You are on page 1of 2

LEARNING ACTIVITY SHEET # 1

Pangalan: Kayzel P. Lozano________________ Lebel: Grade 10________________


Seksyon: Turquoise______________________ Petsa: August 19,2021___________

Aralin 1
Ang Kahon ni Pandora
Kasanayang Pagkatuto at Koda
Naipahahayag, naibibigay o naisusulat nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay.
F10PS-la-b-64
Panimula (Susing Konsepto)
May magkapatid na Titan sila ay sina Epimetheus at Prometheus na sumanib sa Olimpian na
pinamumunuan ni Zeus. Pinagkalooban ang dalawa ng mga kapangyarihang lumikha ng tao at hayop
dahil sa katapatan nila. Pinarusahan sila dahil sa kasalanang nagbigay ng apoy sa mga tao si Prometheus.
Na siyang dahilan ng paglikha sa babae upang maging kaparusahan sa sandaigdigan. Ipinagmalaki ng
mga diyos ang kanilang likha kaya siya’y pinangalang Pandora na ang kahuluga’y “lahat ay handog”.
Agad na napaibig si Epimetheus at sila’y ikinasal. Sila’y pinagkalooban ni Zeus ng munting kahong
maganda ang pagkakalalikha at may kasamang gintong susi . Ipinagbilin sa kanyang piling at huwag
bubuksan. Dumating ang oras na hindi niya mapaglabanan ang tuksong malaman kung ano ang laman
nito. Kanyang tinangnan ang gintong susi na nakabitin na may tatlong sedang sinulid at pagkuwa’y
biglang binuksan ang kahon. Kanyang iniangat nang kaunti ang takip upang sumilip.Kaawa-awang
Pandora! Ilan lamang saglit at ang silid ay napuno ng maliliit at nagliliparang kulisap, lumilipad na
umuugong at palibot-libot sa dingding hanggang makalabas ng bintana. Ano ang kanyang nagawa?
Dagling isinara ang takip subalit huli na. Nasa labas na ng kahon ang mga impakto sa daigdig –
Kasalaulaan, Katakawan, Kalupitan, Sakit at iba pa. Mula noo’y lumipana sila na siyang pinagmulan ng
kapahamakan, salot at lumbay. Isang kamalian ang pagkapagpalaya sa kanila.Mabuti na lamang at
kagyat na ipininid ni Pandora ang takip ng kahon. Mabuti na lamang at mayroon pang natira ito ay ang
pag-asa.

Gawain # 1:
Panuto: Basahin at unawain ang konteksto ng bawat pangungusap. Hanapin at bilugan sa ikalawang
pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat ng madiin sa unang pangungusap.
1. Sumanib ang magkapatid na Titan sa mga Olimpian dahil alam na nila ang mangyayari sa
hinaharap. Sumama sila para sa pansariling kapakanan.
2. Isang ginintuang kahong may kalakip na susi ang ipinadala ni Zeus bilang handog sa kasal nina
Pandora at Epimetheus. Kasama rin sa regalong ito ang babalang huwag bubuksan ang kahon.
3. Hindi mapakali ang babae hangga’t hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon. Kung
nalalaman niya lamang ang laman nito ay hindi na niya nanaisin itong buksan kailanman.
4. Nakatitig siya sa kahonat tulad ng dati ay natutukso na naming buksan ito. Nang mapatingala
siya ay nakita niya ang susing nakasabit sa dingding.
5. Isa ang panibugho sa mga bagay na lumabas sa kahon. Ang pagseselos ay maaaring makasira ng
relasyon lalo na kung labis-labis na ito.
Gawain # 2:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga kaisipang nakita o nabanggit sa binasa o ng ekis (x) naman ang hindi.
X Pinarusahan ni Zeus si Prometheus dahil sa pagsuway niya sa kagustuhan natin.

X Nagbigay kasi ng pagkain si Prometheus sa mga nagugutom na mga tao kaya nagalit si Zeus.

/ Isang babae ang naisip ipadala ni Zeus kay Epimetheus para magdala ng kanyang parusa sa
sangkatauhan.

/ Nagustuhan at napamahal agad si Epimetheus kay Pandora kahit pa binalaan na siya ng kapatid
na huwag tatanggap ng kahit anuman mula sa Diyos at Diyosa.

X Tinutulan ng ibang Diyos at Diyosa ang pagpapadala ni Zeus kay Pandora

X Hindi nagkaroon ng interes si Pandora na alamin kung ano ang laman ng handog para sa kanila.

/ Napaalpas ni Pandora ang lahat ng kasamaan sa mundo.

/ Napasunod niya rin ang pag-asa sa mga naunang napaalpas na kasamaan.

X Sa kasalukuyan ay hindi na nararamdaman sa mundo ang mga kasamaang napaalpas ni Pandora.

You might also like