You are on page 1of 3

Pagkilala kay Nero: Ang Anak ni Poseidon

Si Poseidon, ang panginoon at diyos ng karagatan ay isa sa pinakatanyag at


iginagalang na diyos na Olympian. Kapatid niya ang pinuno ng mga diyos na Zeus at si Hades.
Sa pglipas ng panahon, nagkaroon ng kanya-kanyang pamumuno ang mga magkakapatid. Si
Poseidon ay nanatili manirahan sa kanyang kaharian sa karagatan kahit na may posisyon sa
konseho ng mga diyos at diyosa.

Minsan hilig niya ang magbalatkayo bilang tao upang makahalubilo sa mga ordianryong
tao na naninirahan sa mga dalampasigan. Naging libangan niya ang makipagpaligsahan sa
paglalangoy. Sa paglipas ng panahon, ang diyos ng karagatan ay nahulog ang loob sa isang
dalagang nagngangalang Kora. Nagdalang-tao si Kora.
Minsan nagpaalam si Poseidon na siya ay pansamantalang mawawala. Nagdahilan
lamang siya sa asawa na siya ay sasama sa malakihang pangigisda sa ibayo ng dagat, ngunit
ang totoo ay kailangan niyang umuwi sa Bundok Olympus para sa gagawing pagpupulong ng
mga diyos at diyosa. Sa paglipas ng araw na hindi nakakauwe, naiinip si Kora at siya ay
nagpasyang pumalaot. Sa paglalakbay nila sa karagatan, hindi inaasahan ang maagang
pagsilang ni Kora sa sanggol. Kasabay ng pagsilang niya ay paglakas ng bagyo sa karagatan.
Sa gitna naman ng pagpupulong, naramdaman ni Poseidon ang tila panganib sa kanyang mag-
ina. Sa kanyang pagkabalisa ay nagtungo siya sa karagatan kung nasaan ang kanyang mag-
ina, subalit sa sawing palad, tanging ang sanggol ang naiwan sa loob ng bangka. Sinisid niya
ang ilalim ng dagat kasama lahat ng nilalang sa tubig, ngunit walang nakakita kay Kora.
Sa paglipas ng panahon, isang binatang lalaki na nagngangalang Nero ang lumaki sa
pangangalaga ng mga nimpa ng Ilog Aragon. Isang kabigha-bighaning lalaki si Nero. Libangan
na niya ang lumangoy sa katubigan o kaya ay tumugtog gamit ang kanyang saang. Ang musika
nito ay sinasaliwan ng magagandang tinig ng mga nimpa.

Minsang isang araw, isang kakatwang pangyayari ang naganap kay Nero. Sa hindi
inaasahan, hindi niya nasabayan ang pagbagsak ng alon. Siya ay humampas sa malaking bato
at ilang buwan na nawalan ng malay. Dahil dito, napilitan ang mga nimpa na dalahin siya kay
Poseidon.Ginamot ng mahiwagang tubig ni Poseidon si Nero. Upang makabawi sa anak na
inihawalay niya ng matagal, dinala ni Poseidon si Nero sa Bundok Olimpus upang ipakilala sa
mga kapatid niyang sina Hades at Zeus. Sa unang pagkakataon, nagulat ang lahat dahil sa
kaun-unahang pagkakataon ay may ipinakilalang anak si Poseidon sa ordinaryong tao. Tingin
nila ay hindi angkop si Nero upang maging kahanay ng mga anak nila dahil ang mga anak nila
ay mula sa mga inang diyosa.

Sa pagtagal, minsan naiiwan na ni Poseidon si Nero sa bundok Olimpus dahil sa


pamamahala sa katubigan. Walang kaibigan si Nero sa mga pinsan niya mula kina Zeus at
Hades. Pakiramdam tuloy niya, siya ay sadyang kakaiba. Ang ginawa niyang pampalipas ng
oras ay ang pagtunog ng kanyang saang. Isang araw, sa pagtugtog niya, kakaibang tunog ang
inilalabas nito. Sa unang pag-ihip niya ay palaspas ng tila malaking pakpak. Sa ikalawang pag-
ihip ay ang huni ng isang nakakakilabot na ibon. Sa ikatlong pag-ihip ay nabitawan niya bigla
ang saang dahil sa lumagblab na apoy na lumabas. Natakot si Nero at itinago na lamang sa
baul sa ilalim ng kanyang higaan, ngunit lalong lumala ang pangitain ni Nero. Minsang habang
natutulog siya, isang masamang panaginip ang kanyang nasasaksihan. Mula sa saang,
lumabas ang isang dambuhalang ibon na umaapoy. Sa bawat pagpalaspas ng mga pakpak
nito, ang apoy ay bumabalot sa iba’t ibang bahagi ng bundok Olimpus at sa kalaunan ay pati
ang mundo ng mga tao.Sinabi niya agad sa ama ang kanyang napanaginipan at pakiwari niya
ay masama itong pangitain.

Nagpatawag ng pagpupulong si Poseidon sa kanyang dalawang kapatid. Sa


pagkukuwento ni Nero, pinagtawanan at kinutya lamang siya ng mga tiyuhin. Ayaw tanggapin
ng dalawang diyos na may masamang mangyayari dahil sa sila ang may malakas na
kapangyarihan na mapigilan ang lahat ng anumang mangyayari. Sa paghamak sa kanya,
nilisan ni Nero ang kaharian at nagpasyang hahanapin ang kahulugan ng kanyang panaginip.

Sa hindi kalayuang bulkan sa dulong timog ng kaharian, may isa palang malaking itlog
na naiwanan pa ng mga ninunong Titan na nakalagak dito. Sa isang propesiya na natabunan na
ng panahon at nalimot nina Zeus, ang itlog na ito may itim na mahika. Gagamitin sana ito noong
huling digmaan ng mga Titan at mga anak nito. Sa pagkatalo ng mga Titan, ikinubli na ito ng
mga nakakatandang gorgona. Dahil sa panahon, ang bulkan sa timog ay nakahandang
sumabog. Sa pagsabog nito, kasabay ang pagkabasag ng itlog. Ang kakaibang nilalang ay
nilamon ng apoy ng kumukulong bato mula sa bulkan, at sa pagkawasak ng bulkan, lumabas
ang isang nakakatakot na ibong malaki. Ito ay tila isang gutom na buwitre na lumipad patungo
sa bundok Olimpus. Naghasik ng lagim at kaguluhan. Ikinagulo ito ng buong Olimpus.
Naghanda ng pagtatanggol ang mga diyos. Sa bawt paglusob sa ibon, siya namang pagkatalo
ng mga diyos. Walang nagawa ang kulog at kidlat ni Zeus at ang kapangyarihan ni Hades. Si
Poseidon naman ay ginamit ang tubig upang puksain ang apoy na dala ng ibon.

Sa paglalakbay naman ni Nero, nakilala niya ang isa sa nabubuhay na gorgona na


naglagay ng itim na mahika sa ibon. Hindi naman ito toong masamang ibon, ngunit dahil lang
sa utos noon ng mga diyos na kumakalaban, napilitan ang mga gorgona na gumawa ngmga
halimaw. Ang ibong ito ay maaring mapuksa sa pamamagitan ng isang mahiwagang gintong
panali. Ito ay kinuha ni Nero sa ilalim ng bulkang pinaglagakan ng itlog noon. Matapos makuha
ay nagbalik si Nero sa Olimpus upang tumulong. Gamit ang kapangyarihan ng ama na alon,
nakakalapit siya sa ibon. Sa bawat paglalaban nila at nahahampas ng tali sa ibon, ito ay
nababawasan ng lakas, hanggang sa maitali niya ito sa katawan. Pinilit niyang maibalik ang
ibon sa bulkan. Sa pagsabog muli ng bulkan dahil sa pagpipiglas ng ibon sa tali, ito ay tuluyang
ng nalusaw sa apoy. Ipinagbunyi ng lahat ang tagumpay ni Nero. Kinilala siya ng mga tiyuhin at
pinsan na isang tunay na anak ng diyos.

Sa paglipas ng panahon, ang balot na itlog ng ibon ay nabubuong muli. Sa panaginip ni


Nero, ito ay kanyang Nakita. Sa takot na muli itong maging mabangis na ibon, pinilit niya ang
ama na ito ay gamitan ng kapangyarihan ng tubig upang gawing enerhiya ng tubig ang
enerhiyang apoy na bumabalot dito. Sa tamang panahon ng paghihintay ni Nero, nabasag ang
itlog at lumabas ang isang dambuhalang ibon na naging maamo sa kanya.

You might also like