You are on page 1of 1

Ang Diyosa ng Pag-ibig at si Adonis

Ayon sa mitolohiyang Romano, noon ay may napakagandaang diyosa na nagngangalang Venus. Napakaamo ng kanyang mukha at talagang kaakit-akit kaya siya ang naging Diyosa ng Pag-ibig. Siya ay matuwain at mapagmahal sa bata. Lagi niyang kalaro ang kanyang anak na si Kupido. Sa lahat ng oras ay nakasukbit sa balikat ni Kupido ang kanyang busog at palaso. Kapag tumimo sa puso ng isang tao ang palaso ay natututong umibig ito. Minsan sa kanilang paglalaro ay di sinasadyang tinamaan ni Kupido si Venus. Nag-alala ang anak at kinalma ang kalooban ni Venus. Inay, hindi ko po sinasadya. May sugat po kayo subalit hindi naman po kayo mapapahamak. Gagamutin ko po kayo. Naunawaan ng ina ang nangyari at nagsabing sa Lupa na lang siya magpapagaling. Nagpasya si Venus na pumunta sa Daigdig upang doon magpagaling ng sugat. Pagdating niya roon ay isang ubod ng kisig na lalaki ang kanyang nakita. Yaon si Adonis na hilig ay pangangaso. Halos araw-araw ay magkasama sina Venus at Adonis sa gubat. Sa bandang huli, naging hilig na rin ni Venus ang panghuhuli ng mga hayop sa gubat. Tuluyan silang naging magkatipan. Isang araw, nagpaalam si Venus sa kasintahan na uuwi muna sa Bundok Olimpos upang dalawin ang anak at ang iba pang diyos at diyosa. Mag-iingat ka, Adonis, baka mapahamak ka sa pangangaso habang akoy wala, paalala ni Venus. Palibhasay hilig at likas talaga sa kanya ang pangangaso, hindi napigilan ni Adonis na pumunta sa gubat at manghuli ng baboy-ramo. Sa kasamaang-palad, nanlaban ang nasabing hayop at siya ay nilapa. Wala nang lakas si Adonis nang tigilan ng hayop. Nalaman ni Venus ang nangyari at nagmamadali itong bumalik sa Daigdig. Inabutan niyang naghihingalo ang kasintahan. Tumangis siya sa sobrang lungkot sa pagpanaw ng katipan. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan. Ginawa niyang napakagandang bulaklak ang dugong tumapon sa kanyang kasintahan. Subalit talagang huli na ang lahat, sa dampi ng hangin ay nangalaglag ang mga talulot ng napakagandang bulaklak na dugo ni Adonis.

You might also like