Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
3. Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa
kwento.
4. Tunggalian-Ang tunggalian ay may apat na uri:
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili Tao laban sa lipunan Tao laban sa kapaligiran o kalikasan BUOD/PAGSUSURI SA LUPANG TINUBUAN ni Narciso Reyes Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may- akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. Ang ating susuriing kwento ay ang “LUPANG TINUBUAN” ni Narciso Reyes. Ang kwentong ito ay nagkamit ng parangal. Ang mga tauhan dito ay sina Danding, ang pangunahing tauhan, Juana at Tiyo Gorio. Isa si Danding, kasama ang kanyang Tiya Juana at Tiyo Gorio sa mga taong naroon na uuwi sa lalawigan upang makipaglibing sa kanyang Tata Inong na pinsan ng kanyang ama. Sa kanyang pag-uwi ay marami pala siyang mga kamag-anak sa Malawig. At doon niya nakilala ang kanyang mga di-kilalang kamag-anak. Isa nga sa mga kamag-anak niya ay si Lolo Tasyo. Nagkuwento ang matanda kay Danding tugkol sa knayang Ama. Masasabing nabibilang ito sa toeryang historikal sapagkat gumamit ang awtor ng flashback sa buhay ng isang tauhan sa kwento. Nabibilang iton sa teoryang historikal spagkat tumutukoy ito sa mga kwento ng isang matanda sa pinagdaanan ng ama ni Danding noong bata pa siya. ’Kaparis ka ng iyong ama,’ ’Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.’ Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.’ Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna- unahan niyang tula-isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo.’ Ang mga katagang iyan ang ginamit ng awtor upang magbalik-tanaw sa mga pangyayari sa kwento. Kung ating papansinin ang katagang ito: pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita ng isang tao o indibidwal. Para bagang isa itong karanasan ng isang tao. Ang mga ito ay masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog ng awtor. Naipakikita rin rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin kagaya ni Danding nabigyan ng linaw ang kanyanmg mha tanong tungko sa kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalungat sa bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. Dito na pumasok ang teoryang historikal dahil nabanggit ng may-akda ang kadakilaan ng ating mga bayani na si Rizal at Bonifacio. Hindi man deretsahang sianbi ng may-akda na nabuwis ng buhay ang dalawang bayani ginamit niya naman ang dugo upang maging simbolo sa katapangan ng mga ito