You are on page 1of 1

Lagom ng kahon ni Pandora

Ang kwento ay nagsimula nang pinarusahan si Zeus ang mga tao sa pamamagitan ng
pagbawi ng apoy sa daigdig. Ngunit naawa si Prometheus at ninakaw ang apoy sa
bundok ng Olympus, dahil dito ang mga tao ay ginawa siyang diyos na naghahantong sa
galit ni Zeus sa kanya. Inutusan ni Zeus si Hephaetus na gumawa nang isang babae na
bibihag sa puso ni Prometheus. Alam ni Prometheus na may gagawing aksyon si Zeus
sa kanyang ginawa ngunit wala siyang nagagawa nang bumisita si Zeus sa kanyang
pinagtatagoan. Inalok siya ni Zeus na tanggapin niya ang babaeng nagngangalang
Pandora at tinanggap niya ito dahil baka mainsulto Zeus. Agad naghanda ng kasal si
Zeus at nagtipon-tipon ang mga diyos sa kasalan nila Prometheus at Pandora. Isa-isa
nagbigay ang mga diyos ng regalo ngunit nang magbigay si Zeus sa kanyang regalo,
binalaan niya na hindi dapat bubuksan ito. Napagtanto ni Prometheus na hindi pala siya
ligtas sa kamay ni Zeus at pinagagalaw lamang siya sa gustong mangyari ni Zeus. Lingid
sa kaalaman ni Prometheus na kahit ibayong pagiingat pa ang gawin, nakatadhanang
mabuksan ang garapon na ibinigay ni Zeus sa tulong ni Pandora. Namuhay ng mapayapa
si Prometheus at Pandora ng ilang taon kaya hindi bukod akalain niya na magaganap
ang pinakaiiwasan niyang maganap. Hindi mapigilan ni Pandora na pumunta sa bundok
dahil merong mga boses na tumatawag sa kanya upang buksan ang garapon na
binalaang hindi buksan at inilibing ni Prometheus. Plano lamang sana ni Pandora na
sumilip sa laman nito,nang nabuksan ng konti biglang lumabas ang espirito nang
kasamaan gaya ng trahedya, kamatayan at iba pa. Dalidali pumunta si Prometheus
upang isira ito ngunit huli na ang lahat. Sa kabila ng lahat pinatawad pa rin ni Prometheus
si Pandora.

Ang pagbuo ng lagom ay ang simpleng pagbubuod ng mga pangyayari sa akda upang
makabuo ng pinaikling kabuoan nito. Naglalaman ng kaisipan sa binasa o pinakadiwa ng
akda, at mga detalyeng dapat bigyan ng malalim na pansin na hahamon sa ating
kasanayan sa paghabi ng mga salita sa pangugusap. Ang layunin sa pagbuo ng lagom
ay makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng tekstong binubuod.

You might also like