You are on page 1of 13

San Pablo Diocesan Catholic Schools System

Liceo de Mamatid
City of Cabuyao, Laguna

LEARNING MODULE IN FILIPINO 10,


Date: SEPT 6-14 2021

A. DESCRIPTION: This learning kit is an innovative tool produced by SPDCSS to meet the standards
of the K to 12 Curriculum in providing our teachers and learners relevant materials that encourages
independent and self-regulated learning among learners.
GRADE LEVEL STANDARD: P
Pagkatapos ng ikamsampung Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip, at pang –unawa at pagpapahalgang pampanitikan gamit ang teknolohiya at
ibat’iabang uri ng teksto at sariling –akdang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng kamalayang global

CONTENT STANDARD:
Naipapamalas ng mag aaral ang pang –unawa at pag papahalaga sa akdang pampanitikang
Mediterranean
PERFORMANCE STANDARD:
Ang mag aaral ay nakabubuo ng kritikal na pag susuri sa mga isinagawang critique tungkol sa
alinmang akdang pampanitikang Mediterrane

B. CURRICULUM TYPE K TO 12
INTENDED USERS Educators and Learners
COPY INFORMATION
COPYRIGHT SPDCSS
CONDITIONS Use, copy and print
AUTHOR/DEVELOPER; Ms. Clarita G. Rivera

QUARTER: FIRST

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:


1.Naipahahayag mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan, mitolohiya

2. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito

3. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay

4. Nagagamit ang angkop na pandiwa sa paglalahad ng sariling karanasan

5 Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya


6. Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksyon, pangyayari at karanasan

WEEK: 1 -2

CONTENT/TOPIC: Mga Akdang Pampanitikan ng Rehiyong Mediterranean

LAYUNIN:
Malayang magagamit ng mga mag –aaral ang natutuhan sa pagsulat ng critique ng alinmang akdang
pampanitikang Mediterranean at paglalahat nito nang malinaw sa isang simposyum

REFERENCE: Pinagyamang Pluma 10


(Emily V. Marasigan Juan, Mary Grace G. Del Rosario)

C. LEARNING MATERIAL/MODULE:
Day1

Mahalagang tanong: Bakit mahalagang panghawakan ang pag-asa maging sa harap ng anumang
pagsubok o pag hihirap?
Isang regaling nakakahon at nababalot nang napakanda tulad ng nasa ibaba ang dumating
para sa iyo dalawang buwan bago ang iyong kaarawan .Subalit may kalakip na mensahing
“HINDI MO ITO PWEDENG BUKSAN HANGGANG SA MISMONG PETSA NG IYONG
KAARAWAN”

Ano ang gagawin mo? Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng iyong sagot

Susunod ka, maghihintay ka ng dalawang buwan at bubuksan mo lang ang kahon sa


mismong petsa ng iyong kaarawan.

Hindi ka maghihintay nang ganon katagal kaya gagawa ka ng paraan upang “masilip “
Man ang laman ng napakagandang kahon.

Bubuksan mo ito agad pagkatanggap

Iba pang gagawin ______________________________________________________

Dahil __________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

Alam mo ba?

Ang mitolohiyang Griyego ay koleksiyon ng mga kuwentong kinatatampukan ng mga diyos at diyosa.
Paksa ng mga ito ang pag-ibig, pakikipagsapalaran, pakikidigma, at pagpapakita ng iba’t ibang
kapangyarihan ng mga nasabing nilalang. Ipinakikita rin dito hindi lamang ang taglay nilang nilang
kapangyarihan kundi ang kanila ring pamumuhay na minsa’y nagkakamali at nagagapi ng kahinaang tulad
ng mortal.
Ang isa sa mga kilalang salaysay sa mitolohiyang Griyego ay “Ang Kahon ni Pandora.” Ang
pinakalumang bersiyon ng mitong ito ay nasa anyong epikong patula at isinulat ng makatang si Hesiod, na
kasabayan ni Homer noong mga taong 700 BC. Tinalakay sa orihinal na akda ang kuwento ng paglikha
gayundin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga kasamaan sa mundo.
Hindi kahon kundi isang banga ang nasa bersiyon ni Hesiod. Subalit nang isalin ni Erasmus, isang
iskolar na Olandes, ang tula sa Latin mula sa orihinal na makalumang Griyego, ang banga ay itinuring niya
bilang isang kahon. Gayundin, ang simpleng kuwento ni Hesiod ay dinagdagan nang dinagdagan ng samot-
saring detalye ng mga sumunod na nagkuwento o nagsulat na nagbigay rito ng higit na kulay at ganda.
Day 2-3
ANG KAHON NI PANDORA

Noong unang panahon, ang magkapatid na sina Epimetheus at Prometheus ay namuhay kasama ng mga
diyos at diyosang Griyego. Ang magkapatid ay mga Titan subalit sumanib silá sa mga Olimpian na
pinamumunuan ng diyos na si Zeus. Dahil ang panganay na si Prometheus ay may kakayahang makita ang
hinaharap at nabatid niyang sa hulí ay tatalunin ng mga Olimpian ang mga Titan.
Dahil sa katapatang ipinakita ng magkapatid sa mga Olimpian noong una ay binigyan silá ni Zeus ng
kapangyarihang lumikha ng mga nilalang para manirahan sa daigdig. Binigyan din sila ng kapangyarihang
mabigyan ng kakayahang maproteksiyonan ng mga nilikha nila ang kanila-kanilang sarili subalit limitado
lamang ito sa mga mauunang malikha. Si Epimetheus ang lumikha ng mga hayop. Binigyan niya ng
natatanging kakayahan ang bawat isa sa mga ito kabilang na ang kakayahang maprotektahan ang kani-
kanilang sarili tulad ng pagbibigay pakpak, balahibo, tuka, at iba pa. Si Prometheus naman ay lumikha ng
mga tao subalit dahil naging mas matagal siya ay naubos at wala ng naiwang pamprotekta sa kanila dahil
naipamigay nang lahat ni Epimetheus sa mga nilikha niya.
Dito naisip ni Prometheus na humiling ng isang bagay na tanging mga diyos at diyosa lamang ang
nakagagamit noong una. “Haring Zeus, maaari po ba nating ipagamit ang apoy sa mga tao? Kakailanganin
po nila ito para sa kanilang proteksiyon, sa paghahanda ng pagkain, at upang mapanatili ang init sa panahon
ng taglamig,” pakiusap niya.
“Hindi maaari!” ang dumadagundong na sagot ni Zeus. “Ang apoy ay para lamang sa mga diyos at
diyosa! Huwag kang magkakamaling ipagamit ito sa mga tao dahil makakamit mo ang isang matinding
kaparusahan!” ang pagbabanta niya kay Prometheus.
Subalit umiral pa rink ay Prometheus ang pagmamalasakit sa mga tao dahil alam niyang labis nila itong
kakailanganin. Tinungo niya ang tirahan ni Hephaestos, ang diyos ng apoy at bulkan. Dito’y kumuha siya
ng apoy nang walang paalam at ibinigay sa mga tao. Itinuro din niya sa kanila ang tamang paggamit nito.
Dahil sa pagsuway na ito ay labis na nagalit si Zeus kaya’t isang matinding kaparusahan ang iginawad niya
kay Prometheus. Ikinadena niya si Prometheus sa malayong kabundukan ng Caucasus sa loob ng
napakaraming taon. Araw-araw niyang pinapupunta ang kaniyang agila upang tukain ang atay ni
Prometheus na muli rin namang bumabalik sa dati pagkatapos. Natigil lamang ang labis na pagpapahirap na
ito nang mapatay ni Herakles ang agila sa pamamagitan ng kanyang palaso at mapalaya si Prometheus.
Subalit hindi dito natapos ang galit ni Zeus. Naniniwala siyang dapat ding maparusahan ang
sangkatauhan dahil sa pagtanggap nila ng handog na apoy mula kay Prometheus. Naisip niyang gamitin ang
kapatid ni Prometheus na si Epimetheus para sa kanyang plano.
Hiniling niya ang tulong ng diyos na si Hephaestos sa paglikha ng isang babae mula sa luwad.
Pagkalikha sa babae ay nagtulong-tulong ang mga diyos at diyosa sa pagbibigay ng mga hindi
pangkaraniwang katangian sa kanya. Ang diyosang si Athena ay nagbigay ng maningning niyang kasuotang
hinabi mula sa pinakamahuhusay na sutla at gintong sinulid. Ipinutong din niya sa ulo ng babae ang tinuhog
na pinakasariwang bulaklak gayundin ang koronang purong ginto na sadyang ginawa ni Hephaestos para sa
kanya. Ginawaran naman siya ng hindi pangkaraniwang kagandahan ng diyosang si Aphrodite.
Ipinagkaloob ni Hermes sa kanya ang mapanghalinang katauhan subalit may mausisang kaisipan.
Pinangalanan siyang Pandora ni Haring Zeus na ang kahulugan sa wikang Griyego ay “lahat ay handog”
bago niya tinawag si Hermes para ihatid ang dalaga kay Epimetheus.
Binalaan na dati pa ni Prometheus ang kapatid na huwag na huwag tatanggap ng anumang handog mula
sa mga diyos at diyosa dahil tiyak na kapahamakan lang ang dala nito. Batid din ni Epimetheus na ang
anumang manggagaling kay Zeus ay isang patibong subalit nang makita niya ang napakaganda at kahali-
halinang si Pandora ay agad siyang umibig sa dalaga. Galak ang dulot sa kanya ng pagdating ng babae at
hindi niya lubos maisip na ang isang nilalang na kasingganda ni Pandora ay maaaring magdulot ng anumang
bagay na makasasamâ sa iba.
Agad inihanda ang kasal nina Epimetheus at Pandora na ikinatuwa ni Zeus dahil nangyayari ang lahat
ayon sa kanyang mga plano. Bilang handog sa kanilang kasal, isang ginintuang kahon ang ipinadala ni Zeus.
May kalakip itong susi at babalang nagsasabing “Huwag itong bubuksan.”
Pinakiusapan ni Epimetheus si Pandora tungkol sa kahon, “Pinakamamahal ko, maaari mong tingnan
ang kahon subalit nakikiusap ako sa iyong sundin ang babala ni Zeus na huwag na huwag itong bubuksan.”
Sumang-ayon naman dito si Pandora. Itinago rin ni Epimetheus ang susi para hindi ito magamit sa
pagbubukas ng kahon.
Pinilit ni Pandorang sundin ang lahat ng tagubilin ni Epimetheus subalit dahil likás siyang mausisa ay
hindi siya mapakali hangga’t hindi niya nababatid kung ano ang laman ng kahon. Sa tuwing makikita niya
ito ay napapaisip siya ng magagandang bagay na maaaring laman ng kahon, kung may mga gintong alahas
ba o naggagandahang sutla sa loob nito, at kung bakit ito ipinadala sa kanya pero hindi naman niya
puwedeng buksan.
Isang araw, maagang nagtungo si Epimetheus sa bukid at naiwang mag-isa si Pandora. Nakatitig siya sa
kahon at tulad ng dati ay natutukso na namang buksan ito. Naalala niya ang bilin ni Epimetheus kaya’t
ginawa niya ang makakaya para mapaglabanan ang tuksong tila tumatawag sa kanya. Hanggang sa
pagtingala ay nakita niya ang susing isinabit pala ng asawa sa itaas na bahagi ng dingding ng kanilang
tahanan. Dali-dali niyang kinuha ang susi. Susubukan ko lang kung ito nga ba ang susi. Hindi ko bubuksan
ang kahon.
Ipinasok niya ang susi sa susian at agad itong kumasya. Nakarinig siya ng “click” na ibig sabihi’y
puwede na niyang iangat ang takip nito. Sisilipin ko lang. Nanginginig ang kamay, mabilis ang tibok ng
puso, at abot-abot ang paghinga, dahan-dahan niyang iniangat ang takip ng kahon at sinilip ang laman nito.
“Whirl…. whiz…. whiz….” Huli na ang lahat! Pag-angat pa lang ng takip ay agad nagliparan palabas
ang langkay-langkay na mga itim na insektong kumakatawan sa iba’t ibang uri ng kasamaan sa mundo tulad
ng galit, inggit, kasakiman, digmaan, panibugho, gutom, kahirapan, kamatayan, at iba pa. Lahat ng bagay
na makasasamâ sa mundo ay napaalpas niya.
Agad na isinara ng nanlalambot na si Pandora ang kahon. Humahagulgol siya nang datnan ng asawa.
Isang tingin lang ni Epimetheus ay nahulaan na niya ang nangyari. Umiiyak na ipinakita ni Pandora ang
loob ng wala ng lamang kahon.
Subalit mula sa nakabukas na kahon ay lumipad ang isang maganda at maningning na munting insekto.
Ito ang espiritu ng pag-asa. Napakawalan man ni Pandora ang lahat ng masasamang bagay sa mundo ay
nagawa rin niyang palabasin ang pag-asa na siyang humihilom sa anumang sakit na dulot ng mga naunang
umalpas na masasamang bagay. Subalit dahil mas hulí niya itong napalabas, karaniwang laging sa hulí rin
dumarating ang pag-asa. Kayâ naman magpahanggang ngayon, kapag ang tao ay nakararanas ng sunod-
sunod na problema o paghihirap, hindi nagtatagal at dumarating ang pag-asa upang magbigay-lakas sa
kanilang huwag magpatalo sa mga pagsubok at ituloy ang laban ng buhay.

Day 4

PAGSASAGAWA NG SISTEMANG PANANALIKSIK


Bahagi ng buhay ng bawat mag –aaral ang pagsasagawa ng sistematikong pananaliksik para sa ibA’t ibang
pangangailangang akademiko. Mahalaga kung gayon na alam ng mag –aaral ang kanyang gagawin at
paghahanapan upang maging matagumpay siya sa malalimang pananaliksik . Napakaraming
impormasyong maaring makuha sa internet man…. O sa silid –aklatan kaya madalas ang isang mag –aaral
na naliksik ay karaniwang nakadarama sa kalituhan sa dami ng mga impormasyon at sa huli’y nahihirapang
binubuong papel pang akademiko.

INTERNET O SILID –AKLATAN?


Ang isa sa mga unang pinagtatalunan ay kung saan ba higit na makakabuting maghanap impormasyon, sa
internet ba o sa mga aklat sa silid aklatan/ may mga naniniwalang ang isang epektibong pananaliksik ay
kailangan sa silid aklatan isagawa dahil ang mga silid-aklatan lal nan g malaking institusyon o paaralan ay
nagtataglay ng malawak na database ng mga abstract, artikulong nalathala sa mga journal pang
akademiko. At iba’t ibang mapagkukunan ng impormasyon na kanilang binabayaran para sa kanilang mga
mag –aaral told ng mgaa pahayagan, journal, at mga magasin Isa pa, naninindigan ang mga naniniwala sa
silid –aklatan na hindi dumaan ang mga teksto at dokumentong mula sa internet sa pagsusuri ng mga
eksperto at awtoridad na mula sa ibat ibang disiplina.

Kung tutuusin may katotohanan ito sapagkat sa internet, kahit sino ay puwedeng maaglathala. Walang
paraan masala ang mga impormasyong ito subalit sa panahon ng makabangong teknolohiya, ito pa rin ang
unang tinutugon ng mga mag-aaral na nanaliksik lalo na ung wala silang oras para maggalugad ng mga
aklat. Mahalaga kung gayon na magsagawa ng pananaliksik sa tatlong lugar sa internet para maberika ,
mapalalim at makuha ng mapagkakatiwalang impormasyon . kailangang maghanap ng impormasyon sa
mga open Web, Gated Web, at sa mga Hidden Web.

OPEN WEB , GATED WEB, AT HIDDEN WEB


Open Web ang tawag sa impormasyong agad-agad lumalabas at nakukuha mula sa mga search engine
tulad ng Google, Yahoo, at iba pa. Ang impormasyong ito ay libre at maaring mabasa ng sinuman .
Gayumpaman, ito ang mga impormasyong hindi nasala at walang kasiguraduhan kung tama ba o hindi
dahil hindi tiyak kung ang nilalaman ay dumaan sa pagsusuri ng mga eksperto para matukoy ang
kawastuhan o kaangkupan.

Gated Web ang tawag sa mga impormasyong makukuha mo lamang kapag ikaw ay miyembro kaya’t
nangangailangan ng login password bago makapasok karaniwang nagbabayad ang mga taong nais maka
pagsaliksik sa mga gated web dahil ang mga impormasyong makikita rito ay naka – copyright. Ang
malalaking aklatan ay nagbabayad sa mga publisher ng mga gated web para ma –access ng kanilang mga
mag –aaral ang mga impormasyong ito gamit ang kanilang mga detalye tulad ng student number , at iba
pa. Ang bayad ng mga mag –aaral ay isasama na sa kanilang library fee.

Ang Hidden Web na tinatawag ding deep web o invisible Web ay nagtataglay ng mga hindi naka – html na
dokumento tulad ng mga naka PDF, makikita rin dito ang mga gated site, at mga inter aktibong aplikasyon
tulad ng mapa, mortgage calculator, at iba pa. Ang Hidden web o Deep Web ay napakalaki at sa
katunayan ‘y nasa 500 hanggang 700 daang beses na mas malaki kaysa sa mga gated web at
katatagpuan ng bilyon –bilyong dokumento. Kung tutuosin para itong isang higanteng aklatang
mabubuksan lamang kung ikaw ay konektado sa internet at nagtataglay ng mahalagang susi , ang iyong
log in name at password.

PAG GAMIT NG PRIMARYANG SANGGUNIAN


Ang isang pang paraan ng pag hahanap o pangangalap ng datos at impormasyon sa pananalisisik ay sa
pamamagitan ng paggamit ng mga primaryang sanggunian . Ang mga datos mula rito ay hindi nanggaling
sa mga aklat , database, o journal Sa halip ay nakalikom mismo ng mananaliksik

Ang Tatlong paraan ng paglikom ng datos mula sa mga primaryang sanggunian ay ang sumusunod;

Obserbasyon; May mga pananaliksik na nangangailangan ng aktuwal na obserbasyon ng mga tao,


pangyayari, at iba pang bagay na maaring masukat.

Pakikipanayam; ito ay pangangalap ng datos o pagkuha ng impormasyong sa pamamagitan ng


pagtatanong nang isahn sa tao o impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong nang isahan sa tao o kaya
‘y pangkatang pakikinayam.

Survey; Sa pamamaraang ito nakakukuha ng datos o impormasyon ang mananaliksik sa pamamagitan ng


pagpapasagot sa mga kalahok o respondents ng questionnaire o palatanungang kaugnay ng paksa.

Para sa mas epektibong pananaliksik, mahalaga ang paggamit ng aklatan at internet subalit malaki rin ang
maitutulong ng pagkalakap ng impormasyon at dokumanto ang pasibleng hindi pa nailathala sa mga
aklatan ay epektibo at napapanahon. Gayundin naman, hindi lamang dapat umasa sa mga impormasyong
dala ng internet lalo na kung galing lang ang mga ito sa mga Open Web dahil sa kawalang kasiguraduhan
na ang mga ito’y tama at beripikado. Sa mga paksang wala pang masyadong nasusulat na impormasyon
tulad ng kung ang paksa ay bagong-bago pa o hindi gaanong nagagamit bilang paksa ng anumang mga
pananaliksik, makatutulong nang malaki ang paggamit ng primaryang sanggunian. Makatutulong din ang
datos o impormasyon mula sa primaryang pananaliksik para higit na mapagtibay ang mga nalikom mula sa
mga sekundaryang sanggunian tulad ng mga aklat at artikulong mula sa internet.

ISAISIP NATIN
PANDIWA

(Uri at Aspekto)

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-búhay sa lipon ng


mga salita. Ito’y binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi. Ang mga panlaping ginagamit sa
pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.

Uri ng Pandiwa

Ang pandiwa ay maaaring mauri sa dalawa: ang palipat at ang katawanin.

 Palipat ang pandiwa kung may tuwirang layong tumatanggap sa kilos. Ang layon ay karaniwang
kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga, sa, sa mga, kay, o kina.
Halimbawa:
pandiwa tuwirang layon
o Si Hephaestos ay lumilok ng babae.
pandiwa tuwirang layon
o Siya ay kanilang sinuotan ng damit at koronang ginto.

 Katawanin ang pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tatanggap ng kilos
at nakatatayo na itong mag-isa.
Halimbawa:
o pandiwang naglalahad lámang ng kilos, gawain, o pangyayari
pandiwa
 Nabuhay si Pandora.

pandiwa
 Sina Epimetheus at Pandora ay ikinasal.
o Pandiwang palikas na walang simuno
 Umuulan!
 Lumilindol!

Aspekto ng Pandiwa

Ang pandiwa ay may tatlong aspektong nagpapakita kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap
ang kilos na ipinahahayag nito.

1. Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito’y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.


Halimbawa: Ipinadala ni Zeus si Pandora kay Epimetheus.

o Aspektong Katatapos – bahagi rin ng aspektong naganap sapagkat ang kilos ay katatapos
pa lang gawin o mangyari. Sa pagbuo nito’y idinugtong ang panlaping ka- at inuulit ang
unang pantig ng salita.
Halimbawa: Kasasabi lang ni Epimetheus na huwag bubuksan ni Pandora ang kahon
subalit binuksan pa rin niya ito.

2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – Ito’y nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nangyayari


o kaya’y patuloy na nangyayari.
Halimbawa: Araw-araw na nagpapaalala si Epimetheus sa kanyang asawa.

3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – Ito’y nagsasaad na ang kilos ay hindi pa isinasagawa o


gagawin pa lang.
Halimbawa: Darating ang pag-asa basta’t maghintay ka lamang.

VALUES INTEGRATION:
Pagpapakita ng tunay na pag-ibig sa sarili,pamilya,kaibigan, pamayanan at daigdig
ACTIVITY SHEET (Week 1)

NAME: ______________________________________________SUBJECT: _______________________


GRADE & SECTION: _________________________________TEACHER: ______________________

DAY
1
Layunin: Naipahahayag mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan, mitolohiya

ACTIVITY 1:

Kilalanin ang mga tauhan na nasa ibaba .Isaayos ang titik upang maibigay ang wastong sagot.

TANONG: Hari ng langit / Pinakadakila sa lahat

SAGOT: __________________________________________
E Z U S

TANONG: Diyosa ng Karunungan

SAGOT: __________________________________________
H E A N A T

TANONG: Mensahero ng mga Diyos at Diyosa

SAGOT: __________________________________________
E R H M S E

TANONG: Diyosa ng Pag-ibig at Kagandahan

SAGOT: _________________________________________
H E R D A T O I P

TANONG: Diyos ng Araw

SAGOT: _________________________________________
L O A O L P
DAY
2
Layunin:
Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
ACTIVITY 2:

Ang isang salita ay maaring magkaroon ng kayariang payak maylapi, inuulit o Tambalan
Maaring maiugnay ang kayarian ng salita sa kahulugan nito. Ibigay ang kasing hulugan ng
salita batay sa kayarian at sa iba pang katangian nito
___________1.Anong na salita ang kasinghulugan ng tambalang salitang pagiisang–dibdib? Ang
isa pang kahulugan nito ‘y pag-aasawa
__________2.Alin ang mga salitang maylaping nasa kahon ang naiibang kahulugan?
banta babala ganti
__________3.Anong payak na salita ang kasing hulugan ng salitang galak sa pangungusap na
“Galak angg dulot ng pagdating ng dalaga sa kanyang buhay”?
__________4.Anong salitang may lapi ang maaring maging kasinghulugan ng inuulit na salitang
kahali-halina sa pangungusap na “Ang dalaga’y sadyang kahali-halina kaya’t nahulog ang loob
niya”?
__________5.Alin sa mga salitang payak na nasa kahon ang may naiibang kahulugan.
banta bahala ganti
DAY
3
Layunin:
. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay

ACTIVITY 3:

Basahin ang mga pahayag o kaisipang nasa kahon. Magpahayag ng sariling opinion o pananaw
kaugnay nito.

Huwag na huwag mong bubuksan ang kahon ni Pandora. Isa itong


babala lalo na sa mga taong hindi kayang kontrolin ang kanilang pagiging
curious o mausisa dahil maaari itong magdulot ng kapahamakan sa iyo o sa
ibang tao.

Sumasang-ayon ka ba sa kaisipang Ano-ano ang mga “kahon ni


ito na tinalakay sa binasa? Pandora” sa iyong paligid na hindi
_______ Ipaliwanag. mo dapat buksan?

____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
_________________________ ____________________________

Ano-ano ang mga maipapayo mo sa mga taong tulad ni Pandora na hindi kayang
kontrolin ang kanilang pagiging masyadong mausisa lalo na sa mga bagay na
wala silang kinalaman? Magsabi ka ng tatlong kongkretong paraang maaaring
makatulong sa kanila.

1. __________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
2. __________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
3. __________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
DAY
4
Layunin: Nagagamit ang angkop na pandiwa sa paglalahad ng sariling karanasan.

ACTIVITY 4:

Bumuo ng ilang Pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa at aspektong nakalahad sa bawat


blang , Gawing tema ang iyong karanasan may kaugnayan sa pagkakaroon ng positibong kaisipa
sa karanasang may kaugnayan sa pagkakaroon ng positibong kaisipan sa kabila ng anumang
problema o paghihirap
1.Magsikap (perpektibo o nagaganap)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2.Magdasal (Imperpektibo o nagaganap)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3.gumawa (perpektibong katatapos)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4.Mag –isip ( imperpektibo o nagaganap)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5.Matiyaga ( kontemplatibo o magaganap)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
6.Kopya (kontemplatibo o magaganap)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
7.Walis (perpektibong katatapos)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
8.Tayo (Imperpektibo o nagaganap)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
9.Bili (imperpektibo o nagaganap)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
10.Alis (kontemplatibo o magaganap)
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________
DAY
5
Layunin: Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya

ACTIVITY 5:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong;

1.Paano mo higit na nakikilala ang mga diyos at diyosa ng mga mitolohiyang griyego sa
tulong ng pinanood mong maikling video?

2.Ano kaya ang mensaheng taglay nito at ano ang gusting maiparating sa mga manood?

3.Kung susulat ka ng sariling mitolohiya sino sa kanila ang nanaisin mong maging mga
tauhan? Bakit?
Day 6-7

Layunin; Nakabuo ng kritikal na pag sususri sa mga isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang
Mediterranean.

ACTIVITY ; 6-7

Upang maipakita ang iyong pagkakaintindi sa mga akdang tinalakay, ikaw ay inatasang bumuo ng critique paper
tungkol sa kuwento ng magkapatid na sina Prometheus at Epimetheus. Lagyan ng highlight ang mga pandiwang
ginamit na nagsasaad ng aksyon, pangyayari, at karansasan. Maaaring isulat o i-print and iyong gawa sa short
bond paper. Siguraduhing ang iyong output ay may pokus, organisasyon ng mga idea, at wastong paggamit ng
mga pandiwa.

ANALYTIC RUBRIC FOR THE CULMINATING ACTIVITY:

PAMANTAYAN (10) NAPAKAHUSAY (5) MAHUSAY (2) HINDI GAANONG


MAHUSAY
Malinaw na
nailalahad ang
reaksyon tungkol sa
paksa
Mahusay na
naiuugnay ang bawat
pahayag o
pangungusap
Naipapakita ang
kawastuhan sa pag-
highlight ng mga
pandiwang ginamit

KABUUANG PUNTOS:

You might also like