You are on page 1of 3

Rogationist College

Junior Haiskul Department

Taong Panuruan 2019 – 2020

Ang DiyosaPag-ibig na si Adonis

Pinasa ni: Pinasa kay:

John Christian Cahanap Ma’am Lilibeth Dela Torre


G10 - St. Gregory
Panimula

Ayon sa mitolohiyang Romano, noon ay may napakagandaang diyosa na

nagngangalang Venus. Siya ay matuwain at mapagmahal sa bata. Lagi niyang kalaro

ang kanyang anak na si Kupido. Sa lahat ng oras ay nakasukbit sa balikat ni Kupido

ang kanyang busog at palaso. Kapag tumimo sa puso ng isang tao ang palaso ay

natututong umibig ito.

Minsan sa kanilang paglalaro ay di sinasadyang tinamaan ni Kupido si Venus. Nag-

alala ang anak at kinalma ang kalooban ni Venus. Naunawaan ng ina ang nangyari at

nagsabing sa Lupa na lang siya magpapagaling.

Halos araw-araw ay magkasama sina Venus at Adonis sa gubat. Sa bandang huli,

naging hilig na rin ni Venus ang panghuhuli ng mga hayop sa gubat. At tuluyan silang

naging magkatipan. Isang araw, nagpaalam si Venus sa kasintahan na uuwi muna sa

Bundok Olimpos upang dalawinang anak at ang iba pang diyos at diyosa.

“Mag-iingat ka, Adonis, baka mapahamak ka sapangangaso habang ako’y wala,”

paalala ni Venus.

Palibhasa’y hilig at likas talaga sa kanya ang pangangaso, hindi napigilan ni Adonis na

pumunta sa gubat at manghuli ng baboy-ramo. Sa kasamaang-palad, nanlaban ang

nasabing hayop at siya ay nilapa. Wala nang lakas si Adonis nang tigilan ng hayop.

Nalaman ni Venus ang nangyari at nagmamadali itong bumalik sa Daigdig. Inabutan

niyang naghihingalo ang kasintahan. Tumangis siya sa sobrang lungkot sa pagpanaw

ng katipan.
Pagsusuring Pangkaisipan

1.Ang pinapahiwatig sa storyang ito ay si Venus at si Adonis sa matagal na nilang

magkasamang dalwa hindi napigilan ang sarili nila na mahalin ang isat-isa.

2.Dapat sa buhay kapag ikaw ay nagmahal sa isang tao, wag mo ito lalahatin dapat

ikaw ay magtitira para sa iyong sarili para ikaw hindi masyadong masaktan sa huli.

3.Ang kasiningan sa pagpapahayag ng kaisipan ay ang paggamit ng mga Diyos at

Dyosa na mayroong iba’t – ibang kapangyarihan.

Pagsuring Pangnilalaman

1.Ang paksa ng akdang ng kwentong ito ay pagmamahalan ni venus at ni adonis sa

isat-isa.

2.Sumisimbulo ito sa pagmamahalan nina venus at Adonis.

3.Ang uri ng akda ng “Ang Diyosa ng pag ibig at si Adonis” ay mitolohiya.

4.Ang kulturang nabasa ko sa kwento ay pangangaso sa gubat dahil yun ang

kabuhayan nila.

You might also like