You are on page 1of 1

Kahon ni Pandora

Puro lalaki lamang noon ang naninirahan sa lupa.ngunit nabubuhay naman sila
ng matiwasay sagana sa pagkain,sariwa ang simoy ng hangin, sa buong maghapon sila
ay nagsasaya lamang nagpapalusog at nagpapalakas ng katawan, hindi nila kilala an
gang sakit mga kalungkutan, gutom at uhaw.

Ngunit isang araw ay hiling nila sa diyos na si Hepestus na humubog ng isang


babae, at iyon nga ay si Pandora. Ubod sa kagandahan ang babaeng kanyang nilikha
lahat ng magandang katangian ay tinaglay ni Pandora,galing sa pag-awit,kaakit
akit,katalinuhan at kagalingan sa lahat ng bagay, Kaya nga Pandora ang ipinangalan sa
kanya na ang kahulugan ay Ang kabuuan ng kahanga-hangang handog ng lahat ng
diyos.

Si Hermis ang naatasan na maghatid kay Pandora sa lupa at inihatid niya it okay
Epimitiyus.noong lamang siya at ang kanyang mga kaibigan nanakita ng isang
napakagandang at kahanga hangang nilalang. Kaya naman nagdiwang sina Epimitiyus
at ang kanyang mga kaibigan. Noon ay hindi nakakaramdam ng anumang inggit at
panibugho ang mga kalalakihan. Tuwing dapit hapon ay nagtitipon tipon sila upang
pakinggang ang napakagandang mga awitin ni Pandora.

Naging maligaya si Pandora sa lupa sa piling ni Epimitiyus. Marami siyang


natututunan sa daigdig sa araw-araw.katulad na lamang ng hiwaga ng apoy, ang
kahanga hangang init ng araw at ang kataka taking lamig naman kung gabi, ang
masasarap na lasa ng ibat-ibang bunga ng punong kahoy.Ngunit may isang bagay ang
bumabagabag sa kalooban ni Pandora iyon ay ang kahon na ipinagbilin sa kanya ni
Hermis na huwag na huwag niyang bubuksan.

Napansin ni Epimitiyus ang kalungkutan ni Pandora una niyang nakita na


nalungkot ito, iniisip ni Pandora kung ano nga ba ang laman ng kahon, maaring meron
itong laman na kaakit akit at magdudulot pa lalo sa kanta ng ibayong kagandahan,
halimabawa noon ay ang busilak at napakagandang kasuotan ni Hira o di kaya naman
ay ang ginintuang hiyas ni Aprodayte. Kaya naman sinabi na niya kay Epimitiyus na
buksan nila ang kahon at tingnan ang laman noon, ngunit hindi pumayag si Epimitiyus
dahil ayon sa kanya hindi niya kayang lumabag sa ipinag-uutos ng mga diyos.

Nang minsang naiwan siyang mag-isa sa bahay ay di nakatiis si Pandora


binuksan niya ang kahon, at mula duon ay ay naglabasan ang ibat-ibang putakte na
tagapaghatid ng ibat-ibang uri ng karamdaman katulad ng kolera,lagnat, at iaba pa. at
ang iba naman sa mga putakte ay kinatawan ng masamang pag-uugali katulad ng
pagkainngit, sama ng loob at masasamang kaisipan. Ang lahat ng mga ito ay
naglipadan sa kapaligiran kaya naman ang mga tao ay nag
kagulo,nagsumbatan,nawala ang dating payapang kapaligiran.

May isang kulisap ng pag-asa na naiwan sa kahon,ayaw n asana siyang


palabasin ni Pandora,ngunit nagpumilit makalabas ang isang kulisap ayon sa kanya
siya ang pag-asa kaya pinalabas din siya ni Pandora agad itong lumipad sa kalawakan
at nagsitigil ang kagulohan sa kanyang pagdating at nanumbalik ang kapayapaan, hindi
man katulad ng dati na mayroong malinis na budhi ang bawat isa, gayumpaman
habang may pag-asa ay mauunawaan ng mga kalalakihan sa daigdig na daoat ay
laging mangibabaw parin lagi ang kabutihan.

You might also like