You are on page 1of 4

KAHON NI PANDORA

(Pagsusuri ng Mitolohiya)
Isinulat ni:Jessel Mae Quirante
•Tauhan
- Ang mga tauhan sa kwentong Kahon ni Pandora ay sina Zeus, siya ang pinaka makapangyarihang Diyos
sa lahat. Si Aphrodite, siya ang Diyos ng pag ibig at kagandahan. Hermes,ang tagapaghatid-balita ng
Diyos. Apollo, ang Diyos ng araw, musika, pagpapana at panggagamot. Pandora, ang pinaka unang tao
na sinunuod ang anyo kay Aphrodite. Epimetheus, ang gumawa ng mga hayop at apo ng Inang Kalikasan.
Prometheus, siya ang nag bigay apoy sa mga tao.
•Tagpuan
Ang tagpuan ay ginanap sa Mount Olympus at sa bahay ni Epimentheus sa mundo ng mga mortal
(Earth).
•Banghay
*Sa mundo ng mga tao, noon ay puro kalalakihan lamang. Wala silang ginagawa magdamag kundi ang
magkwentuhan, magpalakas ng katawan at magkasiyahan.
*Isang araw ay hiniling nila kay Hepestus na padalhan sila ng isang babae. Sinunod naman ito ng
dakilang manlililok. Binigyan ito ng mga Diyos ng angking talento. Pinangalanan siyang Pandora na ang
ibig sabihin ay "Kabuuan ng kahanga-hangang handog ng lahat ng Diyos"
*Inihatid siya ni Hermis sa bahay ng magkapatid na sina Epimetheus at Prometheus. Bago siya tuluyang
iwan ni Hermis sa mundo ng mga tao ay naghabilin ito ng isang kahon na hindi tukoy ng dalaga kung ano
ang laman. Pinaghihigpit na bilin ni Hermis ay huwag na huwag itong buksan.
*Labis ang kagalakan ng mga lalake ng makita si Pandora dahil ngayon lamang sila nakakita ng
napakagandang babae, napakatalentado at may kahanga hangang boses.
*Naging masaya ang lugar na iyon, palagi nilanh inaabangan ang awit ni Pandora tuwing hapon. Ngunit
biglang nasagi sa isip ni Pandora ang kahon. Ang nasa isipan niya ay kung ano ang laman nito. Baka ito ay
dadagdag pa sa kanyang kagandahan o hindi kaya'y mga makikinang na hiyas katulad ng kay Aphrodite
at mga magagarang damit tulad ng kay Hira.
*Nakita ni Epimetheus na naging malungkot si Pandora, kahit kailan ay hindi niya ito nakitang
malungkot. Ibinahagi ni Pandora ang kanyabng saloobin kay Epimetheus, ngunit maging siya ay ayaw
itong buksan dahil yun ang bilin ng mga Diyos.
*Isang araw, naiwang mag-isa si Pandora sa kanilang bahay at dun niya binuksan ang kahon. Wala itong
lamang mararangya kundi mga umuogong na mga putakte agad itong nag silabasan. At nagdala ng
samu't saring problema, lagnata, ubo, masamang gawain at mga bahid ng galit.
*Napalingon si Pandora sa nag iisang putakte na nasa loob ng kahon. Nung una ay ayaw niya itong
buksan ngunit ang sabi ng putakte ay siya ang pag-asa.
*Inilabas siya roon ni Pandora at tama nga ito. Naibalik niya sa dati ang lugar, ngunit doon nalaman ng
mga kalalakihan na sa mundo hindi lahat ay puro kasiyahan at ang lahat rin ng masasama ay kaya pa ring
baguhin ng mabubuti.
•Tema
Ang tema nito ay huwag mag padala sa nais o tukso ng iyong nararamdaman. Makuntento ka sa kung
anong meron ka at sundin ang utos ng Diyos.At yun lamang po maraming salamat.

Noong araw ay walang mga babae sa lupa. Ang naninirahan dito ay panay na mga lalaki. Nabubuhay sila
nang matiwasay. Sagana sila sa pagkain. Ang simoy ng hanging kanilang nilalanghap ay puno ng
halimuyak ng mababangong bulaklak. Sa buong maghapon, wala silang ginagawa kundi magsaya,
magpalakas at magpalusog ng katawan. Hindi nila nakikilala ang kalungkutan, ang sakit, ang uhaw at ang
gutom.

Hiniling nila sa diyos na manlililok na si Hepestus na humubog ng isang babae. Sumunod naman ang
kahilingan. Ubod ng ganda ang babaeng kanyang hinubog. Humanga ang lahat sa diyos. Inialay nila sa
bagong likhang babae ang lahat ng mga kahanga-hangang handog. Ibinigay sa kanya ni Apolo ang
kahusayang umawit. Ibinigay sa kanya ni Hermis ang kapangyarihang mang-akit at mang-udyok. Ginawa
siyang kaibig-ibig ni Aprodayte. Tinawag siyang Pandora na ang ibig sabihin ay "kabuuan ng mga kahana-
hangang handog ng lahat nga diyos".

Si Hermis ang nahirang na maghatid kay Pandora sa lupa. Inihatid niya si Pandora kay Epimitiyus na
kapatid ni Prometiyus. Isang mahiwagang kahon na ang laman ay di-batid ng dalaga ang ipinabaon sa
kanya.

Malugod na tinanggap ni Epimitiyus si Pandora. Noon lamang siya nakakita ng isang kahanga-hangang
dilag na pinagtipunan na yata ng lahat ng katangian sa daigdig. Ipinadiwang ng kanyang mga kaibigan
ang pagkakaroon niya ng magandang kapalaran. Noon, hindi pa kilala ng mga lalaki ang inggit at
panibughuin.

Sa ganang kay Epimitiyus at sa kanyang mga kaibigan ay matamis pa sa awit ng mga ibon ang awit ni
Pandor. Kinagawian na nilang magtipon tipon tuwing magdadatpit-hapon upang pakinggan ang
magagandang alamat na sadyang nilikha ni Pandora para awitin sa kanila.

Marami ring panahon na naging maligaya si Pandora sa piling ni Epimitiyus. Para sa kanya ay bago at
maganda ang daigdig. Araw-araw ay maraming mga bagay siyang natutuhan. Natalos niya ang hiwaga ng
apoy. Nabatid niya ang ukol sa kahanga-hangang init nga araw at tungkol sa kataka-takang lamig ng gabi.
Natikman niya ang iba't ibang lasa ng masasarap na bungang kahoy. gayunman, sa kanyang isipan ay
may isang bagay na umiikil, isang alalahaning nagdudulot ng ligalig sa kanyang kalooban at
nagtatangkang gumiba sa lahat ng kaligayahang kanyang tinamasa. Ito ay ang nauukol sa kahon na
kasama niya nang siya ay ihatid ni Hermis sa lupa. Mahigpit ang bilin ni Hermis na ang kahon ay huwag
niyang bubuksan. Sa palagay ni Pandora, ang pagkaalam sa laman ng kahon ang tanging kulang upang
masasabi na mababatid niya ang ukol sa lahat ng bagay sa daigdig. Lumalakad ang araw ay sumisidhi ang
kanyang pagnanasang mabatid ang nasa loob ng kahon. Gayon na lamang ang kanyang pananabik.

'Marahil', ang naisip ni Pandora, may mga kaakit-akit na bagay sa loob ng kahon na makapagdudulot sa
akin ng ibayong kagandahan. Gaya halimbawa ng busilak na kasuotan ni Hira o kaya'y ng ginituang mga
hiyas ni Aprodayte.

Naging palaisip si Pandora. Araw-araw ang binubuhay niya kung ano ang laman ng kahon. Bihira na
siyang mangiti. Noon nararamdaman ni Epimitiyus ang unang kalungkutan. Nalulungkot siya kapag
walang kibo si Pandora. Sa wakas, ipinagtapat sa kanya ng babae, ang suluraning gumugulo sa kanyang
isip. Hiniling niyang buksan nila ni Epimitiyus ang kahon. Natatakot si Epimitiyus.

"Buksan ang kahon!" Gawin ang isang bagay na ipinagbabawal ng mga diyos?" Ang kanyang bulalas.
"Hindi ko nagawa iyan. Habang tayo'y nabubuhay, mananatiling nakapinid ang kahon sa loob ng ating
tahanan. Hindi ko 'yan pangangahasang buksan kailan man.
Umalis si Epimitiyus at nagtungo sa piling nga kanyang mga kaibigan. Naiwang natitigilan si Pandora
katabi ng kahon.
Nang sumunod na mga araw, pinigilan ni Pandora ang kanyang nasang mabuksan ang kahon. Ngunit
isang araw ay umalis si Epimitiyus. Naiwang nag-iisa sa bahay ang babae. Nanaig sa kanyang mga
hangaring matalos ang laman ng kahon. Kinuha niya ang susi at binuksan niya ito.

Walang magandang bagay ang nasa loob nga kahon. Isang langkay na humuhugong na mga putakte ang
naglalabasan at dumuro sa kanya. Ang mga putakteng yao'y ang tagapaghatid ng iba't ibang uri ng sakit
tulad ng lagnat, kolera, rayuma, at iba pa. Ang iba sa kanila'y kinatawan ng maiitim na damdamin tulad
ng inggit, paninibugho, sama ng loob, at masasamang kaisipan.

Ang mga putakteng naglagusan sa mga bintana at ng pintuan ng bahay. Lumipad si hanggang alapaap at
dahil sa rami ay nangulimlim tuloy ang araw. Sina Epimitiyus at ang kanyang mga kaibigan ay naglilibang
noon sa may di-kalayuan sa tahanan. Narinig nila ang nangangalit na hugong nga mga sakit, salot at
maiitim na damdamin.

Dinuro sila ng mga kulisap at noon di'y nagkagulo sila. Nagpalitan sila ng masasakit na salita. Ang
magkakaibiga'y naging magkakagalit. Sa mukha ng bawat isa'y nabadha ang bangis at ngitngit. Naglaho
ang panahon ng kawalang-malay.

"Ako ang pag-asa! Ako ang pag-asa!" ang awit niya. Samatala, si Pandora ay nanlalambot sa tahanan.
Naisara na niya ang takip ng kahon, ngunit totoong huli na! Lahat ng nakakulong doon maliban sa isang
kulisap, ay nakawala at nagsasabog na ng pinsala sa lupa. Hugong ng hugong ang kulisap na naiwan sa
loob ng kahon. Naririnig ni Pandora ang maliit na tinig na nagsasabi. "Palayain mo ako! Palabasin mo
ako!"

"Hindi!" ang sabi ni Pandora. "Hindi kita palalabasin, mamalagi ka riyan!"

Walang tigil ang paghugong at pagkatok ng maliit na kulisap sa loob ng kahon. Sa wakas, napilitan din si
Pandorang buksang ang kahon. Isang magandang kulisap na may busilak ang lumabas sa kahon.
Ikinampay ang kayang mga pakpak na waring nasisiyahan sa liwanag.

Sa wari ni Pandora ay lalong gumanda ang daigdig dahil sa awit na yaon. Lumabas sa tahanan ang
kulisap. Nagtungo sa pook na pinag-aawayan nina Epimitiyus at ng kanyang mga kaibigan. Sa kanyang
pagdating ay natigil ang awayan. Nanumbalik ang kapayapaan, ngunit hindi na ang dating kapayapaan at
may malilinis na budhi. Gayunman, habang may pag-asa sa daigdig ay mauunawaan ng mga lalaking
nakalasap ng unang lungkot na walang kaguluhang napakasama upang di-pangingibawan ng mabuti.

Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari:

Introduksyon - Pook o tagpuan ng tauhan.

Sa Daigdig o Lupa
Pagtataas ng Pangyayari - Kaganapan kung saan naging kumplikado at problema sa kwento ay nasiwalat.

Nang binuksan ni Pandora ang kahon.

Kasukdulan - Pagkawili ang pagkaiba ng daloy ng kwento.

Nang nabigyan ng problema ang mga tao

Kakalasan - Kaganapan at kumplikasyon ay nagsimula ng maayos.

Nag makalabas ang isang kulisap, dahilan na manumbalik ang dating kapayapaan.

Wakas - Panghuling kinalabasan ng mga kaganapan sa kwento.

Nanumbalik ang kapayapaan, ngunit hindi na ang dating kapayapaang kanilang natamo.

Tema: "Huwag suwayin ang utos ng diyos at Makuntinto kung ano ang meron ka"

Ang kakalasan ay elemento ng maikling kwento na tumutukoy sa bunga ng paglalaban ng mga tauhan sa
maikling kwento. Ang kakalasan ay kadalasang kasunod ng kasukdulan at bago ang wakas ng kwento. Sa
pamamagitan nito, nagkakaroon ang mambabasa ng hinuha kung ang kwento ay magtatapos sa isang
trahedya o magkakaroon ng kasiya - siyang katapusan.

Ang kasukdulan ay maaaring nangangahulugan ito sa pinakamataas at kapanabik nabik na pangyayari na


nagaganap sa isang kwento. Maaring lubos magtagumpay ang pangunahing tauhan o maari din dito
mabigo ang pangunahing tauhan sa kwento. Madalas itong nangyari na pinakaaabangan ng mga tao sa
isang kwento. Sa salitang ingles ito ay tinatawag na climax.

Pataas na pangyayari - pasidhi o patinding kilos ng mga tauhan kung saan magkakaroon ng suliranin
(conflict) na kailangan lutasin

You might also like