You are on page 1of 9

H.O.P.E. CHRISTIAN ACADEMY, INC.

Modyul 2.01
FILIPINO 10

WW Score PT Score
PANGALAN: ___________________________________
SEKSYON: _____________________________________
KAUKULANG PETSA: ___________________________

Alamin (Harapan 1)
Mga Layunin:
 Nakapagsusuri ng binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang
pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw.
 Naikapagbabahagi ng sariling opinyon o pananaw batay sa nabasang nobela.
 Nakapaglalarawan ng kultura ng mga tauhan na masasalamin sa akda.
 Nakagagamit ng mga pananda sa mabisang pagpapahayag.

Subukin
Ipaliwanag ang kaisipang “Sa pamamagitan lang ng puso nakikita ang mga bagay na mahalaga. Ang
pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mata.”
____________________________________________________________

Balikan
1. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon upang baguhin ang isang bahagi ng iyong katawan, ano ang
pipiliin mong ipapabago? Bakit?
____________________________________________________________________________________

2. Bakit kadalasan tayong mga tao ay mahilig manghusga sa katangiang pisikal ng ating kapwa? Sa
tingin mo, ano ang maaring makapagbago sa isang taong mapanghusga sa kapwa? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Tuklasin
Basahin natin.

Ang Kuba ng Notre Dame

Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang
mamamayan upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng
Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-
taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba ng
Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 1

niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na
iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya
ng mga taong naroroong nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang nagpupunyaging
makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa
panonood. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang nagtangkang manood ng
kaniyang inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang
paring si Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre
Dame na kasama niya.
Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda- ang
dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni
La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at
Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo
kung kaya’t nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng
hari sa pangunguna ni Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si
Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at magnanakaw na
bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy
ang pagbitay sapagkat handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas
lamang ang buhay ni Gringoire sa kamatayan.
Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at
pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa
kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na
ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng
kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa
kautusan ni Frollo-na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan
dahil sa utang na loob. Kasabay ng sakit na nadarama niya ay
ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa
kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan
siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya – na ang tanging gusto ay
lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda.
Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Samantala, sa di
kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng “hamak na
mananayaw” at “anak ng magnanakaw.”
Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala
ang bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas.
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat
ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni
Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si
Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang
marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na
magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at
nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding
pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon at
pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang
bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang
hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap
ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho
ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan
ng paglapastangan sa kapitan.
Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya
ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo.
Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin
din siya at magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 2

Esmeralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni
Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang
kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si
Phoebus ay nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at
tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan. Ilang sandali’y dumating si Quasimodo galing sa
tuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo
sa Katedral at tumatangis na isinigaw ang katagang “Santuwaryo”. Si Quasimodo ay napaibig kay La
Esmeralda nang araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang
tumulong sa kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung
paano itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng
dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling
ligtas hangga’t nasa katedral. Sa mga araw na magkasama
ang dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang
pangit na anyo ni Quasimodo. Di nagtagal, naging
magkaibigan ang dalawa.
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong
palaboy at magnanakaw – sila ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda . Naroon sila upang sagipin ang
dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda
sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda
kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni
Quasimodo. Habang nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya
ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang
mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si
Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni
Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot
ng kaniyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat.
Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok ng tore at
doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay
nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa kaniyang nasaksihan. Labis 3itto3ng ang
nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga.
Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot
na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa kaniya. Inihulog niya sa
kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal – si La Esmeralda. Habang
nakatitig 3itto3n ng buhay na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae akong
minahal.” Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo.
Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan
ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang katotohanan- nakayakap ang kalansay ng
kuba sa katawan ng dalaga.
Suriin
Ang nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos pang-aklat ang haba
na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo. Ito’y naglalahad ng isang
kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas.
Ang mga pangyayari sa isang nobela ay sumasalamin sa lipunan at kapaligirang ginagalawan ng
may-akda. Ang bawat tauhang pinagagalaw ng manunulat sa kanilang obrang nobela ay tatatak at may
pagkakakilanlan sa mambabasa. Ang realidad ng buhay ang ipinakikita sa akdang pampanitikan na ito,
walang halong piksyon.
Ang nobela ay tulad rin ng isang kuwento na may simula, gitnang pangyayari, kasukdulan,
kakalasan, at wakas. Bukod sa maayos na pagkakahabi ng mga salita, ito ay binubuo ng mga bahaging
nagpapalutang sa mga suliraning kinahaharap ng mga tauhan.

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 3

Ibalangkas ang mga pangunahing kaganapan sa kuwento.

SIMULA GITNA WAKAS

__________________________ _________________________ __________________________

Pagyamanin
__________________________ (Pag-aaral sa Tahanan
_________________________ 1)
__________________________

Gawain ______________
1 ______________________ ______________
Gamit ang balangkas na ginawa, ibuod ang kwento gamit ang 75-100 na mga salita.
___________________________________________________________________________________________

Pagtataya 1
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
1. Sino si Quasimodo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Bakit nakaranas si Quasimodo ng pangungutya mula sa kababayan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Paano itinuring ni Quasimod si La Esmeralda bilang isang babae?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Paano ipinadama ni Quasimodo ang pagmamahal kay La Esmeralda?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Ano ang naidudulot ng pangungutya sa kapwa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
6. Paano mo tutulungan ang isang indibidwal na nakararanas ng pangungutya? Paano mo ipadadama
sa kanya na siya ay minamahal pa rin sa gitna ng nararanasan niyang pangungutya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 4

Sa pananaw humanismo, sinasabing ang tao ang pinakasentro ng daigdig. Siya ang sentro ng
lahat ng bagay at ang Panginoon ang kanyang kapalaran. Ang pangunahing manipestasyon ng tao ay ang
pagkahulma ng kanyang kabuuan upang malaya siyang makapag-isip, makapagpahayag, at makakilos.
Ninais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan (legacy)
upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di
maikukubling kasaysayan.
Ang pananaw Humanismo ay nagtaglay ng sumusunod na mga katangian:
 Nasusulat sa wikang angkop na angkop sa akdang susulatin.
 Nagtataglay ng magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaaliw, at
nagpapahalaga sa katotohanan.

Gawain 2
Batay sa binasang teksto kaugnay ng pananaw humanismo, punan ang mga kahon sa ibaba
upang maipakita ang kaugnayan ng pananaw na ito sa sinabing buod ng nobela.

Ang Kuba ng Notre Dame

Ano-anong Ano-anong
mga katangian mga katangian
mayroon si ni Quasimodo
Quasimodo sa ang
pakikipagkap- nagpapahalaga
wa? sa
katotohanan?

Pagtataya 2

Sa sandaling pakikiraan ni Quasimodo sa daigdig ay nag-iwan siya ng

mahahalagang bakas na nagsasabing ang buhay niya ay naging makabuluhan.
Maglahad ng ilang mahahalagang panuntunan sa buhay na natutuhan mo mula
sa akda.

 ______________________________________________________
 ______________________________________________________
 ______________________________________________________

Pagyamanin(Harapan 2)
Tulad ni Quasimodo, paano mo magagawang makabuluhan ang buhay mo para
Gawain 3 kahit wala ka na’y maalala ka ng mga tao nang kaukulang paggalang at
pagmamahal?

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 5

Pagtataya 3
Ang mga sumusunod na pangyayari o diwa sa ibaba ay nagpapahayag ng maraming kultura, kaugalian,
at paniniwala ng mga sumambit ng kataga. Basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng bawat
pahayag. Ipaliwanag ang bawat isa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan para sa bawat isa.

1. “Para sa iyo, ako’y isa lang ding karaniwang alamid tulad ng daang libong iba pang alamid.
Subalit kung mapapaamo at magiging alaga mo ako ay kakailanganin natin ang isa’t isa. Sa
akin, magiging natatanging bata ka sa buong mundo. Sa iyo, magiging natatanging alamid
ako sa buong mundo.”
Paano mo maiuugnay ang pahayag sa ito sa relasyon mo sa isang taong malapit sa iyong puso?

______________________________________________________________________________

2. “Wala nang oras ang tao upang unawain pa ang ibang bagay. Burnibili sila sa mga tindahan ng
mga bagay na yari na. Subalit hindi makabibili ng pagkakaibigan sa alinmang tindahan, kaya
naman wala nang kaibigan ang tao. Kung gusto mo ng kaibigam paamuhin mo ako.”
Totoo ba ang pahayag na ito? ________________. Magbigay ng halimbawang magpapatunay
sa iyong sagot.

______________________________________________________________________________

3. “Makabubuti kung babalik ka sa parehong oras. Halimbawa, kung alam kong darating ka ng
ikaapat ng hapon, ikatlo pa lang ay mananabik na ako. Sa paglipas ng mga oras ay lalo akong
magiging handa. Makikita mo sa aking mukha kung gaano ako kasayang makita ka. Subalit kung
darating ka sa kahit na anong oras lang, hindi ko maihahanda ang puso ko para batiin ka.”
Sa paanong paraan naging totoo ang pahayag na ito?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

4. Sa pamamagitan lamang ng puso makikita ang mga bagay na mahalaga. Ang pinakamahalagang
bagay ay hindi nakikita ng mga mata.”
Anong mahalagang bagay sa ating buhay ang tinutukoy ng kaisipang ito na tanging puso lamang
ang nakakakita?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Mga Angkop na mga Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

Nakasalalay sa mabisang paglalahad ang pagiging malinaw ng mga pahayag. Sa ating wika,
may mga pananda o mga salitang ginagamit upang maging mabisa ang paglalahad ng mga pahayag o
maging interaksyunal.
Naririto ang halimbawa ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag:

1. Kung nais nating ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon, maaari
nating gamitin ang mga salitang:
a. una, pangalawa, pangatlo, nang

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 6

b. noon, pagkatapos
c. sumunod, samantala
2. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod:
a. dahil dito, bunga nito
b. resulta ng sa mga pangyayaring ito
c. kung gayon, samakatuwid
d. dulot nito, sa gayon
3. Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o kontradiksyon, maaaring gamitin ang mga
salitang:
a. sa halip na, sa kabilang dako
b. di tulad ng, sa kabilang banda
c. higit pa rito, sa magkatulad na dahilan
4. Kung ang nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin ang mga salitang:
a. kabilang dito, at saka
b. bukod dito, karagdagan dito
5. Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang sumusunod:
a. sa madaling salita, sa totoo lang
b. higit sa lahat, tunay na
6. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang sumusunod ay maaaring gamitin:
a. halimbawa nito, dagdag pa rito
b. bilang karagdagan, kabilang dito ang sumusunod
7. Mabisang gamit din sa malinaw na paglalahad ang mga pangatnig. May dalawang pangkat ang
mga pangatnig.
8. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay na makatatayong mag-
isa, tulad ng:
a. at, ngunit, ni datapwat
b. saka, pero, maging at iba pa
c. pati, subalit
9. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa, tulad ng:
a. kung, kaya, pag, kapag
b. dahil sa, kung gayon, palibhasa, sapagkat
c. at iba pa

Pagsasanay

Punan ang patlang ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari.

sa madaling sabi saka dahil kung bukod sa

Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na

kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada ’70 sa
ilalim ng Batas Militar. (1)______ isang babae, kumikilos siya bilang isang ina (sa limang anak na pulos
lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagaman tradisyonal, umiiral sa
pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin (2)______ kaya’t lumaki ang
kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. (3)______ 7 dito’y sumali sa
kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules, (4)______ naging makata at manunulat naman
si Emman, at nahilig sa musikang rock ‘n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang
pagiging US Navy bagaman taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. (5) ______ nanatiling matatag
ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 7

katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton ang sarili
bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan, at ng asawa.

Isaisip (Pag-aaral sa Tahanan 2)

Gamitin sa pangungusap ang mga panandang nasa ibaba.

1. bigyang-pansin:
______________________________________________________________________________

2. samakatwid:
______________________________________________________________________________

3. kasunod:
______________________________________________________________________________

4. sa umpisa:_____________________________________________________________________

5. siyang tunay: __________________________________________________________________

Isagawa
Punan ng angkop na mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag ang talata upang
mabuo ang diwa. Piliin ang tamang sagot sa kahon (Maaaring maulit ang kasagutan sa
ibang bilango.).

tunay na kabilang dito bukod dito

unang kabilang din ditto bunga nito ang
bilang karagdagan samakatuwid bukod
noong at saka dagdag pa rito
halimba nito ay sa kabilang banda

Maraming epiko ang kumalat sa buong mundo. Bawat bansa ay may (1) ____________ epiko.
Mababasa sa kasaysayan na ang (2) _______________ epiko na naisulat ay ang Epiko ni Gilgamesh. Sa
Europa (3) ______________ ang kasaysayan ng epiko sa Homer ng Gresya (4) _______________ 800
BC. (5)_________________ ang The Iliad and Odyssey. Ang mga kilalang manunulat ng epiko sa
Europa ay sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius. Ang estilo ng pagsulat ng epiko ay dactylic
hexameter. (6)_______________, hindi madali ang pagsulat nito. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang
panalangin sa isang musa (7) __________________ naglalaman ng masusing paglalarawan, mga
pagtutulad at talumpati. (8)_________________ ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng
The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay
maharlika. Sinasabing noong panahon ng Medieval, napakaraming epiko ang naisulat, (9)
_________________ ito’y madalas basahin. Ang bawat bansa ay nakalikha ng kanilang dakilang
manunulat ng epiko. Sa Italya, (10) ____________________ kay Virgil ay mayroon din silang Dante.
Ang kilalang epiko ni dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata
at pintor sa loob ng maraming dantaon, (11)_________________, si T.S. Eliot ay nagdala ng kopya nito
sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang The Divine Comedy ay dinisenyuhan ni Gustave Dore noong
ikalabinsiyam na siglo. Isa sa mga epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid
na kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar at sa French naman ay ang Chanson de
Roland na kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong
778. (12)___________________ ang dalawang epikong ito ay tungkol sa kabayanihan ng mga

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 8

pangunahing tauhan sa pakikidigma. (13) ____________________, may dalawang epikong German
naman ang nakilala sa buong mundo. Ito ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na siglong bersyon ng
Gospels sa Lumang Saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang (14) ___________________________ ay
kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen at Atila the hun, (15) ________________
ganda ng pagkakasulat ng mga ito, ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya sa literaturang German.

Pagtataya (Harapan 3)

Magsalaysay ng isang pangyayari sa tunay na buhay. Isaalang-alang sa pagsulat ang paggamit ng mga
pananda.

Sanggunian

Baisa- Julian, A., Del Rosario, M. G. G., & Dayag, A. M. (2020). Ikalawang Edisyon Pinagyamang
Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan Aklat 1. Phoenix Publishing House, Inc.

Maging, R. and Santos, M. (June 30, 2021) 9

You might also like