You are on page 1of 5

SURING

BASA SA
FILIPINO
IPINASA NI:

REINER PAPAGAYO
IPINASA KAY:

GNG. GLORY BUGTONG PAAT


PAMAGAT:
SI MEDUSA AT ANG SUMPA NI ATHENA

AKDA:
MITOLOHIYA MULA SA MITOLOHIYA NG
MGA GRIYEGO

TAGPUAN:
- Sa isla ng Seriphus
- Sa kaharian ni Athena

TAUHAN/KATANGIAN:
 MEDUSA – Magandang dilag na may magandang buhok
ngunit nasumpa at nagging ahas ang mga buhok. Siya ay may
mapang-akit na hitsura na naakit nito si Poseidon.
 ATHENA – Diyosang naghiganti at nagselos sa kagandahang
taglay ni Medusa. Siya ang nagsumpa kay Medusa. Personal
nitong kaaway si Poseidon.
 POSEIDON – Ang Diyos ng Dagat o karagatan. Kaaway nito
si Athena at siya ang naakit at gumahasa kay Medusa sa loob
ng templo ni Athena
 PHORCYS AT CETO – Mga Magulang ni Medusa na mga
primordial diyos ng dagat.
 CHRYSAOR AT PEGASUS – Mga anak ni Medusa kay
Poseidon.
 PERSEUS – Ang mandirigmang nagawang pugutin ang ulo
ng nilalang na si Medusa.

TALASALITAAN:
 PRIMORDIAL – Unang gumawa o nag-imbento sa isang
bagay
 BABAENG PARI – Nangunguna sa mga ritwal o pag-aalay
na tinatawag ding babaylan o katalonan.
 PAGKAHUMALING – Pagsinta, pasyon silakbo ng
damdamin o pagkakagusto.
 NANGAHAS – Nagtangka o sumubok
 PAMPANG – Dalampasigan o baybay-ilog
 PUGUTIN - putulin ang mga ulo.

BUOD:
Si Medusa, ang babae na may mga ahas na buhok ay marahil isa sa
pinakakilalang nilalang sa mitolohiyang griyego. Gayunpaman, hindi siya
dating halimaw. Siya ay anak na babae nina Phorcys at Ceto na mga
primordial diyos ng dagat. Si Medusa ay ipinanganak na may kakaibang
kagandahan. Napupukaw ng dalagang ito ang mga puso ninuman kahit
saan man sya magpunta. Pero sa kabila ng kanyang mapang-akit na hitsura,
si Medusa ay inosente, malinis at dalisay. Dahil hinahangaan niya ang
diyosang si Athena, napagpasyahan niya na maging isang paring babae sa
templo ni Athena. Birhen at may kadalisayan ay kailangang-kailangan para
sa posisyong ito. Si Medusa ay isang perpektong babaing pari at sobrang
napakaganda niya kung kaya’t napaka daming mga bisita araw-araw na
pumupunta lamang sa templo upang hangaan at makita ang taglay niyang
ganda.Kaya't nangyari na ang diyosang si Athena ay sobrang nagselos at
nainggit sa kanya dahil sa kanyang kagandahan at dahil siya rin ang may
pinakamagandang buhok sa lahat. Isang araw may isang mamamayan ang
nangahas na sabihin na ang buhok ni Medusa ay magiging mas maganda
kaysa sa buhok ng diyosa na si Athena. Bagaman nasaktan at nagalit, si
Athena ay hindi naghiganti.Gayunpaman, isang araw sa isang pampang na
malapit, si Medusa ay napansin ni Poseidon, ang diyos ng Dagat at umibig
ito sa napakagandang dilag. Pero tinanggihan at iniwasan lamang ni
Medusa ang diyos ng dagat.Si Poseidon ay may personal na away kay
Athena kung kaya’t ang kagustuhan niyang mapasa-kanya si Medusa ay
isang matinding pagkahumaling. Dahil sa palagiang pagtanggi ni Medusa
kay Poseidon, nagpasya siyang puwersahing kunin ang dalaga. Ang takot
na takot na si Medusa ay tumakbo papunta sa templo ni Athena para
makakuha ng proteksiyon. Nakasunod si Poseidon at sapilitang hinawakan
ang dalaga at ginahasa ito sa sahig sa harap ng rebulto ng diyosang si
Athena. Nang matapos ang karahasan, ang diyosang si Athena ay lumitaw
at nagalit. Nagpasiyang bigyan ng malupit na parusa si Medusa. Hindi
magawang parusahan ni Athena si Poseidon dahil isinaalang-alang niya na
ang kanyang nagawa ay likas lamang na katangian ng mga lalaki ngunit
itinuturing niyang nagkasala si Medusa ng pang-aakit sa diyos ng dagat at
pagdadala ng kahihiyan sa kaniyang templo. Isinumpa ni Athena ang
dalaga, ginawang ahas ang kanyang magandang buhok at mula sa araw
ding iyon, ang sino mang tumingin sa kanyang mga mata ay agad na
magiging bato. Si Medusa ay hinahabol ngayon ng mga mandirigma na
nagnanais ng kanyang ulo bilang isang tropeo pero silang lahat ay naging
bato. At Sa wakas ang bayani na si Perseus ay nagawang pugutin ang
nilalang. Pero ang hindi nila alam ay dinadala ni Medusa ang anak nila ni
Poseidon, kung kaya't sa kamatayan ni Medusa at sa pagbuhos ng dugo ay
pinanganak niya sina Chrysaor at Pegasus.

REPLEKSYON:

You might also like