You are on page 1of 20

Mga

Sinaunang Kabihasna
n sa Daigdig
Inihanda ni:
Krissha Jaine T. Laurente
Ang Konsepto ng Sibilisasyon at Kabihasnan

• Sibilisasyon
Hango ito sa wikang Latin na civitas na nangangahulugang
'siyudad'.
Tumutukoy ang sibilisasyon sa pamumuhay sa mga kalunsuran.

• Kabihasnan
Mula sa terminong 'bihasa' nangangahulugan itong 'may sapat
na kasanayan' o 'mahusay sa isang bagay'.
Mga Sinaunang Sibilisasyon sa Mesopotam
ia
Fertile Crescent – isang lupain na hugis-buwan.
• Pinangalanan ni Professor James Breasted.
• Naglakbay ang mga tao papunta rito dahil sa panahon,
 digmaan at pagdami ng populasyon.
• Marami sa kanila ay nanirahan sa Mesopotamia.
Mesopotamia – “lupain sa pagitan ng 2 ilog” (Tigris at
Euphrates)
Hango ang terminong "Mesopotamia" sa mga salitang
Greek na "meso" o "pagitan" at "potamos" o "ilog".
Sumerian

• Mula sa Asia Minor at kalaunan ay


nakilala bilang Sumer. 
• Nakapagtayo sila ng 12 na lungsod-
estado (City-states) 
• Bawat lungsod-estado ay may Patesi
(paring-hari) na siyang tumatayong
pinuno, kumander at punong-pari. Ito
rin ang tumatayong diyos sa
tagapamagitan sa mga tao at diyos. 
• Ziggurat
Ito ay templo na gawa sa pinatuyong laryo.
- Ito ay hugis piramide na may ilang palapag.
Sa ibaba nito ay tahanan ng mga pari at tindah
an para sa mga mangangalakal.
• Cuneiform – sistema ng kanilang pagsulat. 
Ito ay mga kuwadradong tablet na hango sa
putik. 
Ibinibilad nila ito sa araw at pinapatuyo. 
Ginagamitan ito ng stylus bilang panulat. 
Nadiskubre ito ni Pietro Della Valle. 
Nagawa itong mabasa sa pamamagitan ng
Behistun inscription ng Persia.
(Behistun Rock)
• Ang mga Sumerian ay nakapagpatayo rin ng mga paaralan upang
hubugin ang mga ito sa pagsulat gamit ang Cuneiform. Madalas na
nakakapag-aral ang mga anak ng mga opisyal sa kanilang lipunan. 
Akkadian
• Hindi matibay ang pundasyon ng pamahalaan ng mga
Sumerian kung kaya’t madali silang nasakop ng mga
Akkadian. 
• Pinangunahan ni Haring Sargon ang Akkadian na siya
ring kauna-unahang naging emperador at imperyo. 
• Nagtagal ito na halos isandaang taon. 
Haring Sargon – ayon sa isang alamat, siya ay anak ng
isang babaeng pari na inabandona at napulot ng
manggagawa sa palasyo. 
• Kinupkop at sinanay siya bilang hardinero. 
• Naging “Cup Bearer” siya ni Haring Ur-Kababa noon. 
Babylonian / Amorite
• Nasakop ang Sumerian at Akkadian ng higit pang mas malakas sa kanila at
ito ay ang Babylonian. 
• Pinamumunuan ito ni Hammurabi. 
• Hammurabi – kinodipika at hinango niya ang mga batas ng Sumerian at
ginawa itong Kodigo ni Hammurabi. (“mata sa mata; ngipin sa ngipin”). 
• Isinagawa rin nila ang Trial by Ordeal kung saan kailangang dumaan sa
pagsubok ng isang nasasakdal upang malaman kung may sala ito o wala. 
Assyrian
• Ang grupo ay nasakop ang Damascus, Palestina at  ang
Delta ng Lower Egypt. 
• Pinangunahan ito ni Tiglath-Pilaser. 
• Gumamit sila ng dahas at takot sa pananakop. 
• Maayos ang pamamalakad ng mga Assyrians maging sa
gobyerno. Nagtalaga sila ng mga tagapagkolekta ng
buwis para mapanatili ang kaayusan at makapagpatayo
ng mga estruktura. 
• 4 na Dakilang Pinuno: Sargon II, Sennacherib,
Esarhaddon at Ashurbanipal. 
• Ashurbanipal – siya ang nagpagawa ng silid-aklatan na
may 200000 na tabletang luwad sa Nineveh. 
Chaldean
• Ito rin ay kilala bilang “Bagong Babylonia”. 
• Nebuchadnezzar – siya ang nanguna sa pangkat at
namahala. 
• Nasakop niya ang halos buong Fertile Crescent,
nakuha ang Jerusalem at ang lungsod ng mga
Phoenician na Tyre. 
• Pinaayos niya ang Babylonia at pinaganda maging
ang ziggurat na templo ni Marduk at nagpagawa
siya ng magarbong palasyo at pinuno ang terrace
ng bulaklak saka pinadaluyan ng bulaklak na
tinatawag na “Hanging Gardens of Babylon” para
sa kaniyang asawa. 
Persiano
• Grupo ng mga Aryan na nanirahan noon
sa Silangang Mesopotamia. 
• Pinamunuan ito ni Cyrus the Great at
sinakop ang kalapit lugar nito.
• Darius – nagpalawak ng imperyo dahil
sa pagsakop sa India at Egypt maliban
sa Greece dahil sa pagkatalo ng
kaniyang anak na si Xerxes. 
• Koreo System – ginamit nila ito upang
mapag-isa ang imperyo. (Postal
System) 
Cyrus the Great Darius the Great
• 1,200 na Royal Road at may 80 na
istasyon ang mga mensahero. Gumamit
din sila ng isang uri ng pera at
panimbang. 
• Satrapy / lalawigan – hinati nila sa 20
na lalawigan ang imperyo na
pinamumunuan ng satrap
(gobernador). 
• Zoroastrianismo – ang mga tao ay may
kakayahang pumili ng masama sa
mabuti. 
• Ahura Mazda –
pinakamakapangyarihang diyos at para
sa kabutihan. 
• Ahriman – masamang espiritu at
kumakatawan sa kadiliman. 
Click to add text

Zoroastrianismo Ahura Mazda Ahriman


Hittite 
• Sinaunang tao mula sa Asia Minor
at Syria. 
• Nakilala sila sa horse-drawn
chariot at nakatuklas ng pagtunaw
ng bakal at ginawang pang-armas.
Lydian 
• Nagmula sila sa rehiyon ng Anatolia (Turkey). 
• Sila ay naging tanyag dahil sa paggamit ng barya.
Phoenician 
• Nakilala sila bilang magagaling na manlalayag
mula sa rehiyong Levant (Lebanon) 
• Sila ang bumuo ng alpabeto na ponetika
(Phonetic), kung saan ang mga tunog ng mga
salita o titik ay may kaagapay na simbolo. 
• Sila rin ay gumamit ng ibang sistema ng pagsulat
o pictograph.
Hebreo 
• Ito ang sinaunang Israelita. (Israel “The
Chosen One”) 
• Nahahati sila sa 12 na tribo at
nanirahan sa Canaan.

You might also like