You are on page 1of 4

ANG SIMULA NG SIBILISASYON

MESOPOTAMIA Lupain sa dalawang ilog, ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates Ang bansang Iraq sa kasalukuyan Bahagi ng rehiyong Fertile Crescent

FERTILE CRESCENT Kinabibilangan ng sinaunang Phoenicia, Syria, Palestina at Mesopotamia Tinawag na Fertile Crescent ni James H. Breasted dahil mataba ang lupang matatagpuan sa rehiyong ito na korteng crescent Nagsisimula sa lambak at sumasakop sa kahabaan ng baybayin ng Dagat Mediterranean hanggang Ehipto

SUMERIA Unang mga tao na nanirahan sa Mesopotamia Pinaniniwalaang nanggaling sa Iran at dumating sa Sumeria bago 5000 BK Pagsasaka at pag-aalaga ng hayop Manggagawa at mangangalakal Gumamit ng tanso Sumasamba sa maraming diyos (polytheism) Bumagsak dahil sa pag-aaway-away ng mga lungsod-estado

MGA NAIAMBAG Nagtayo ng 12 lungsod-estado Naimbento ang paggawa ng gulong Nagtayo ng paaralan Nagbuo ng unang prinsipyo ng matematika Lumikha ng kalendaryo batay sa pagkilos ng buwan Nagtayo ng Ziggurat Gumamit ng cuneiform

AKKADIA Sumunod na namuno sa Sumer Noong 2350 BK, sinakop nila sa pamumuno ni Sargon I (Sargon the Great) ang bayan ng Sumer Itinatag ang imperyo ng Akkadia Pinalawak ang nasasakupan mula sa Golpo ng Persia hanggang sa dagat ng Mediterranea Ginamit ni Sargon ang mga kaalaman ng mga Sumerian sa pagpapatakbo ng imperyo Tumagal ng 100 taon ang paghahari BABYLONIA (Gate of the Gods) Itinatag sa pamumuno ni Hammurabi Ginamit ang kaalaman at ilang kultura ng Sumerian Kodigo ni Hammurabi - natagpuan ni Gustave Jequier Ipinakilala ang diyos na si Marduk ASSYRIA Mababangis at propesyunal na sundalo Pinaunlad ang kultura, pagsasaka, kalakalan at ekspedisyong militar Hinati ang imperyo sa probinsya Sinakop niya ang Syria, Babylonia, Ehipto at Palestina Ng namuno si Senacherib. Inilipat niya ang kabisera ng Assyria sa Nineveh mula sa Assur Pinakahuling namuno si Assurbanipal Nagtayo ng malaking aklatan sa kanyang palasyo sa Nineveh na siyang itinuturing na kauna-unahang aklatan sa daigdig Humina ang pwersa hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa mga Chaldean noong 609 BK CHALDEA (Ang Bagong Babylonia) Si Nebuchadnezzar ang naging tanyag na pinuno Sinakop ang Sumer, Assyria, Damascus, Palestina at Ehipto 30 taon pagkamatay ay napailalaim ang Chaldea sa Persia na siyang naging hudyat ng pagtatapos ng imperyo

MGA NAIAMBAG Pinaunlad ang pagbilang at paggamit ng numerong 60 Hinati ang 1 oras sa minuto at 1 minuto sa 60 segundo Hinati ang bilog sa 360 digri Pinag-aralan ang galaw ng bituin Nagtayo ng mga gusali kabilang na ang Hanging Garden of Babylon PERSIA Sumakop sa Chaldea noong 547 BK sa pamumuno ni Cyrus the Great Itinatag ang imperyo ng Persia (Iran ngayon) at ginawang kabisera ang Ecbatana Lumawak ang imperyo mula sa India hanggang Ehipto Sumunod na namuno ang anak na si Cambysses Pinalitan ni Darius I Sumasamba sa maraming diyos (Polytheist) Ipinakilala ni Zarathusta ang Zoroastrianismo Ahura Mazda o Ormazyd: diyos na kalinisan at katotohanan Ahriman: diyos ng kasamaan at kadiliman Zend-Avesta: bibliya ng Zoroastrianismo Sagrado ang samahan ng pamilya sa Persyano. Mataas ang pagkakakilala ng mga ito sa mga anak na lalaki

Sa kabuuan; SIMULA NG SIBILISASYON 1. Mesopotamia a) Sumeria b) Akkadia c) Babylonia d) Assyria e) Chaldea f) Persia

You might also like