You are on page 1of 1

Ang Diyosa ng Pag-ibig at si Adonis

Ni: William Shakespear

Ayon sa mitolohiyang Romano, noon ay may napakagandaang diyosa


na nagngangalang Venus.Siya ay matuwain at mapagmahal sa bata. Lagi
niyang kalaro ang kanyang anak na si Kupido. Salahat ng oras
ay nakasukbit sa balikat ni Kupido ang kanyang busog at palaso. Kapag
tumimo sapuso ng isang tao ang palaso ay natututong umibig ito.Minsan sa
kanilang paglalaro ay di sinasadyang tinamaan ni Kupido si Venus. Nag-
alala ang anakat kinalma ang kalooban ni Venus. Naunawaan ng ina ang
nangyari at nagsabing sa Lupa na langsiya magpapagaling.Nagpasya si
Venus na pumunta sa Daigdig upang doon magpagaling ng sugat.
Pagdating niyaroon ay isang ubod ng kisig na lalaki ang kanyang nakita.
Yaon si Adonis na hilig ay pangangaso.Halos araw-araw ay magkasama
sina Venus at Adonis sa gubat. Sa bandang huli, naging hilig narin ni Venus
ang panghuhuli ng mga hayop sa gubat. At tuluyan silang naging
magkatipan.Isang araw, nagpaalam si Venus sa kasintahan na uuwi muna
sa Bundok Olimpos upang dalawinang anak at ang iba pang diyos at diyosa.
Mag-iingat ka, Adonis, baka mapahamak ka sapangangaso habang ako y
wala, paalala ni Venus.

Palibhasay hilig at likas talaga sa kanya ang pangangaso, hindi


napigilan ni Adonis na pumuntasa gubat at manghuli ng baboy-ramo. Sa
kasamaang-palad, nanlaban ang nasabing hayop at siyaay nilapa. Wala
nang lakas si Adonis nang tigilan ng hayop.Nalaman ni Venus ang nangyari
at nagmamadali itong bumalik sa Daigdig. Inabutan niyangnaghihingalo
ang kasintahan. Tumangis siya sa sobrang lungkot sa pagpanaw
ng katipan.Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at ginawa niyang
napakagandang bulaklak ang dugongtumapon sa kanyang kasintahan. Mula
noon, ang mga rosas ay sinasabing ang dugo ni Adonisna simbolo
ng pagmamahal.

You might also like