You are on page 1of 1

Ang Diyosa ng Pag-ibig at si Adonis

Ayon sa mitolohiyang Romano, noon ay may napakagandaang diyosa na


nagngangalang Venus.Siya ay matuwain at mapagmahal sa bata. Lagi
niyang kalaro ang kanyang anak na si Kupido. Salahat ng oras
ay nakasukbit sa balikat ni Kupido ang kanyang busog at palaso. Kapag
tumimo sapuso ng isang tao ang palaso ay natututong umibig
ito.Minsan sa kanilang paglalaro ay di sinasadyang tinamaan ni Kupido
si Venus. Nag-alala ang anakat kinalma ang kalooban ni
Venus. Naunawaan ng ina ang nangyari at nagsabing sa Lupa na
langsiya magpapagaling.Nagpasya si Venus na pumunta sa Daigdig
upang doon magpagaling ng sugat. Pagdating niyaroon ay isang ubod
ng kisig na lalaki ang kanyang nakita. Yaon si Adonis na hilig
ay pangangaso.Halos araw-araw ay magkasama sina Venus at Adonis
sa gubat. Sa bandang huli, naging hilig narin ni Venus ang panghuhuli
ng mga hayop sa gubat. At tuluyan silang naging magkatipan.Isang
araw, nagpaalam si Venus sa kasintahan na uuwi muna sa Bundok
Olimpos upang dalawinang anak at ang iba pang diyos at diyosa. Mag-
iingat ka, Adonis, baka mapahamak ka sapangangaso habang akoy
wala, paalala ni Venus.Palibhasay hilig at likas talaga sa kanya ang
pangangaso, hindi napigilan ni Adonis na pumuntasa gubat at manghuli
ng baboy-ramo. Sa kasamaang-palad, nanlaban ang nasabing hayop at
siyaay nilapa. Wala nang lakas si Adonis nang tigilan ng hayop.Nalaman
ni Venus ang nangyari at nagmamadali itong bumalik sa Daigdig.
Inabutan niyangnaghihingalo ang kasintahan. Tumangis siya sa sobrang
lungkot sa pagpanaw ng katipan.Ginamit niya ang kanyang
kapangyarihan at ginawa niyang napakagandang bulaklak ang
dugongtumapon sa kanyang kasintahan. Mula noon, ang mga rosas
ay sinasabing ang dugo ni Adonisna simbolo ng pagmamahal.

You might also like