You are on page 1of 4

Ang

Piso
Malayo pa lamang si Hades ay natatanaw at naririnig ang alon ng mga tubig na
nagmumula sa dagat, ang walang katapusang pag-alon at pag-ahon na kalianman ay dapat…
Sa kanyang patuloy na paghakbang higit isang oras din siyang nakatanaw sa papalubog na
araw at ang kalmadong sigaw ng mga alon. Nakakita siya ng isang piso na mababaw na
nakabaon sa mga buhangin, dahan-dahan niya itong kinuha at tinitigan, sa kanyang pagtitig
ay nanumbalik ang mga ala-alang matagal na niyang ibinaon, mga karanasan sa kanyang
buhay mula sa iba’t ibang uri ng pamilya na kanyang napuntahan. Mabilis siyang tumayo at
ipinasa ang piso sa isang mangingisda na kanyang nakasalubong at walang pasabing
umalis…
Gabi pa lamang ay maagang gumising si Achilles Riego para mangisda, ang bunsong
anak ng mga Riego. Ang mga Riego ay kilala bilang isa sa pinakamayayamang pamilya sa
Costa Leona, isa sila sa nagmamay-ari ng mga sikat na real state. Si Mrs. Alana Riego
asawa ni Achilles ay maagang pumanaw matapos ipanganak ang kanyang bunsong anak na
si Jaxon at ang panganay naman na anak ay si Percival Archer Riego o mas kilala bilang
Sibal. Ayon sa kwento, pinahirapan ng Emilia Galvez si Achilles at inutusan ang lahat na
wag itong tanggapin sa mga trabaho, hangad nito na masira ang buhay ng lalaki. Ang
batang si Jaxon ay mabilis na pumunta sa kanyang ama na nag-aayos ng gagamitin para sa
kanyang pang-isda, lumapit ang batang riego at mabilis na niyakap ang kanyang ama at
nagpupumilit na sumama, para matahimik ang bata ay binigyan ito ng piso ng kanyang ama.
Napatulala ang bata sa natanggap dahil para sa kanya’y kakaiba ang kintab nito kaya agad
itong dinala ng ama sa kanilang bahay. Sa paggising ng umaga ay wala ang ama sa tabi ng
batang Riego, sa saya na dulot ng bata ay umalis ito ng bahay upang makipaglaro sa mga.
Sa gitna ng kanyang pagsasaya ay nahagip ng kanyang mata ang isang lalaking nakatayo
malapit sa puno ng niyog at nakasandal dito na tila ba ay malalim ang iniisip. Masayang
lumapit ang batang Riego dito upang ayain ito maglaro, ang lalaking matipuno at
matangkad ay lumuhod upang mapantayan ang bata at ngumingiting tumango, sumilay tuloy
ditto ang mapuputi niyang ngipin. Kasama ang estrangherong lalaki ay naglaro sila ng
masaya at ng mapagod ay inabot ng bata ang piso bilang bayad daw dahil natalo ito sa
kanilang laro, natatawang tinaggap ito ng lalaki at ginulo ang buhok ng bata.
Umuwi ang lalaki na nagngangalang Kajik Mercadejas, galling sa Pamilya din ng
isang sikat at mayamang pamilya. Siya ay may kapatid na mas nakatatanda na si Zamiel
Mercadejas na di kalaunan ay nagging sawi matapos daw umano siyang lokohin ng kanyang
iniirog. Sa kanilang pamilya ay nakaarrange marriage si Kajik sa isang babae na anak ng
nililigawang kompanya ng kanilang kompanya. Ang babae ito ay si Andra, sa pamilya nila
ay kailangan mag-asawa ng anak din mayayaman upang mapanatili ang kapangyarihan.
Nakita ni Kajik ang kanyang kuya na nagpapawawis gamit ang kanilang kabayo. Mabilis
siyang lumapit dito upang kausapin sa magiging plano nito matapos ang pangyayari sa
buhay nito. Inaya na lamang nito ang kapatid na magkarera ng kabayo at magpustahan
kasama ang kanilang pinsan na si Vince Hidalgo. Natalo sa kanilang laro si Kajik at tumawa
lamang tapos ay iniabot ang makintab na piso na ibinigay sa kanya ng bata. Dahil sa pisong
iyon ay gumaan ang loob niya, sa batang iyon ay naramdaman niya mula ang saya ng
pagkabata at kahit papaano ay nakalimot siya sa kanyang problema. Mabilis naman siyang
binatukan ni Vince at dumiretso sa kanyang kwarto upang maligo.
Tinitigan ni Vince ang piso tulad ng unang impression ng mga nakakatanggap nito ay
ganoon din ang kanyang impression. Sabi niya nalang sa kanyang isip ay natatawang iniisip
si Kajik na matapos ang kanyang pagod at ilang laps sa karera ay babayadan lamang siya
nito ng piso. Galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo, mas mayaman sila kumpara sa mga
Mercadejas at Riego dahil panahon pa lamang ay naitayo na ang kanilang pangalan. Ang
mga mayayamang pamilya na Hidalgo ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig
ngunit hindi ang sila nakalimutan turuan ng magandang asal at pagpapakumbaba. Sila man
ay mayayaman ngunit tinuturuan na sila ng mga gawaing bahay, alam nila gawin ang lahat,
isa sila sa mga talentado ay hindi mapagkakaila ang kagwapuhan at halata din sa kanila
ang lahing banyaga. Ang mga magulang ni Vince Hidalgo ay parehong namatay sa gitna ng
pag-alis upang magtago at manirahan sa lugar kung saan tahimik at walang pagbabanta sa
kanilang buhay. Si Vince ay may kapatid na si Cassandra. Sila ay lumaking alila at tanging
ang taga-pangalaga ng kanilang mansion ang nag-alaga sa kanila, hindi sila lumaking
mayaman at may mga kasambahay kahit na mayaman ang kanilang pamilya, naghiwalay
sila ng kanyang kapatid sa mahabang panahon at pinagsikapan ang yaman na mayroon siya
ngayon. SI Vince Hidalgo ay isang Arkitekto at ngayo’y nagging CEO ng sarili niyang
kompanya. Hindi man naging maganda ang sinapit niya sa buhay ay hindi pa rin siya
nawalan ng pag-asa. Natapos nang maligo si Vince ay bumaba na siya ng hagdan at nakita
ang kanyang kaibigan na si Riguel Alleje. Nagbatian ang dalawa at pumunta sa itaas upang
magkwentuhan at mag-usap tungkol sa kanilang mga negosyo. Wala sa sariling inilahad
niya dito ang piso, nagtaka naman si Riguel at tinanggap ito at hindi na muling nagtanong.
Inabot ng gabi ang kanilang usapan ng mapagpasyahan ni Riguel ang umuwi na dahil
naghihintay na sa kanya ang kanyang ina at ama.
Si Riguel Jameson Alleje, ay lumaki sa pamilyang simple, hindi sila mayaman at
tanging mga lolo at lola niya lamang ang nag-aalaga sa kanya dahil matagal na pumanaw
ang kanyang ina at ang kanyang ama naman ay laging nasa trabaho. Hindi naging madali
ang kanyang buhay dahil iniwan siya ng kanyang ama at sumama sa ibang babae, ito naman
ang ina ng kanyang iniirog na si Liliene. Nagkaroon ng hidwaan nalugi ang kompanya nila
Lilien at napag-alamang sumama sa ibang lalaki, kinuha siya ng kanyang ama at isinama sa
ibang bansa, ibinenta ang lahat ng kanilang ari-arian. Ang ama ni Riguel at ina ni Liliene ay
namatay dahil sa isang aksidente dahil sa kanilang pagtatanan. Sampong taon bago
makabalik sa Pilipinas si Liliene matapos paunladin ang sarili ganoon din si Riguel na
nanatili sa Pilipinas upang may kasama ang kanyang mga lola at lolo. Siya ay naging
abogado, nakilala sa kanyang husay at naging matagumpay sa buhay sa gitna ng kahirapan
at muntik ng hindi makatapos dahil sa nangyaring hiwalayan nila ni Liliene noong sila’y
nasa high school pa lamang. Hindi naging madali ang panunuyo niya kay Liliene kahit na
gaano pa kalaki ang kasalanan nito dahil ang tunay na nagmamahal ay marunong
magpatawad. Ang tunay na magmamahal ay marunong maghintay. Siya si Atty. Riguel
Jameson Alleje at patuloy na nanunuyo sa isang arkitektong si Liliene Valeria. Nakatulog si
RIguel noong araw na iyon at nagising dahil sa tawag ng kanyang kaibigang si Hades Riego,
isa na naming Riego. Sinabi sa kanyang nito na pumunta sa kanilang mansion sa Costa
Leona, dahil kasama daw nito ang mga magpipinsang Riego at ibang kaibigan na mga
Mercadejas at Hidalgo. Magkakaroon daw ng isang engagement party si Yvo Mercadejas.
Nagbihis at naligo naman si Riguel at tinext ang kanyang iniirog na si Liliene na may
pupuntahan siya kahit na iniiwasan siya ng babae ay nag-uupdate pa din siya sa mga
ginagawa niya. Nang makarating siya doon ay natanaw niya ang maingay na tugtugan at
ingay na kaaya-aya sa tenga na tunog ng umaalon na tubig mula sa dagat ng Costa Leona.
Nakasalubong niya si Hades at biniro siya nito tungkol sa kanyang hirap na panunuyo, ang
sinabi niya lamang dito ay “eto piso, hanap ka ng kausap mo” sabay abot ng piso kay
Hades. Natatawang sinalo ni Hades na tinapon sa kanya ni Riguel at nahihalo na sa mga
kaibigan naroroon.
Napatitig si Hades at parang namumukhaan ang piso ngunit nasa isip nito na madaming
piso sa mundo at magkakamukha sila kaya umiling na lamang siya. Si Hades ay galling din
sa pamilya ng mga Riego ngunit hindi ito umasa sa pangalan na mayroon ang kanilang
pamilya, siya ay nakilala at nagtayo ng sariling kompanya, gumawa siya ng kanyang
sariling pangalan isa siyang Engineer at CEO ng kanyang kumpanya. Si Felicia ang
kanyang iniirog at may anak na sila na nagngangalang Raoul Riego. Hindi naging maganda
ang sinapit ni Felicia kaya nag-iisa lamang ang kanilang anak. Nalugi ang pamilya ni
Felicia at ama nitong politico ay pinatay sa isang ambush, kinidnap si Felicia at
pinahirapan tapos ay itinapon sa isang isla. SIya napagsamantalahan at nagkaroon ng
problema sa kanyang matres noong ipinagbubuntis niya ang kanyang anak habang
nagaganap ang mapait na pangyayari. Halos mabaliw si Hades kakahanap at kakaisip kay
Felicia na inakala ng lahat na patay na. Pinalabas ng mga magulang niya na patay na siya
upang di na hanapin ng mga sindikato. Sa awa ng diyos at sa tinagal-tagal ng panahon ay
natagpuan ni Hades si Felicia at pinakasalan. Naging maayos naman ang kanilang buhay
ngunit may isa na naming pangyayari ang hindi inaasahan. Isang tahimik na gabi
mahimbing natutulog si Felicia sa kwarto ng bilang may kumatok, pagbukas ng pinto ni
Felicia at bumungad ditto ang tauhan ng kanyang ama na si Balthazar na ama ni Soleil, si
Soleil ang kasintahan ng anak ni Hades na si Raoul tinangka nito na gahasain si Felicia
ngunit agad ding itong nakakilos at sumigaw, dumating si Hades at pinaalis si Felicia sa
lugar, huli nab ago dumating si Raoul at ang mga pulis. Patay na si Hades at si Balthazar
naman ay nakatakas ngunit di kalaunan din ay nagpakamatay matapos mahuli ng mga pulis
matapos ang 10 taon na pagkawala ng Hades. Hindi man naging maganda ang pagkamatay
ni Hades ay napagtanggol niya naman ang kanyang asawa ngunit hindi na kinaya ng
katawang dahil siya ay binaril banda sa kanyang puso. Umaalab ang galit ng mga Riego,
Mercadejas ar Hidalgo sa pagkawala ni Hades at huling nakita nito bago pawian ng buhay
ay ang piso na kanyang hawak pago nito ipinikit ang mga mata.

You might also like