You are on page 1of 5

I.

Panimula

 Pamagat

ANG KAHON NI PANDORA

 May akda

Kessel Mae Quirante

 Uri ng Panitikan
Ang panitikang ito ay isang uri ng Mitolohiya

 Bansang Pinagmulan

Ang Mitolohiyang “Ang Kahon ni Pandora” ay nagmula sa Gresya

 Layunin ng may akda

Ang layunin ng akda ay ipaintindi sa atin kung ano ang maaaring kahinatna
natin kapag tayo’y nagpapatukso sa mga bagay
II.PAGSUSURING PANGNILALAMAN
 Tema o paksa ng akda
Ang tema o paksa ng akda ay naglalahad ng makatotohanang sitwasyon na
sinasabing ang kuryusidad nating mga tao ay nagdudulot ng ating kapahamakan
Mga tauhan sa akda
Ang mga tauhan sa kwento ng “Ang Kahon ni Pandora”ay sina Zeus, Prometheus
, Epimetheus, Pandora, Hephaestus, Athena, Aphrodite at Hermes
 Tagpuan o panahon
Ang tagpuan ay ginanap sa Mount Olympus at sa bahay ni Epimetheus sa mundo
ng mga mortal
 Balangkas ng mga pangyayari
Ang nilalaman/balangkas ng pangyayari ay isang gasgas na pangyayari sapagkat
ito ay kakaiba ang nilalaman. Ang mga kakaibang nilalaman nito ay ang
paniniwala ng mga Griyego.

 Kulturang masasalamin sa may akda

Ito ay isang lumang pangyayari ngunit ito ay nagkaroon ng makabagong anggulo


o mga pananaw na ibinatay din sa kanilang paniniwala na naging dahilan upang
mabuo ang nilalaman/balangkas ng mga pangyayari. Pinaniniwalang ito ay
nagmula sa kwento ni Adan at Eba at ginawan lamang ng pansariling bersyo ng
mga Griyego. Nagkaroon ito ng kaisahan sa pagkakapit ng mga pangyayari mula
simula hanggang wakas. Ang mensahe na ipinapahiwatig ng kabuuan ng akda ay
ang dapat sundin ang kautusan ng Diyos. Dito ko natutunan ang kahalagahan sa
mga kautusan na ito at ang pag-iiwas sa tukso para sa ikabubuti at kapayapaan ng
mga tao. Ang kulturang nasalamin sa akda ay nagmula sa mga sinaunang
Griyego. Ang kanilang pammuhay ay inaasa nila sa panalangin at pagsamba sa
mga diyos at diyosa kung saan ang lahat ng nangyayari sa kanilang paligid ay
maaring biyaya o parusa na ibinigay sa kanila. Sa kanila din nakasentro ang mga
paniniwala ng mga Griyego. Nangibabaw dito ang kanilang kaugalian na ang
pagkakaroon ng mababang pagtingin sa mga kababaihan at ang labis na
paghahanap ng kasagutan sa mga bagay-bagay. Ito ay nakaimpluwensya sa
pananaw ng ibang tao patungkol sa mga paniniwala sa mga diyos at diyosa at pati
narin sa mga kababaihan.
III.Pagsusuring Pangkaisipan

 Mga kaisipan o ideyang taglay ng akda

Ang kaisipanng tinataglay nito ay likas sa tao at lipunan sa kadahilanan na likas


na sa tao ang matukso tulad na lamang nang sinabi sa akda na ito ay isang
katangian na ibinigay ng diyosang Hera. Nagtataglay din ito ng paniniwalang
kumokontrol sa buhay tulad ng mababang pagtingin sa mga kababaihan sa
paniniwalang sila ay walang halaga at nilikha lamang nang puro kasamaan ang
idinala na nabubuhay lamang sa ilalim ng kagustuhan ng mga kalalakihan.
Naipakita iyon sa paglilikha kay Pandora bilang parusa at pinagbaon ng isang
kahon na puno ng kasamaan sa pagpunta niya sa lupa. Kasama pa dito ang
pagagamit sa kahon banga bilang paniniwalang ang mga kaluluwang nakatakas
ay kinakailangang bumalik. Pinaniniwalaan naman na ang mga nakatakas na
kasamaan ay babalik din sa kahon na iyon at iyon ang magbabalik sa kapayapaan
ng mundo. Ngunit maaari din na ang nakatakas na pag-asa ang bumalik at
tuluyan na magkakagulo. At sa wakas ng akda,hanggat pinaniniwalaan na ang
pag-asa ay patuloy na namamalagi sa mundo kahit na kasama pa ang
kasamaan,may pagkakataon pang magbago at maibalik ang kapayapaan dahil ito
ang ibinigay na pagkakataon ng diyos.

 Estilo ng Pagkasulat ng Akda


Epekto ang paraan ng paggamit ng mga salita kung pagbabatayan ang isinalin na
berso. Angkop sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng
akda na kahit bata o matanda ay makaiintindi nito. May bisa ang estilo ng
pagkakasulat sa nilalaman ng akda kung saan simple ang mga simbolismong
tinataglay nito ngunit nagbibigay parin ng pagkakakataon na makapag-isip ang
mga mambabasa. Masining ang pagkakagawa ng akda sapagkat bilang
mitolohiya,naglaman ito ng mga supernatural na pangyayari at mga kilalang mga
diyos at diyosa na makakapukaw sa atensyon ng mambabasa. Ito ay kahalagang
tutugon sa panlasa ng mga mambabasa sapagkat ito ay patungkol sa lipunan at
kapaligiran. Mas tutugon ito sa panlasa ng mga Griyego daahil ito ay nakabatay
din sa kanilang mga paniniwala. Naipakita ang katangian ng isang mahusay na
akda kahit sa anong bersyo sapagkat malinaw na ipinahayag ang
pangyayari,kaisipan,simbolismo at iba pa. Nang ito ay tula pa na di pa
sinasalin,nagtataglay ito ng maraming kaisipan at malalim salita
at mula nang ito’y isinalin,mas maraming mambabasa ang nakaintindi nito.
IV. Buod

Noong unang panahon,nang malikha pa lamng ang mga kalalakihan,ninais ni


Prometheus na bigyan sila ng regalo,ang element ng apoy. Ngunit dahil hindi ito
pinayagan ni Zeus,ninakaw ito ni Prometheus at ibinigay sa mga kalalakihan at
siya’y naparusahan dahil dito.
Hindi nakuntento si Zeus sa pagparusa kay Prometheus kaya’t ninais niya ring
parusahan ang mga kalalakihan sa pagtanggap nito. Ipinatawag niya ang ibang
diyos at diyosa at sila’y lumikha ng isang perpektong babae na si Pandora.
Ipinadala si Pandora sa lupa ng Gresya bilang magiging asawa ni
Epimetheusm,ang kapatid ni Prometheus,at ipinagbaon ng isang kahon na bawal
niyang buksan.
Ngunit hindi nakatiis si Pandora na malaman kung ano talaga ang nilalaman ng
kahong iyon.
Isang araw binuksan niya iyon,nagulat siya sa kanyang natuklasan,naglabasan
lahat ng masasamang elemento na magbibigay ng masamang epekto sa mga
tao:Pagkatanda,pagkakasakit,pagseselos,pagkasakim at poot.Bago pa naisara ni
Pandora ng kahon nakalabas na ang mga ito at kumalat sa buong mundo.
Sa kabutihang palad,naiwan sa loob ang “Pag-asa”na kanyang pinalabas din ni
Pandora.Ang “Pag-asa” ang siyang magpapatibay ng loob sa mga taong dumaan
sa mga pagsubok sa kanilang buhay.
SURING BASA

Filipino

Ipinasa ni: Miraflor O. Silva


Ipapasa kay: Mrs. Heidee Del Rosario

You might also like