You are on page 1of 3

“Pangwakas na Gawain

sa Filipino 10
Suring Basa”

Pangalan: Raine Julianne L. Fragata

Jaimee Marie Moya

Baitang at Pangkat: 10-Einstein

Guro: Gng. Jane V. De Juan

Petsa kung kalian pinasa: Nobiyembre 3, 2022

I. PANIMULA
A. Uri ng Panitikan
Ang uri ng panitikang, “Si Medusa at ang Sumpa ni Athena” ay isang mitolohiya.
Ang mitolohiya ay mga kwento na binubuo ng mga kwento tungkol sa mga diyos at
diyosa, relihiyon at paniniwala.
B. Bansang Pinagmulan
Ang bansang pinagmulan ng mitolohiyang “Si Medusa at ang Sumpa ni Athena” ay
mula sa Roma.

C. Pagkilala sa may akda


Si Ovid, isang makatang taga-Roma. Siya ay isa sa mga tanyag na manunulat sa rome
at isa sa tatlong pinakasikat sa “Canonical poets of Latin Literature”.

D. Layunin ng akda
Ang layunin ng akda ay makapukaw ng atensyon ng mambabasa, magbigay aral sa
bawat mambabasa tungkol sa Roma at tungkol sa mitolohiya, makapagbigay ng
kaalaman tungkol sa mitolohiya at pagpapahalaga sa mga diyos at diyosa.

II. PAGSUSURING PANGNIALALAMAN

A. Tema o Paksa ng akda


Ang tema o paksa ng akda ay ang kapalaran, kung saan napakita ang pinagdaan ni
Medusa dahil sa parusa ni Athena. Maaari rin maging tema o paksa ang kawalan ng
katarungan para kay Medusa, nang dahil sa inggit ni Athena ay naging masama ang
kahihinatnan nito. Sa ibang bersyon ng mitolohiya, maaaring maging paksa ang
pagiging mapagmayabang ng isang tao, katulad na lamang ni Medusa, kung saan
naparusahan si siya dahil sa pagmamaliit niya sa Diyosa na si Athena.

B. Mga tauhan/Karakter sa akda


Ang mga tauhan o karakter sa akda ay si Medusa, ang pangunahing tauhan, sina
Phorcys at Ceto, ang mga magulang ni Medusa, si Athena, makapangyarihang Diyosa
ng digmaan, si Poseidon, ang Diyos ng karagatan, si Perseus, isang bayani na
nagwaging pugutin ang ulo ni Medusa, at sina Chrysaor at Pegasus, na anak ni
Medusa.

C. Tagpuan/Panahon
Ang tagpuan ay sa lungsod ng Athens kung saan din matatagpuan ang Templo ni
Athena. Sa Templo umiikot ang kuwento, kung saan naging paring babae si Medusa
at kung saan din siya pinarusahan ni Athena.

D. Balangkas ng mga pangyayari


Simula: Mayroong isang babae na ipinanganak na napakaganda, ito ay si Medusa. Sa
kabila ng kaniyang itsura, si Medusa ay dalisay. Hinahangaan ni Medusa si Athena,
kung saan napagpasiyahan niyang maging isang paring babae sa templo ni Athena.

Gitna: Maraming tao ang bumisita kay Medusa at madalas na hindi pinapansin ang
diyosa, kung saan nakaramdam ng inggit ang diyosa‍‌. May isa pang lalaki na
nagsabing mas maganda ang buhok ni Medusa kaysa sa dyosa. Nakuha ni Medusa
ang interes ni Poseidon. Nagpasya siyang kunin si Medusa nang puwersa pagkatapos
ng paulit-ulit nitong pagtanggi sa kanya. Nagawa niyang sundan si Medusa patungo
sa templo ni Athena, at ginahasa niya ito sa harap ng rebulto ni Athena.

Wakas: Pinarusahan ni Athena si Medusa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanyang


mga ahas para sa buhok at kung sino man ang tumingin sa kanyang mga mata ay agad
na magiging bato. Sa pagtatapos, siya ay pinugutan ng ulo ni Perseus na kinuha ang
kanyang ulo bilang isang tropeo.

Tunggalian:
Tao laban sa Tao: Noong ginahasa ni Poseidon si Medusa
Tao laban sa Sarili: Kung saan inunahan ng inggit si Athena kung kaya't naparusahan
nito si Medusa
Tao laban sa Tao: Noong nagwagi si Perseus sa pag-pugot ng ulo ni Medusa

E. Kulturang masasalamin sa akda


Ang paniniwala ng mga taga-Roma sa mga Diyos at Diyosa. Makikita ito sa
pagsamba ng mga mamamayan sa templo ni Athena.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

A. Mga kaisipang taglay ng akda


Huwag magpadaraig sa galit nang hindi makasakit ng ibang tao at pagkahumaling sa
isang tao upang hindi makagawa ng isang bagay na kalapas-lapastanganan.
Nagpapahiwatig din ang mitong ito ng pagbibigay-puri sa mga diyos.

B. Estilo ng pagkakasulat ng Akda


Ang akdang ito ay isinulat ng may akda sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang
madaling maintindihan. Maayos na pagkakalikha, tamang paggamit ng mga salita
upang maisalaysay ang mga pangyayari.

IV. BUOD

May isang babaeng ipinanganak na napakaganda, ito ay si Medusa. Sa kabila ng


kanyang hitsura, si Medusa ay dalisay at hinahangaan si Athena. Maraming tao ang
bumisita kay Medusa at madalas ay hindi pinapansin ang diyosa, na ikinaiinggit ng
diyosa. Nahuli rin ni Medusa ang interes ni Poseidon at ginahasa siya nito sa harap ng
rebulto ni Athena. Ito ay napakawalang galang kay Athena, kung kaya’t pinarusahan
niya si Medusa ng mga ahas bilang buhok. Lahat ng titingin kay Medusa ay magiging
bato. Natapos ang kwento sa pagpugot ni Perseus kay Medusa.

You might also like