You are on page 1of 1

�PINAGMULAN

G NG DAIGDIG
ang lahat ng ito ay kabilang sa unang panahon ng
kasaysayan ng ating lahi.

Noong unang panahon mayroon lamang langit at dagat. Ang


bathala ng langit ay si Kaptan. Ang bathala ng dagat ay si
Magwayen. May anak si Kaptan. Ang pangalan ay Lihangin.
May anak si Magwayen. Ang pangalan ay Lidagat. Ipinakasal
nila ang kanilang mga anak. Nagkaanak ang mag-asawa ng apat
na lalaki. Ang mga pangalan ay Likalibutan, Ladlaw, Libulan at
Lisuga.

Nang lumaki ang mga bata hinangad ni Likabutan na maging


hari ng sansinukob. Nahikayat niya si Ladlaw at Libulan na
salakayin ang langit. Pinilit nilang buksan ang pinto ng langit.

Galit na galit si Kaptan nang malaman ang ginawa ng tatlo.


Pinaalpasan niya ang mga kulog at ihinampas ito sa
magkakapatid. Naging bilog na parang bola sina Libulan at
Ladlaw. Ang katawan ni Likalibutan ay nagkadurog-durog at
kumalat sa karagatan

You might also like