ng Asya noong unang
panahon. Kamakailan ay may natuklasang mga bungo ng hayop sa bundok ng Cordillera. Ang
mga hayop na tulad nito ay doon lamang nakikita ngayon sa ibang bansa sa Asya at wala sa
Pi1ipinas.
Alinsunod naman sa mga mananalaysay, ang Pilipinas daw noong kauna-unahang
panahon ay bahaging labi ng malaking lupalop na lumubog sa dagat ng India na kung
tawagi'y Lemuria. Ayon naman sa iba, ito raw marahil ay bahagi ng nawalang lupalop
Pacifico na kung tawagi'y Hu.
Ayon naman sa ating matandang alamat, noong unang panahon ay walang lupa
kundi langit lamang at tubig. May isa raw uwak na walang madapuan. Naisipan ng uwak na
papaglabanin ang langit at dagat. Nagkaroon nga ng labanan. Malalaking alon ang isinaboy
ng dagat sa langit. Ang langit nama'y naghulog ng malalaking bato sa dagat. Sa mga batong
ito nagmula ang lupa. Isa sa mga pulo ng lupang naturan ay ang Pilipinas.
Ang isa pang kinawiwilihang alamat tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas ay ang
tungkol kina Silalak at Sibabay. Nang lalangin daw ang mundo ng Punong Pinagmulan ang
inunang lalangin ay dagat at langit. Pagka't wala pang buhay noon sa daigdig, ang Punong
Pinagmulan ay malulungkutin. Sa kanyang kalungkutan siya ay napaluha. Dalawang patak na
luha ang nalaglag sa papawirin at iya'y naging ibon. Sapagka't walang pulong madapuan ang
ibon, naibulong ng Punong Pinagmulan ang "Nais kong magkaroon ng lupa at kakahuyang
dapat madapuan ng ibon." Halos hindi pa nasasabi ito, nang sa di-kawasa, nagkarobn ng
lupa at gubat.
Sa puno ng kawayan sa lupang naturan, dumapo ang ibon. Tinuktok ng ibon ang
isang biyas na kawayan. Wari'y may mahiwagang tinig na narinig, "Lakasan mo ang
pagtuktok." Nang tuktukin nang buong lakas ang biyas ng kawayan, nabiyak ito at lumabas
ang kauna-unahang lalaki. Siya ay si Silalak. Isinunod ng ibon ang pagtuktok sa isa pang biyas
ng kawayan. Nang mabiyak ang kawayan, lumabas naman ang kauna-unahang babae. Siya
ay si Sibabay.

You might also like