You are on page 1of 2

Ang anak ni Zeus

Sa gitna ng karagatan ay natamasa ni Frigel at ang


kanyang pamilya ang bagsik nito. Mga higanteng alon na
pumapasok sa kanyang bangka.
Pagkatapos ng trahedyay napansin nito ang isang
malaking baul. Kinuha nito at binuksan. Mag inang sina
Thera at Ian ang laman nito. Inalagaan nila si Ian dahil
siyay naulila na.
Isang araw inatake ng lamang-dagat ang bangka at
nalunod sina Frigel maliban kay Ian na nakatakas sa lupit
ng halimaw. Sobra ang kalungkutan ni Ian, at nalaman
nito na ang pumatay sa kanila ay si Poseidon. Simula
noon ay galit na siya sa mga Diyos at Diyosa.
Nahuli ng mga kawal si Ian at inilagay sa palasyo. Dahil
sa laki ng kanyang katawan at alam ng hari na may
abilidad ito sa pakikipaglaban, ginawa nilang isang kawal
si Ian.
Habang natutulog si Ian, ay linapit siya ng isang agila na
puti. Kinausap ng agila si Ian at nagpakilalang siya ang
ama nito. Nagtaka si Ian dahil isang hayop ang ama niya
pero ilang sandaliy naging si Zeus ito. Hindi naniwala ang
anak nito at galit siya sa kanya. Naipamana kay Ian ang
kapangyarihan ng kanyang ama. Umalis si Zeus at
bumalik sa Olympus.
Umagay dumating at ipinadala ng hari ang mga kawal sa
isang labanan. Pumunta si Ian at nakipaglaban. Nalaman
ng mga kapwa niya kawal na siyay anak ni Zeus dahil
habang silay nakikipaglaban, lumabas ang kanyang
malakas na kapangyarihan na siyang tumalo sa mga
kalaban.
Nagtagumpay sila at naging bayani na si Ian sa kaharian.
http://innhssec2010.blogspot.com/2010/04/ang-anak-ni-zeus.html

Binigyan siya ng mga espesyal na serbisyo. Simula noon


ay naging tagapagtanggol na siya sa mga naaapi at
namumuno sa mga labanan.
Lumipas ang panahon at unti- unting natanggap ni Ian na
ang kanyang ama ay si Zeus. Pumunta siya sa Olympus
at tinanggap nito ang kanyang ama. Naging
makapangyarihan si Ian. Namatay si Zeus dahil sa
kanyang kapatid na si Poseidon na gutom sa
kapangyarihan. Naging malupit si Poseidon sa mga tao.
Ibat- ibang mga halimaw ang ginagawa ni Poseidon at
ipinapadala nito sa mga ibat- ibang bayan para maghasik
ng kasamaan. Pero hindi pumayag si Ian na mangyari ito,
at tinawag siyang Almighty Ian. Siya ang tumutulong sa
mga naaapi.
Hindi matatalo ng kasamaan ang kabutihan. Nagharap
sina Poseidon at Ian at naglaban. Napatay ni Ian si
Poseidon at nagbalik ang kapayapaan sa kaharian.
Naging Diyos ng mga Diyos at Diyosa si Ian at naging
makapangyarihan. Ipinagpatuloy nito ang hindi natapos
ng kanyang ama na tungkulin sa Olympus at sa buong
mundo.

http://innhssec2010.blogspot.com/2010/04/ang-anak-ni-zeus.html

You might also like