You are on page 1of 1

Beira, Josiah Rey X - Andromeda

Filipino 10

Demonyo; Kaskas at Xander

Isang magandang hapon, ay nakaupo sa talampas habang tumitingin sa paglubog ng


araw, ay isang magandang babaeng si Xander. Si Xander, ‘pag lumakad sa kanilang nayon ay
tinitingnan ng lahat, at nabighani sa tanging kagandahan nito. Sa kaniyang sobrang ganda,
kahit ang kilalang mga masamang nilalang, gaya ng mga demonyo, ay kasama sa mga
nahuhulog para sa kanya; lalo na ang laging nakikita tuwing gabi sa kanilang nayon, ang
Kaskas. Hindi lamang siya maganda, kilala rin si Xander bilang napakabait na babae, masipag,
matatag, at hakot ang lahat ng magandang asal.
Isang araw, napagtanto ng Kaskas ang kanyang kakayahang magbihis o magpanggap
bilang isang tao tuwing umaga, kahit na babalik siya bilang demonyo, Kaskas, pagka gabi.
Napag-isipan nitong “Eto na aking pagkakataon!”. Binalak ng demonyong mahalin si Xander,
kahit na sa pagsisinungaling at pagtago ng kaniyang totoong pagkakakilanlan.
Hinintay nito na sumikat ang araw upang maging tao, at nang nagawa ito’y nagbihis at
nag-ayos ng sarili, at pumunta sa nayon ni Xander. Pagpasok pa lamang ay napansin ng lahat
ang mabikas at makisig na promahan ng demonyo, tingin mula rito at roon, at mga ngiting hindi
matago-tago ng mga nakakita sa kanya. Sa dulo ng nayon ay nagtagpo si Xander at Kaskas,
nang biglang humina ang kilos ng mundo, sinabayan ng pagsayaw ng mga bulaklak, kahoy’t
dahon, pagkanta ng mga ibon, at ang mga mata ng dalawang nahuhulog sa isa’t-isa.
Tagumpay ang balak ni Kaskas. Sinubukan niyang magmahal ng tao, bilang isang tao.
At sila’y pinayagan ng mga magulang ni Xander na mula sa araw na ‘yon, ang kanilang mga
puso’y nagkaisa. Sa ligaya’t saya ni Kaskas, nais niyang magdala o gumawa ng regalo para kay
Xander at kanyang pamilya. Ngunit, dahil siya ay demonyo, na hindi marunong magmahal, ang
naibigay niyang regalo lamang ay mga basong puno ng dugo bilang inumin, mga peste’t
insekto’ng patay at mga pirasong laman ng tao na hindi alam kung saan nanggaling bilang
pagkain, at mga bulaklak na ang amoy ay walang salitang kayang ilarawan. Napansin ni Kaskas
ang biglang pagkawala ng mga ngiti ng mga tao, at dahan-dahang napupuno ng takot at
pag-alala ang mata ng lahat. Sa sobrang saya niya, hindi niya namalayan ang paglipas ng oras
at gumagabi na pala. Siya’y bumabalik sa dati niyang hugis at anyo. Ang lahat ay tumakbo
palayo at ang iba nama’y naghanap ng kagamitan upang sunogin ang bahay na nasan ang
Kaskas, habang si Xander ay nakatayo lamang, sa harapan ng Kaskas na mga luha’y tumutulo,
ang puso’y puno ng lungkot at pighati. Hindi pa nasabi ng Kaskas ang kaniyang nais sabihin
nang biglang sumiklab ang malaking apoy at unti-unting nasunog ang bahay nila Xander
kasama si Xander at Kaskas sa loob. At sa mga huling sandali, nawalan ng buhay una si
Xander, niyakap ng demonyo ang katawan nito habang umaahos ang luha mula sa kanyang
mga mata.
Nang nasa itaas ng mundo na ang buwan, at ang dilaw nitong iniilawan ang buong
nayon, dibdib sa lahat ng taga roon, na kahit naisin pa, ang demonyo’y hindi maaaring
matutong magmahal bilang tao.

You might also like