You are on page 1of 2

Class no.

G10 Seksyon: Industry

Pangalan: Rustia, Jehremae Darlene Petsa:Agosto 25,2021

Ang paglikha ng panahon

1.Noong unang panahon, sa mga mundo ng Diyos at Diyosa, may isang diyosa nangangalang Demeter. 2.Si Demeter
ay ang Diyosa ng Agrikultura at ani, siya ang nag aasikaso sa mga taniman. 3.Mayroon siyang anak na ang pangalan
ay si Persephone, ang Diyosa ng tagsibol. Maraming lalaki na humahanga sa kagandahan ni Persephone ngunit
nilalayo ni Demeter si Persephone sa mga Diyos lalo na sina Aphrodite at Eros ang Diyos at Diyosa ng pag-ibig.
3.Nilalayo niya ito dahil takot siyang mawala at mahiwalay sa kanyang anak kaya pinatilihan ni demeter ang
kanyang pagka-inosente. 4.Samantala, may isang diyos na naninirahan sa ilalim ng lupa o kilala bilang lugar ng mga
patay at siya ay si Hades ang diyos ng mga patay. 5.Siya ang naghahari at nagaasikaso sa mga patay, siya ay
ikinakatakutan lalo na kung kapag ibinigkas ang kanyang pangalan. 6.Isang araw, napansin ni Hades na may
pumutok na bolkano, dahil dito si Hades ay nag alala na baka magkakaroon ng liwanag sa kadiliman ang lugar ng
mga patay. 7.Kaya si Hades ay lumabas sa kanyang kaharian para tingnan ito. 8.Habang naglalakad, may narinig na
malambing at maganda na boses si Hades kaya sinunod niya ang boses nito at doon nakita niya si Persephone na
kumakanta habang namimitas ng bulaklak. 9.Sa kalayuan, napansin ni Aphrodite at Eros na interesado si Hades kay
Persephone. 10.Kaya nagplano sina Aphrodite at Eros na mapaibig sina hades at si Persephone sa isa’t isa, kaya
pinana ni Eros ang kanyang mahiwagang pana kay Hades. 11.Hindi man maramdaman ang itinira na pana ni Eros
kay Hades ngunit malaki ang epekto nito. 12.Si Hades ay lubos na napaibig kay Persephone dahil sa kanyang taglay
na kagandahan ni Persephone.13.Ngunit alam ni Hades na hindi papayag si Demeter na mapaibig siya kay
Persephone dahil siya ay naninirahan sa ilalim ng lupa. 14.Maya’maya’y dinukot niya si Persephone gamit ang
kanyang kapangyarihan at idinala sa kanyang kaharian. 15.Doon idineklara ni Hades ang pag-ibig niya kay
Persephone subalit si Persephone ay itinanggi ang kanyang pag-ibig dahil sa lungkot na mapahiwalay sa kanyang
ina. 16.Samantala, Si Demeter ay labis ang pag alala, galit at lungkot na nararamdaman dahil sa kanyang anak, at
dahil dito, napababayaan niya ang kanyang trabaho na mag asikaso sa mga taniman. 17.Kaya ang resulta sa kanyang
pababayaan ay natuyo ang lupa, mga puno ng dahon ay nalalanta, mga hayop ay namamatay, mga tanim ay hindi na
tumutubo, at ang lugar ay nanlalamig. 18.Kaya nag alala si Zeus, ang Diyos ng langit, na magiging dahilan ito ng
pagkamatay ang lahat ng tao. Nakiusap siya Kay Demeter na bumalik sa kanyang trabaho ngunit hindi pumayag si
Demeter at binantahan niya si Zeus na kung hindi babalik ang kanyang anak ay hindi niya gagawin ang kanyang
tungkulin. 19.Kaya nangako si Zeus kay Demeter na makukuha ang kanyang anak. 20.Sa lugar ng mga patay, si
Hades naman ay itrinato si Persephone ng buong respeto at pagmamahal, gumawa pa siya ng magandang hardin sa
kanyang kaharian para lang kay Persephone. 21.Habang tumatagal, nasasaksi ni Persephone ang tunay na pagkatao ni
Hades kaya napagtanto niya na hindi pala siya ganoon na kasamang tao, hanggang sa natutunan na ni Persephone na
mapamahal kay Hades. 22.Isang araw, nalaman ni Hades kay Zeus na gustong kunin ni Demeter ang kanyang anak,
nalungkot siya dahil baka hindi na babalik si Persephone sa kanya. 23.Kaya’y pinakain niya si Persephone ng isang
pomegranate, pinaniniwalaan na kung sino man ang kakain nito ay babalik sa kung sino ang nagpakain nito sa
kanya, nangako naman si Persephone na babalik siya kay Hades. 24.Pagkatapos kumain ni Persephone ng
pomegranate, siya ay naging at kinilala bilang Reyna ng mga patay. 25.Ilang araw nakalipas, bumalik na si
Persephone sa lugar kung saan naroon ang kanyang ina, tuwang-tuwa si Demeter pero nang tinanong niya si
Persephone na kung saan niya mas gusto manirahan, ang sabi naman ni Persephone ay sa ilaim ng lupa dahil
nandoon sa Hades. 26.Nagalit si Demeter dahil akala niya na isinumpa ni Hades si Persephone para makabalik ito.
27.Ngunit pumayag na lamang ito at sinabihan naman niya si Persephone at si Hades na kung hindi babalik ang
kanyang anak ay hindi niya gagawin mayabong ang kanilang lugar. 28.Sa bawat kalahating taon, nakakasama ni
Persephone si Hades sa ilalim ng lupa, sa ibang kalahating taon naman ay nakakasama niya si Demeter. 29.Bawat
kalahating taon kung saan si Persephone ay nakakasama niya si Hades, ay napapabayaan ni Demeter ang kanyang
tungkulin dahil sa lungkot na mapahiwalay sa kanyang anak, dahil dito, ang taglagas at taglamig ay nabuo. 30..Pero
bawat kalahating taon naman kung saan makakasama niya si Persephone ay nagiging mayabong ang mga halaman
,tanim at paligid, at bumuo ang tagsibol at tag-araw at dito nagsimula ang ikot ng panahon.

You might also like