You are on page 1of 2

ANG PAGKALINLANG

Si Hades ay ang anak nina Cronus at Rhea at siya ay ang tinatawag na “diyos ng
kayaman” o batay pa sa iba ay “Ang mayaman”.Habang si si Dolus naman ay ang
“diyos ng panlilinlang”.

Sa simula ng kwento ay pumunta si Hades sa isang lugar na tinatawag na


Emathia,kung saan mayroon siyang hinahanap galing sa mga taong nag bebenta
dito.Sa pag hahanap niya rito ay dumating din si Dolus, isang diyos na umaanyo
lamang bilang isang tindero upang lukohin ang mga taong bumibili dito.Habang
naglalakad si Hades ay nakita siya ni Dolus,

at pagkatapos nito ay mabilisan niyang naalala ang mukha,natandaan niya na si Hades


ay ang “diyos ng kayamanan”, kaya bago niya nilapitan niya ito at biglang nagpalabas
ng mga kagamitan na maaaring magustuhan ni Hades.Ngunit sa lahat ng kanyang
inilabas ay di parin nakita ni Hades ang kanyang hinanap.

Naging pagod na si Dolus sa kanyang pag papalabas ng mga kagamitan kaya


napagsabihan nalang niya si Hades na siya ay tutulungan nalang niya sa
paghahanap.Di tumanggi si Hades at pinasama niya si Dolus sa kanyang
paglalakbay,at habang tumatagal sa paglalakad nila ay napatanong si Dolus kay Hades
kung ano ba talaga ang kanyang hinahanap,

at ang naging sagot ni Hades ay “ito’y isa sa mga pinakamahirap na hanapin,ngunit


kung ito’y makita ay magiging pinakamahalaga sa iyong buong buhay.”Di niya ito
naintindihan ngunit pagkatapos parin noon ay napaisip si Dolus kung ano maari niyang
gawin upang maisahan niya si Hades.

Di niya na binalewala yung isinabi ni Hades pero ang napag isipan niya ay baka
ginugusto ni Hades ay ang Pera, kasi naisipan niya na walang ibang bagay dito sa
mundo na nakakadulot ng kasiyahan sayo kundi yung pagkakaroon ng pera,at ang pera
din ay ang isa sa pinakamahirap kunin sa buong sansinukob.Kaya pagkatapos nito ay
nagkaroon siya ng ideya na gagawa siya ng isang malaking imahen na gawa sa pera
upang makuha ang pansin ni Hades.
Ginawa niya ito at inilagay sa harap ng dinaanan ni Hades ngunit sa paglalakad ay di ito
binigyang pansin ni Hades.Nagalit si Dolus sa kanyang sarili dahil sa kanyang
pagkatalo at tinanong niya kung ano ba talaga ang ibig sabihin sa sinabi ni Hades,at
ang naging ni Hades sa kanya ay ang pagmamahal.Si Dolus ay napatawa sa naging
sagot ni Hades dahil akala niyang hindi ito totoo kundi isang komedya lamang,

ngunit sa pagtingin niya sa mukha ni Hades ay naging seryoso ito.At dahil di niya
nalinlang si Hades ay tinulungan na lamang niya ito sa paghahanap bilang isang regalo
sa pagkatalo.Ngunit sa huli parin ay di nila nahanap ang pagmamahal na ginusto ni
Hades.At dahil doon ay natuklasan nila na totoong pagmamahal ay hindi kailangang
hanapin,ang kailangan mo lang gawin ay maghintay at maging handa.

You might also like