You are on page 1of 5

The Adventures of Perseus

Script. Written by: Shine Dungca

Narrator: Sa malawak na rehiyon ng Argolia, mayroong magkapatid ang naglalaban para sa trono na iniwan ng
kanilang yumaong ama.

*/ Fight Scene

Acrisius: Ako ang nagwagi!

Narrator: Si Acrisius ay ang itinanghal bilang hari habang ang kapatid niya naming si Proetus ay ipinatapon sa
malayong lugar.

Narrator: Naging masaya si Acrisius sa kaniyang pamumuno, ngunit hindi nito nagawang magbunga ng isang
lalaking supling na hahalili sa Kaniyang trono at tanging ang anak na babaeng si Princess Danae ang meron
lamang siya.

(Narrator: Nagsimulang mag-alala si Acrisius kung kailan nga ba siya magkakaroon ng anak ng lalaki at sa dahil
hindi ito mapakali ay nagtungo ito sa isang orakulo.)

*/ Act Scenes

Acrisius: Oh Orakulo! Sabihin mo saakin, Kailan ba darating ang anak kong lalaki?

Orakulo: Patawad mahal na hari, ngunit hindi ka itinadhana upang magkaroon ng anak na lalaki, bagkus
ang iyong anak na babaeng ang siyang magsisilang ng isang makisig na lalaki na siyang papatay say o sa
kaniyang pagtanda.

Acrisius: Hindi Maari!

Narrator: Dahil sa takot mula sa (balitang) narinig, Inutusan ng hari ang kaniyang mga kawal na ikulong ang
kaniyang anak na si Danae isa isang mataas na tore kung saan walang sinuman ang siyang makakaabt dito.

*/ Act Scenes

Acrisius: Ikulong siya sa tore!

Princess Danae: Ama! Huwag po! Ama!

Narrator: Ang pagkakulong ni Princess Danae ay nagdulot sa kaniya ng lubos na kalungkutan kaya naman araw-
araw ay nagdarasal ito sa kalangitan, na siya namang narinig ng hari ng mga Diyos na si Zeus.

*/ Act Scenes

Princess Danae: Oh kalangitan! Sana’y dinggin mo ang aking kahilingan, bigyan niyo ako ng daan upang
makababa sa toreng itong walang hanggan.

Zeus: Kay gandang dalaga nagluluksa, nararapat lamang na ma-angkin ko siya.

Narrator: Nahumaling ang Diyos ng kalangitan sa Prinsesa, kaya’t ito’y nag-anyong gintong ulan na siyang
bumuhos sa magandang katawan ng dalaga.
Narrator: Ang pangyayaring ito ay nagbunga ng pagkabuntis ng Prinsesa at isinilang nito ang anak ni Zeus na si
Perseus, ngunit ang pagkasilang ni Perseus ay hindi naging magandang balita para kay Acrisius, agad nitong
naghanap ng paraan upang mapatay ang sanggol kahit na isakripisyo pa nito ang kaniyang sariling anak.

*/ Act Scene

Acrisius: Kalapastangan! Ano’t paanong nagbuntis ka mula sa toreng iyon?!

Acrisius: Ang batang iyan ay anak ng walanghiyang Proetus na iyon Ano?! Ikaw Prinsesa ay nagtaksil sa
sarili mong hari at ama, at ang sanggol na iyan ang pruweba, nararapat lang na ikaw ay aking ipatapon!

Prinsesa Danae: Ama! Hindi po totoo iyan! Huwag niyo pong gawin saamin ito!

Narrator: Ang Prinsesa ay pinasakay sa isang maliit na arko kasama ang anak nito at walang kahit na anong
ipinatapon sa malawak na karagatan.

Narrator: Ilang araw nagpalutang-lutang ang arko at ang prinsesa ay naghihintay na lamang ng kamatayan ng
kanilang anak, ngunit ang pangyayaring ito ay hindi hahayaan ng tadhana.

Narrator: Sa utos ni Zeus kay Poseidon ay ipina-anod nito ang arko papunta sa lugar ng Seraphius kung saan ay
nakita sila ni Dictys and kapatid ni Haring Polydectes na mangingisda.

*/ Act Scene

Dictys: Anong ginagawa niyo sa arkong ito?!

Danae: Maraming salamat at niligtas mo kami ginoo.

Narrator: Ang mabait na mangingisda ay ang siyang kumupkop sa mag-ina at itinuring na rin nito na parang
sariling tunay na anak si Perseus. Lumaki si Perseus bilang isang makisig at malakas na binata.

Narrator Isang araw ay mayroong kasiyahan sa Palasyo kung saan imbetado si Dictys at isinama nito ang
kaniyang mag-ina na si Danae at Perseus.

Narrator: Ang hari ay nahumaling kay Danae ngunit napansin nito na palaging nakabuntong ang anak nitong si
Perseus kay Danae kaya’t hindi niya magawang pagtangkaan ito.

Narrator: At Dumating na ang sandali kung ang saan ang mga bisita ay mag-aalay ng regalo kay Haring
Polydectes. Maraming hinandugan siya ng magagarang damit at mamamahaling alahas, ngunit si Perseus
lamang ang siyang naghandog ng kakaibang regalo sa hari.

&/ Act Scene

Perseus: hindi ako mayaman kaya wala akong alahas o anumang mahalaga bilang isang regalo ngunit
gusto ko ialok sa iyo ang ulo ng halimaw na si Medusa kung iyon ay nakalulugod sa iyo.

(Narrator: Gustong tawanan ng hari Si Perseus at patigilin, ngunit naisip niyang ang alok ni Perseus ay isang
oppurtinidad para maangkin nito ang si Danae.)

Haring Polydectes: Malakas ang loob mo binate, kung ganon at iyan ang siyang nais mo, gawin mo ito at
siguraduhin mong magtatagumpay ka sa iyong paglalakbay.

Narrator: Tumayong matatag sa hamon si Perseus at kinabukas rin ay agad-agad itong umalis para maglakbay
patungo kay medusa at paslangin ito.

Narrator: Ilanga raw nagpalakad lakad si Perseus, naghahanap ng mga ebidensiya kung nasaan naparoroon ang
halimaw na si Medusa ngunit wala siyang nahanap na kahit ano.
Narrator: Ngunit pabor ang mga Diyos kay Perseus kaya’t pinadala nito sa kaniya si Hermes upang bigyan ito ng
payo.

*/ Act Scene

Hermes: Ang iyong tapang at husay ay hindi sapat upang mapatay mo ang nilalang na si Medusa,
kinakailangan mo ng mga espesyal na kagamitan para magtagumpay ka sa iyong misyon.

Hermes: Ang mga kagamitan na iyon ay nasa pangangalaga ng mga nymphs ng hilaga, ngunit ang
kanilang pinaroroonan ay hindi alam ng kahit sino man bukod sa “Graea Witches”. Puntahan mo sila at
alamin ang lokasyon ng mga nymphs.

Narrator: Sinamahan ni Hermes ang binate papunta sa kweba ng Graea Witches at bago ito pumasok ay binigyan
niya ito ng espesyal na espada na gawa ni Hephaestus kaya hindi ito nawawalan ng tulis.

Narrator: Sa loob ng madilim na kweba ay nahagilap ni Perseus ang Graea Witches, tatlo sila ngunit naghahati sa
iisang mata.

Narrator: Alam ni Perseus na hinding-hindi ibibigay ng mga ito ang pinaroroonan ng nymphs ng walang kapalit,
hindi niya rin pwedeng gamitan ng karahasan ang mga ito sapagkat sila ay immortal, kaya’t nag-isip siya ng
paraan kung paano niya mapipilit na ibigay ng mga ito ang gusto niya malaman.

Narrator: Nakahanap ng pagkakataon si Perseus upang malusutan ang magkakapatid at kinuha nito ang kanilang
nag-iisang mata.

*/ Act Scene

Graea: Ibalik mo yan saamin ngayundin!

Perseus: Ibabalik ko lamang ang mata ninyo kung ibibigay niyo saakin ang lokasyon kung nasaan ang
mga nymphs. Kung ayaw niyo naman ay magiging walang hanggang ang paptitiis niyo sa kadiliman.

Narrator: Matapos sabihin ng mga ito ang lokasyon ng mga nymphs aya agd din namang binalik ni
perseus ang kanilang mata at umalis na.

Narrator: Ang lokasyon na binigay sa kaniyan ng Graea witches ay dinala siya sa bansa ng Hyperboreans kung
saan hindi kailanman lumulubog ang araw. Dito ay nakatira ang nymphs ng hilaga at hindi na siya nahirapan
hanapin ang mga ito.

Narrator: Ang pagdating Perseus ay inaasahan na ng mga nymphs at kaya’t sinalubong ng mga ito si Perseus sa
paraan ng wastong pagtanggap sa anak ni Zeus. Dala-dala ng mga ito ang espesyal na kagamitan na
kinakailangan ni Perseus upang mapaslang si Medusa.

Narrator: Ang unang regalo ay ang may pakpak na sapatos na katulad ng kay Hermes, ang pangalawang regalo
naman ay ang helmet ni Hades na siyang magbibigay sa kaniya ng invisibility, at ang panghuli ay ang bag na
gawa sa especial na sinulat upang maging lagayan ng kaniyang tropeo.

Narrator: Ngunit hindi inaasahan ay dumating ang Diyosa ng Karunungan na si Athena at ibinigay sa kaniya ang
shield nito na kung dati rin ay nanggaling ka Zeus.

Narrator: Ngayong kumpleto na ang mga kagamitan na kinakailangan ni Perseus ay nagpatuloy na siya papunta
sa pinaroroonan ni Medusa.

Narrator: Sa pagdating niya sa taguan ni Medusa ay ilang mga estatwang mandirigma ang kaniyang
nakasalubong; Ang ikinagulat ni Perseus ay ang dalawang gorgon na natutulog, ito ay si Stefano at Uriel na
siyang kapatid ni Medusa.
Narrator: Gamit ang helmet ni Hades ay nilagpasan ni Perseus ang dalawang kapatid ni Medusa at nagtungo na
sa loob. Naramdaman ni Medusa ang pagdating ni Perseus ngunit hindi ito sigurado pagkat wala siyang makita.

*/ Act Scene (Fighting)

Narrator: Dala-dala ang ulo ni Medusa ay ginamit ni Perseus ang May pakpak na sapatos ni Hermes upang
umalis sa lugar na iyon.

Narrator: Sa kabilang banda naman, ilang araw bago ang pagpaslang ni Perseus kay Medusa, sa hukuman ni
Haring Cepheus ang mapagmalaking asawa niyang si Cassiopeia ay ipinagyayabang ang kanilang anak na si
Andromeda.

*/ Act Scene

Queen Cassiopiea: Masdan niyo ang kagandahan ng aking anak! Ang kaniyang kagandahan ay wlang
kapantay at kung tutuusin ay mas hihigit pa sa mga nereids.

Narrator: (Lingid sa kaalaman ng reyna na) si Amphitrite ang asawa ni Poseidon ay isa ding Nereids. Ito ay
nagalit sa sinabi ng reyna kaya’t nagsumbong siya sa kaniyang asawa.

*/ Act Scene

Amphitrite: Ang lakas ng loob ng isang mortal sabihin na mas nakakataas saakin ang isa ding walang
kwentang mortal!

Narrator: Bilang parusa sa mga binanggit na salita ng Reyna ay nagpadala siya sa kaharian nila ng mga
malalaking alon na kayang sirain ang kanilang buong kaharian.

Narrator: Takot, naghanap ng paraan sila Haring Cepheus upang mapigilan ang sakuna, at mayroong orakulong
nakahanap sa kanila.

*/ Act Scene.

Orakulo: May paraan pa upang mapakalma ang galit ng mga Diyos at Diyosa ngunit hand aba kayong
gawin ang lahat upang mailigtas ang inyong kaharian?

Cepheus: Ano pa yan ay gagawin ko! Sabihin mo saakin orakulo, paano maliligtas ang kaharian ko.

Orakulo: Isakripisyo niyo ang inyong anak na babae at ihandog niyo siya sa halimaw ng dagat na si
Cetus.

Narrator: Bagama’t nalulungkot ang hari’t reyna sa kahihinatnan ng kanilang anak ay hindi sila nagdalawang isip
na isakripisyo ang kanilang anak para sa kapakanan ng kanilang kaharian

*/ Act Scene

Cepheus: Makinig ka saakin Andromeda, mahal na mahal ka naming anak ko. *bigla siyang
dadamputin*

Andromeda: Ama! Wag po! Ama!

Narrator: Dumating na ang araw kung saan kinakailangan ng isakripisyo ng kaharian si Andromeda. Itinali nila sa
bato ang mga kamay ni Andromeda at hinintay ang pagdating ng halimaw na si Cetus.
Narrator: Sa pagdating ni Cetus ay sabay ng hiyawan ng tao, pinaghalong takot at pagkamangha sa malaking
nilalang ng dagat. Nang akmang kukunin na ng nilalang si Andromeda ay ang pagdaan ni Perseus.

Narrator: Nakita ni Perseus ang nakataling si Andromeda at naisipang tulungan ito, Nilabanan niya ang nilalang
na si Cetus.

*/ Fight fight! Hehe

Narrator: Nang matapos mapaslang ni Perseus ang nilalang ay pinakawalan niya kaagad ang Prinsesa.

Narrator: Bilang pasasalamat ay ibinigay ni haring Cepheus ang kaniyang anak na si Andromeda bilang
mapangasawa nito, at sa panahon ding iyon ay kinasal na sila.

Narrator: Kasama ang kaniyang asawa na si Andromeda, naglakbay na pauwi ng Seraphius sina Perseus.

Narrator: Maraming tao ang nagulat sa kaniyang pagdating sa kanilang bayan sapagkat walang nag-akala na
makakabalik pa ng buhay ang bayani.

Narrator: Hinanap ni Perseus ang kaniyang ina ngunit nabalitaan niya na ito pala ay pinagtangkaang angkinin ng
kanilang hari, ikinagalit itong lubos ni Perseus kaya’t mabilis siyang nagtungo sa papunta sa palasyo.

Narrator: Nabalitaan ng hari ang pagdating ni Perseus sa kanilang palasyo kaya bago pa siya nito maabutan mag-
isa ay pinalibutan na niya ang kaniyang sarili ng mga guwardiya upang protektahan siya.

*/ Fight Fight ulit.

Narrator: Nang mapaslang ni Perseus si Haring Polydectes ang pumalit dito bilang hari ay ang kapatid nitong si
DIctys, na naging isang mahusay at tapat na Hari.

Narrator: Kumalat ang kabayanihan ni Perseus at siya’y tiningala ng mga tao, nang marinig ito ni Acrisius ay
nagtago ito ngunit isang araw, nang makipaglaban si Perseus sa isang kumpetisyon ay ibinato nito ang kaniyang
shield at tumama iyon kay acrisius na ikinamatay niya.

Narrator: Ang ulo ni Medusa ay inihandog ni Perseus kay Athena at pagkatapos nito ay namuhay na sa Seriphius
si Perseus kasama ang kaniyang asawa at sila’y biniyayaan ng isang anak na lalaki.

THE END

You might also like