You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY


Kolehiyo ng Panggurong Edukasyon
Lucban, Quezon

Pagsusuring Pampelikula na “The Count of Monte Cristo” ni Alexander Dumas

Isang Pagsusuri na Isinakatuparan

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang

PAN05 : Maikling Kwento at Nobelang Filipino

ELLA, Janeth B.
2020
Introduksyon
Ang nobelang The Count of Monte Cristo ay kilalang akda ni Alexandre Dumas. Siya
kinikilalang klasikong ng Pranses panitikan. Ang kaniyang mga akda ay popular sa kanilang
bansa dahil sa kahusayan sa pagsulat, kabilang ang Three Musketeers, "Parisian Mystery" at The
Count of Monte Cristo.

Ang akdang “The Count of Monte Cristo” ay isang nobela na isinulat niya noong mga
taon 1844-1845. Ito ay likha niya noong panahong siya ay naglalakbay. Ito ay tungkol sa isang
lalaki na mayroong magandang kalooban ngunit dahil sa inggit ng mga tao sa kaniyang paligid
lalo’t higit ng kaibigan ay siya’y pinlanong ipakulong habambuhay sa pagkakasala na hindi
naman niya ginawa. Ang pamagat ng akda ay mula sa isang lugar na napuntahan ng awtor, ito ay
ang napakagandang isla ng Elba. Ang islang ito ay may isang alamat at tinatawag itong
“Alamant ng Montecristo”, sa kaniyang kagalakan at kamanghaan sa lugar ay ipinangalan niya
ito sa akdang kaniyang isinusulat.

Tauhan
Ang nobelang “The Mount of Monte Cristo” na isinapelikula ay binigyang pansin lamang
ang ilang mahahalagang tauhan sa akda. Ang mga ito ang bumuhay at naging sentro ng bawat
bahagi ng kwento.

Edmond Dantès
Monte Cristo ang ginamit na pangalan ng tauhan sa panahon ng kaniyang paghihiganti.
Ang pangalang ito ay tumutukoy sa mga tao na biglang at misteryosong yumaman, habang ang
kanilang nakaraan ay nababalot rin ng misteryo.Naging pangalan niya ito simula noong nakuha
niya ang mga kayaman na itinuro sa kaniya ni Busoni. Ginamit ang mga ito upang magkaroon ng
kapangyarihan at ituloy ang plano.
Siya ang pangunahing tauhan. Maikaklasipika bilang isang tauhang bilog sapagkat ang
kaniyang pagkatao ay unti-unting nabago simula nang siya ay itrato ng hindi tama at planuhin na
ipabilanggo habambuhay.Nakilala si Dantes bilang isang batang marino sa barkong Paraon, siya
ay may mabuting puso, maalalahanin at mapagkakatiwalaang tao. Sa laki ng tiwala sakniya ng
namatay na kapitan, si Dantes ang ipinalit dito at doon nagsimula ang pagkainggit ng tao sa
kaniyang paligid. Sa kaniyang buhay,paglalakbay at paghihiganti umikot ang buong pelikula.
Ipinakita kung paano hinulma ng mga pasakit niya sa buhay ang bago niyang pagkatao. Minsan
man siyang nawalan ng paniniwala at umasang mamamatay na lang sa loob ng bilangguan,
nakuha pa rin niyang ibalik ang kaniyang pagtitiwala sa Diyos. Naging inspirasyon niya ang
kaniyang kabigan na nakilala sa bilangguan at pinanghawakan ang mga salita ng Diyos na balang
araw ay makakaalis din siya sa lugar na iyon at tuluyang makakamit ang kalayaan at hustisya.

Mercédès
Siya ay nagmula sa mayamang angkan sa kanilang lugar. Maganda at tunay na
nakabibighani maging ang kaniyang kalooban. Maituturing na pantulong natauhan at tauhang
lapad dahil hindi nagbago ang katauhan nito. Nagmamahalan sila ni Dantes noon pa man,
pagkarating ni Dantes mula sa kanilang paglalakbay ay nakipag kita agad ito sakaniya. Lubos
silang nagkakaunaawan, tanda ng pagmamahal ni Mercedes kay Dantes ang singsing na tali na
ginawa ng dalaga dahil hindi mahalaga sa kaniya ang mamahaling singsing at upang mawala sa
isipan ni Dantes na maaagaw ito ng ibang tao sakaniya. Noong nakulong si Dantes ay lubhang
ikinalungkot ito ni Merceds, ipinaglaban niya na inosente ito ngunit walang naniwala. Noong
nalaman niya sa isang sulat na patay na si Dantes ay nagluksa ito, nabulag sa kalungkutan kung
kaya’t pumayag na magpakasal kay Fernand. Tumira sila sa Paris pagkatapos niyon.

Fernand Mondego
Isa sa mga antagonist na tauhan, siya ay tauhang lapad dahil mula una hanggang huli ng
kwento ay masama ang pag-uugali nito, makasarili at mapanlinlang. Ipinakilala si Fernand bilang
kaibigan ni Dantes na mayroong lihim na pagtingin kay Mercedes. Sinubukan nitong kuhain ang
loob ni Mercedes ngunit tanging si Dantes ang mahal nito. Nainggit si Fernand kung kaya’t
pinlano nila ni Danglas na ipakulong si Dantes. Pinakasalan ito ni Mercedes dala ng panungulila
kay Dantes ngunit kahit anong gawin nito ay hindi siya matutuhang mahalin ng babae. Naging
mortal na kaaway ni Dantes dahil natuklasan nito na si Fernand ang may kagagawan ng lahat.
Napaslang siya noong naglaban sila ni Dantes, inaakalang siya ang mananalo ngunit sa huli ay
hindi ito nagtagumpay.

Baron Danglars
Pantulong na tauhan at maituturing na tauhang lapad dahil sa rami ng kaniyang
kasalanan, mula noong una hanggang sa ito’y mamatay pinanindigan niya na siya lamang ang
makapangyarihan. Siya ang accaountant ng barkong accountant, naiinggit ito kay Dantes noong
napag alaman niyang ginawang kapitan ng barkong Paraon.Lubos itong nanliit sakaniyang sarili
kaya pinlano nilang alamin ang sulat na ibinigay kay Dantes ni General Bentran, isang
makapangyarihang tao sa kanilang napuntahan. Noong makatakas si Dantes ay sinubukan pa rin
ni Danglars’s sa huling pagkakataon na kalabanin si Dantes ngunit matalino na noon ito, isinama
niya ang mga awtoridad upang sa gayon ay maipakulong ito. Ang kaniyang kapalaran ay
sinadyang gawin ni Dantes kagaya ng kaniyang naranasan sa kulungan upang sa gayon ay
mamatay ito sa pasakit.

Gaspard Caderousse 
Pantulong rin na tauhan, antagonista, at tauhang lapad. Siya ay isa sa nag-akusa kay
Dantes. Kahit kalian ay hindi nito nagawang puntahan si Dantes sa kulungan kahit na nangako
itong tutulunagn si Dantes. Noong si Dantes ay kilala na bilang Monte Cristo, nagtungo ito sa
bahay ni Gaspard at nagpakilala bilang Busoni itinanong nito ang buhay ni Dantes. Inaasahan ni
Dantes na hindi siya nito makikilala, at ganoon na nga isinalaysay nito ang buhay ni Dantes at
napagtanto nito na ang lahat ng nangyari ay kagagawan lamang nila Gaspard, Villefort, Danglars
at Fernand. Tinangka nitong magnakaw sa kayaman ni Monte Cristo, noong nahuli siya ay hindi
ito pinabaril sa halip ay ibinitin ni Dantes ito at itinali ang leeg hanggang sa mamatay.

Gerard de Villefort
Pantulong rin na tauhan,anatagonistaat tauhan g lapad. Isa siya sa mga kasamahan nina
Fernand sa kanilang pagpaplano na ikulong si Dantes. Ito ang nagpahuli at nakipag usap kay
Dantes noong gabi na ito’y hulihin. Pinaniwala niya na si Dantes ay walang kasalanan kung
kaya’t sinunog nito ang liham na ibinigay sakaniya ni General Bentrand. Siya ang Prosecutor na
nagpakulong kay Dantes.

Abbé Busoni
Isa siya sa mga pantulong na tauhan, hindi nagbago ang pagkatao nito simula ng siya ay
makilala ni Dantes kung kaya’t ito ay tauhang lapad. Si Busoni ay Italyanong pari na nakakulong
sa Chateau d’If. Nakilala ito ni Dantes noong mga panahong gusto na niyang mamatay at wala
ng pag-asa sa buhay. Lumabas ito mula sa sahig ng kwarto ni Dantes sa kadahilanang ito ay nag
uukit at gumagawa ng daan upang makatakas. Panagarap nitong makitang mula ang langit, kung
kaya’t noong nagkakaunawaan na sila ni Dantes ay tinulungan nitong makita ang langit sa
pamamagitan ng pagsampa sa balikat nito. Siya ang naging kaibigan ni Dantes sa loob ng
kulungan, malaki ang naitulong nito dahil binigyan niyang muli ng pag-asa si Dantes at inilapit
uli sa Diyos. Sabay silang nag uukit upang makabuo ng daan o lagusan palabas ng kulungan.
Noong sila ay malapit nang makaukit ng malalim ay natabunan ito ng mga semento at naging
dahilan ng pagkamatay ngunit bago pa man ito mangyari ay sinabi nito kay Dantes ang
pinakatatagong kayaman na miski mga pirata ay hindi alam kung saan ito naroroon. Siya ang
naging dahilan ng paglaya ni Dantes dahil pinagpalit ni Dantes ang kaniyang katawan kay
Busoni.

Jacopo
Maituturing din na pantulong na tauhan at tauhang bilog sapagkat noong unang nagkita
sila ni Dnates ay mayroon itong hindi magandang nagawa sa kaniyang mga kasamahan.
Balimbing ang tawag sakaniya ng kanilang kasamahan na mga pirata. Noong araw na nakatakas
si Dantes ay napunta siya sa isang isla, dito nakilala ni Dantes ang mga pirata. Nakatali ito noon
at balak ng patayin ngunit noong Nakita si Dantes ng lider ng pirata ay pinapili ito kung siya ang
papatayin o kakalabanin niya si Jacopo, pinili ni Dantes na makipag laban. Si Jacopo ang natalo,
dapat n asana siyang patayin ngunit napagdesisyunan ni Dantes na huwag at iniligtas ito. Malaki
ang utang na loob ni Jacopo kay Dantes, naging kanang kamay ito at kaibigan. Tungkulin niyang
protektahan si Dantes at alagaan kahit na hindi naman kailangan. Siya ang nagapliwanag ng utak
ni Dantes at pinakusapan na tama na nag paghihiganti simula noon ay tinuloy pa rin ni Dantes
ang plano ngunit sa tamang paraan.

Albert
Ang lalaking anak ni Mercedes at Dantes. Lumaki ito na pinaniniwalaang ang kaniyang
ama ay si Fernand dahil ito ang asawa ng kaniyang ina. Mayroong magandang
kalooban,palakaibigan ngunit mahilig sa mga sayahan. Isang beses sa kaniyang pagpunta sa
isnag okasyon ay mayroong nagplano na dukutin ito, mga kalaban ng kaniyang ama. Iniligtas ito
ni Dantes at kinalaunan ay naging magkaibigan sila. Madaling napalapit si Albert kay Dantes
kaya inimbitahan nito si Dantes sa kaniyang kaarawan, doon niya ipinakilala sa kaniyang
magulang. Namukhaan ng kaniyang nanay si Dantes at natuklasan na siya nga ito ngunit itinaggi
pa rin ni Dantes. Sa huling bahagi ng kwento ay muntik ng paslaangin ni Dantes ang kaniyang
sariling ama dahil sa pagtatanggol nito kay Feranand, noon ay hinid pa alam ni Albert na totoong
ama niya si Dantes.

T agpuan

Maraming lugar ang pinangyarihan ng The Count of Monte Cristo, lahat ng tagpo ay
mayroong malaking kaugnayan sa ikot ng kwento.
Panahon noong 18th Century nagsimula ang kwento, mula sa malawak na lugar ng
Pransya. Noong mga panahong iyon ay mayroong malaking nagaganap na kaguluhan, ang
pagpili kung sino ang mamumuno sa Pransya, Si King Louis o Napoleon.
Marsielle
Unang tagpuan ay ang lugar na ito. Nasa barakong Paraon ang lahat patungo sa Marsielle.
Gabi noong, malakas ang alon at masama ang pakiramdam ng kanilang kapitan kung kaya’t
ipinaubaya muna ito kay Dantes. Siya ang namahala sa barko, habang lumalayag ay namatay ito.
Sila ay naglayag sa isla ng Elba upang maabot ang isang lihim na pakete kay Marshal Bertrand..
Noong bumaba sila ng barko ay bila silang pinaputukan ng mga armadong sundalo. Nais sana
nilang magpaliwanag ngunit marami ito. Tumakbo sila para makatakas.

Paris
Bumalik sila sa Paris. Inaasahan ni Dantes na nandoon si Mercedes ang kaniyang
kasintahan. Dito sila naninirahan ngunit dahil isnag marino si Dantes ay kung saan saan ito
nakakarating. Sa kaniyang pag-uwi ay mayroong nanagyari sa kanila ni Mercedes at ang
kanilang tanging pinanghahawakan ay ang singsing na sinulid na ginawa ng babae. Noong gabi
na magpapakasal sila ay biglang dinampot si Dantes ng mga kawal sa hindi malamang dahilan.
Ipinakulong si Dantes ng prosecutor dahil sa liham na ibinigay sakaniya ni General Bentrand,
hinid alam ni Dantes ang nilalaman noon dahil British ang wika ngunit pinalabas ng prosecutor
na kalaban si Dantes at Bonapartist.

Rome
Pagkaraan ng ilang taon ay bumalik dito si Dantes upang maghiganti kasama si Jacopo.
Napag-alaman niya na mag-asawa na si Mercedes at Fernand. Lubis niya itong ikinalungkot.
Bumili siya ng isang napakalaking mansion gamit ang kayamanan na nakuha niya. Nakilala siya
sa lugar nila bilang isnag misteryosong mayaman. Hinangaan siya ng mga tao dahil sa taglay
nitong yaman na hindi nila alam kung saan nanggaling. Unti-unti niyang ginawa ang
paghihiganti

Château d’If,
Ito ay isang kulungan si gitna ng isla. Malayo ito sa lungsod at tanging nakikita lamang
ay dagat at mga puno. Mataas din ang lugar na ito kung kaya’t mahirap makatakas. Siguradong
ang mga nakukulong dito ay mabubulok na at mamatay sa hirap dahil hindi sila tinatrato ng tama
sa loob ng kulungan. Dito inilagay si Dantes upang tuluyang makalayo kay Mercedes at sa
kanilang lugar. Sampung taon nakulong dito si Dantes sa madilim, nakakatakot at walang pag-
asang lugar. Dito siya pinahirapan, ginutom at halos dumating sa punto na siya na mismo ang
gusting magpakamatay dahil hindi na niya kaya. Kinuha ng lugar na ito nag pagkainosente ni
Dantes at ginawa siyang bagong tao, may lakas ng loob, matapang at may ipinaglalaban.Dito rin
niya nakilala si Busoni na tumulong saka niya upang makatakas.

Isla de Monte Cristo


Noong namatay si Busoni, bago ito tuluyang mawalan ng hininga ay may iniabot itong
mapa kay Dantes. Dito nakalagay kung saan matatagpuan ang kayamanan na noon pa man ay
pinag-aagawan na ng mga tao at maging pirata ay hindi ito mahanap. Nagtungo roon si Dantes
kasama si Jacopo, nilibot nila ang isla. Ginagabayan sila ng mapa hanggang sa languyin ni
Dantes ang napakalalim na dagat sa loob ng isang kuweba na hugis elepante at s ahuli ay nakuha
niyang lahat ang kayamanan. Ginamit niya ito upang makapagsimula ng paghihigante bilang
isnag misteryosong tao gamit rin ang panagalan ng isla, tinawag siyang The Count of Monte
Cristo.

Abandonadong Lugar
Sa isang malayo at liblib na lugar, dito huling nagtungo si Fernand para kunin ang
kayamanan na pinag-usapan nila ni Gaspard, ngunit ng tingnan niya lahat ay wala itong laman at
tanging isa lamang ang bagay na natagpuan niya ang isnag cheese piece na king. Ito ay
simbolismo ng pagkapanalo para kay Fernand at Dantes noong sila ay magkaibigan pa.
Napagtanto agad ni Fernand na buhay si Dantes, inihanda ang kaniyang sarili at nakipag laban
kay Dantes noong lumabas ito mula sa likod niya. Sa huli, nais n asana nitong tumakas ngunit
hindi siya nakontento dahil hindi niya napatay si Dantes. Siya ang mauuwing talo dahil walang
natira sa kaniya, pamilya, kaibigan at pera. Naglabanan sila ni Dantes sa isa pang pagkakataon
ngunit hinid siya nagtagumpay, siya ang namatay.

B anghay

Sa bahaging ito iisa-isahin ang mga mahahalagang pangyayari sa The Count


of Monte Cristo. Mula sa sitwasyon, komplikasyon, pakikipagtunggali,
kasukdulan, kalutasan at wakas.

Sitwasyon
Si Dantes ay mula sa simpleng pamilya sa Pransya. Siya ay isang marino sa Barkong
Paraon. Mayroon siyang kasintahan na si Mercedes. Samantalang ang kaniyang kaibigan na si
Fernand naman ay inggit rito dahil mayroon itong lihim na pagtingin kay Mercedes. Sa
paglalakbay ng kanilang barko ay nagkaroon ng sakit ang kanilang kapitan kaya si Dantes ang
itinalagang kapalit nito ayon sa kapitan bago mamatay. naglayag sa isla ng Elba upang maabot
ang isang lihim na pakete kay Marshal Bertrand. Bilang gantimpala, nakatanggap si Dantes ng
isang liham na dapat dalhin sa kabisera ng Pransya at ibigay kay Monsieur Noirtier.

Komplikasyon
Sa posisyong natanggap ni Dantes at pagkakaroon ng magandnag kasintahan. Marami
ang nainggit sa kaniya. Sina Fernand, Danglar,Villefort at Caderousse ay nagplano upang
makuha ang liham na iniabot sa kaniya at kasuhan bilang Bonapartist, ito ay kalaban ng kanilang
lider. Samantalang si Fernanad naman ay nakiisa sapagkat gusto niyang mapalayo at mawala ng
lubusan si Dantes at mapasakaniya si Mercedes. Hinuli at ipakulong si Dantes ng hindi alam ang
totoong dahilan.

Pakikipagtunggali
Sinubukan makatakas ni Dantes bago siya tuluyang ikulong ngunit ng lumapit siya kay
Fernand para humingi ng tulong ay lalo lamang siyang napahamak. Nagkaroon ng labanan sa
pagitan ng dalawa, naguguluhan noon si Dantes ngunit si Fernand na ang nagsabi na sinadya
nila itong lahat. Pinlano nila ang pagkakakulong ni Dantes dahil hadlang lamang ito sa kanilang
mga hangarin at masamng balak. Ikinulong si Dantes sa Château d’If, isang prisinto sa gita ng
isla. Lubos siyang pinahirapan, sinaktan, at ginutom sa lugar na ito. Araw-araw ay pabigat ng
pabigat ang kaniyang pinagdadaanan at unti-unti siyang nanghihina maging ang kaniyang
paniniwala sa Diyos ay nawawala na rin.Sa gitna ng kahirapan sa loob ng prisinto ay nakilala
niya si Busoni isang pari na labingtatlong taon ng nakakulong roon ngunit hanggang ngayon ay
hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na balang araw ay makakalaya. Araw-araw nitong
pinupuntahan ni Busoni si Dantes at isinasama sa pagdidikdik ng lagusan. Naging magkaibigan
ang dalawa at nagtulong sa paghahanda ng kanilang pagtakas. Nag ensayo at nag-aral ng
pakikipaglaban si Dantes hanggang sa masanay ito. Sa huling pagkakataon na kanilang pag-uukit
ay naaksidente si Busoni at natabunan ng gumuhong mga semento at lupa. Namatay ito ngunit
bago magpaalam ay nagbigay ng mapa kay Dantes, at ipinaliwanag ang tungkol sa kayamanan.
Bago pa itapos ang katawan nito ay nakipag palit ng katawan si Dantes upang siya ang mailabas.
Nakatakas si Dantes at nakilala ang mga pirata, isa si Jacopo na kaniyang nakalaban ngunit
naging magkaibigan sila at naging kanang kamay ito ni Dantes
Kasukdulan
Nang makatakas si Dantes ay una niyang pinlano ay ang paghahanap ng kayamanan mula
sa mapang binigay ni Busoni, natagpuan niya ito. Nagtungo sa Rome upang bumili ng mansion
at hanapin si Fernand at mga taong sangkot sa kaniyang pagkakulong. Ginamit niya ang
pangalang The Count of Monte Cristo upang sa gayon ay pag-usapan siya ng taumbayan at
mamangha sa kaniyang kayamanan. Lahat ng tao ay naakit sa taglay nitong misteryong buhay.
Nilamon si Dantes ng poot at galit, nakakalimutan na nitong maging masaya kahit na nasakaniya
na ang lahat kung kaya’t pinakealaman na siya ni Jacopo.Hindi gusto ni Jacopo ang nangyayari
kay Dantes kaya’t nagkasagutan ito at sinabing “Nanumpa ako na protektahan kita. Kahit na
nangangahulugan ito na dapat kitang protektahan mula sa iyong sarili”. Hindi nagbago ang isip
ni Dantes, itinuloy pa rin ang plano. Inisa-isa niya ang paghihiganti mula sa paghuli kay
Caderousse noong tinangka nitong magnakaw ng kayamanan ni Dantes. Pagpapakulong kay
Danglar kagaya ng paraan ng pagkakakulong sakaniya noon. Pahihiarapan at sasaktan din sa
prisinto. At kay Fernand, pagbawi kay Mercedes na noon pa man ay siya pa rin ang mahal at
ganun din siya. Nalugi sa sugal si Fernand at ipinangtaya ang lahat ng kanilang yaman. Ginamit
ito ni Dantes bilang kahinaan ni Fernand at sinilaw ito sa kaniyang kayamanan. Unti-unti nang
nararamdaman ni Fernand na buhay nga si Dantes at ang lahat ay bahagi ng paghihiganti.

Kalutasan
Alam ni Mercedes na si Dantes ang nasa likod ng katauhan ni The Count of Monte
Cristo, gumawa siya ng paraan para makapasok sa bahay nito. Nag-usap ang dalawa at uammin
din si Dantes na siya nga iyon. Ipinaliwanag ni Mercedes ang lahat ng nangyari at gayun din si
Dantes, lubos nilang hinanap ang pagmamahal na mayroon sila noon. Kinabukasan ay balak ng
sumama ni Mercedes kay Dantes para lumayo ngunit naabutan niyang nag-iimpake ng gamit si
Fernand dahil hinahabol na ito ng kaniyang mga pinagkautangan at ubos na rin ang kanilang
yaman. Hindi sumama si Merceds, inamin na hindi nito anak si Albert. Hindi na nagitla si
Fernand dahil alam niya iyon. Sa isang abandonandong lugar nagtungo si Fernand para kunin
ang kayamanan na pinlano nilang nakawin kay Dantes ngunit wala itong mga laman. Naabutan
siya roon ni Dantes, naglabanan ngunit pumagitan si Albert muntik ng mapaslang nito ang
sariling ama. Dumating si Mercedes at pinigilan ito, inamin na ama nito si Dantes. Bago pa man
makatakas si Fernand ay babarilin na nito si Dantes ngunit si Mercedes ang tinamaan, Nagharap
ang dalawa, sinubukang patayin ni Fernand si Dantes ngunit hindi ito nangyari, sa halip siya ang
namatay.

Wakas
Ang pagkakakulong, pagbabayad ng kasalanan at pagkamatay ng mga taong sangkot sa
pasakit na naransan ni ni Dantes ay kaparusahan lamang na dapat nilang maranasan. Itinatak ni
Dantes na ang paghihirap na kaniyang naranasan ay dapat lang din nilang maranasan.Malaya na
si Dantes, wala na nag poot at galit. Nagpasalamat siyang muli kay Busoni. Sa huli, pinili na
niyang maging payapa ang damdamin at magsimula ng bagong buhay kasama ang kaniyang
pamilya sa ibang lugar.

You might also like