You are on page 1of 1

Daedalus at Ikarus

Si Daedalus, isang sikat na arkitekto, imbentor at kahanga-hangang dalubhasa


ng kasanayan ay kilala sa mga naimbento niyang mga bagay. Siya ay may isang anak
na si Ikarus. Kasama sa maraming imbensyon ni Daedalus ay ang kahoy na baka na
ginawa niya para kay reynang Pasiphae, at ang labirint ng Minotaur sa Knossos sa isla
ng Creta.
Noong si Daedalus ay naninirahan pa sa Athens, nagkaroon siya ng aprentis na
si Perdix (may mga nagsasabi din na si Talos), ngunit sa takot na mas mahuhusayan pa
siya ng aprentis niya, tinulak niya ito sa isang bundok ng Acropolis, subalit nailigtas ni
Athena si Perdix.
Si Daedalus ay pinalayas sa Athens dahil sa ginawa niya at siya ay lumipat sa
isla ng Creta. Nagsimula magtrabaho si Daedalus kay haring Minos at reynang
Pasiphae sa isang palasyo sa Knossos.
Ang reyna ay nagpagawa ng kahoy na baka kay Daedalus na gagamitin upang
maakit niya ang isang toro.
Nang malaman ni haring Minos ang pangyayari, nagpagawa siya ng isang
labirint kay Daedalus upang magsilbing kulungan para sa kalahating tao at kalahating
toro na si Minotaur. Ngunit dumating ang isang bayani na si Theseus upang patayin ang
nilalang na si Minotaur sa tulong ni Daedalus at siya’y naging matagumpay sa kanyang
layunin. Nagtanan si Theseus kasama si Ariadne, ang anak ni Minos at Pasiphae.
Ang hari ay nagalit dahil sa pagkawala ng kanyang anak kaya’t ipinakulong niya
si Daedalus sa labirint kasama ang anak na si Ikarus.
Upang makatakas, si Daedalus ay bumuo ng dalawang pares ng pakpak mula sa
mga balahibo ng ibon at waks mula sa kandila. Sinabihan niya si Ikarus na huwag
lumipad ng malapit sa araw dahil matutunaw ang waks sa pakpak at huwag
naman lumipad malapit sa tubig dahil mababasa ng pakpak at bibigat. Sila
ay lumipad mula sa labirint at dahil sa lubos na katuwaan ni Ikarus sa
paglipad, siya ay tumaas ng tumaas at napalapit sa araw kaya’t ang waks
sa kanyang pakpak ay lumambot at natunaw na naging sanhi ng kanyang
pagkahulog at pagkamatay. Si Daedalus ay nalungkot sa pangyayari at
nagkaron ng lubos na pagsisisi sa kanyang nagawa.

You might also like