You are on page 1of 3

Mga Sinaunang Kabihasnang Asyano ng Fertile Crescent

 Fertile Crescent – nakalatag na matabang lupa sa pagitan ng Tigris at Euphrates.


- Nakalatag ng paarko mula Persian Gulf hanggang Mediterranian Sea.
 Mesopotamia – lupain sa pagitan ng ng dalawang ilog
 1. SUMERIAN – sinaunang pangkat ng tao na nanirahan at nagtatag ng lungsod – estado sa Sumer.
 Ur - pinakamatandang lungsod – estado na nalinang ng mga Sumerian.
 Theocracy – pamahalaan ng mga Sumerian. Ito ay pamahalaang nasa ilalim ng pamumuno ng
simbahan.
 Patesi – pinunong pari, tagapangasiwa ng pagpapagawa ng irigasyon ng tubig at iba pang
proyekto, pinakamakapangyarihang tagapamagitan ng tao sa kanilang diyos.
 Apat na Antas ng tao
1. Pari at hari – pinakamataas
2. Artisano
3. Mga magsasaka – ikatlong antas
4. Mga Alipin - pinakamababa
 Polytheism – uri ng pananampalataya ng mga Sumerian, pananamplataya sa higit sa iisang diyos
 Mga Diyos
 Anu – diyos ng kalangitan
 Enlil – diyos ng ulap at hangin
 Ea – diyos ng tubig at baha
 Ziggurat – itinayo upang payapain ng mga diyos
- Templong tore (piramide) , may temple sa tuktok kung saan nagdaraos ng pag aalay ng
kambing at tupa.
- Matatagpuan sa sentro ng pamayanan
 Cuneiform – sistema ng pagsulat na nilikha ng mga Sumerian
- pinakaunang uri ng pagsulat, binubo ng 500 pictograph at mga simbolo na nasa tabletang
luwad gamit ang stylus.
 Ang mga Sumerian din ang unang lumikha ng tanso at unang gumamit ng gulong.
 Unang gumamit ng kalendaryong lunar, binubuo ng 13 buwan.
 sistema ngalgebra at sexagesimal system kung saan nakabatay sa 60 ang oras, minute at
Segundo.
 2. AKKADIAN – pangkat ng mga Taong Semitic na pinamumunuan ni Sargon.
 Sargon – kauna – unahang dakilang pinuno sa kasaysayan ng pangkat Semittic.
- Unang nagtatag ng kauna- unahang imperyo sa daigdig
- Pumuksa sa Sumerian sa ilalim ni Lugal-zaggisi
 Imperyo – pinnag- isang pangkat ng mga kaharian sa ilalim ng kapangyarihan ng iisang hari o
monarko
 Elam – timog – kanlurang Iran sa kasalukuyan
 Naram – sin – apo ni Sargon na siyang pumalit sa kanya nang siya ay mamatay
- itinanghal na “Hari ng Ikaapat na Bahagi ng Daigdig”
 3. BABYLONIAN – pangkat ng mga taong Amorite.
- Nagging tanyag sa pamumuno ni HAMMURABI.
 Hammurabi – nagpagawa ng mga kanal, dike, palasyo at temple
- Pinakamahagang ambag niya ay ang “Kodigo ni Hammurabi”
 “Kodigo ni Hammurabi” –naghahayag ng mataas na batayang alituntuning pampamahalaan
- Nakasulat sa tableta
- Tampok ditto ang paraan ng pagpaparusang naaayon sa prinsipyong Lex Talionis o
“mata sa mata at ngipin sa ngipin”
 Marduk – kinikilalang pangunahin at pinakamakapangyarihang diyos.
 4. HITTITE – nilusob nila ng Babylonia noong mamatay si Hammurabi noong 1530 BCE.
- Unang pangkat na gumamit ng sandatang bakal sa pakikidigma
- Gumagamit ng sandatang bakal, bihasa sa pangangabayo, at gumagamit ng karwahe
- Nakapaglinang ng sariling batas
- Ayon sa kanilang batas, ang sukdulang kaparusahan ay inilalaan lamang sa
pinakamabigat na pagkakasala
 5. ASSYRIAN – kabilang sa nandayuhang Semitikong pangkat
- Nakidigma sa kalapit na lungsod – estado upang mapanatiling bukas ang kanilang
daanang pangkalakalan
- Pinakamalupit, pinakamabagsik at pinakamapanghamok sa lahat ng sinaunang pangkat
ng tao
 Assur – lungsod – estado at sentro ng kabihasnang Assyrian
 Ang kultura ay pinaghalong Sumerian at Babylonian
 Ang wika ay nakasulat sa cuneiform
 Ang relihiyon ay naggaling sa Sumerian at ibinilang si Ashur (pangunahing diyos)
 Sila ang nagpasimula ng pinakamabisang sistema ng pamahalaan sa daigdig
 Tiglath – Pileser I –kauna – unahang mandirigma ng Assyrian
 Assurbanipal – isa sa mga pinunong pumalit kay Tiglat Pileser nang siya ay mamatay,
- Pinakatampok dahil higit pa niyang napalawak ang Imperyong Assyrian
- Kinilala bilang malupit at marahas ngunit mahusay na administrador
- Sa pamumuno niya ay natamo ng Assyrian ang tugatog ng kapangyarihan at tagumpay
 Nineveh – kabisera ng Assyrian
- simbolo ng kalupitan at katayugan ng mga Assyrian
 6. CHALDEAN – tumalo sa Assyrian katulong ang mg Indo – European at Medis sa pamumuno ni
Nabopolassar (isang rebeldeng gobernador ng Babylonia)
 Nebuchadnezzar – pumalit kay Nabopolassar at pinakatanyag na pinuno ng mga Chaldean
- sa pamumuno niya, nilusob ng Chaldean ang Jerusalem
- nagpaggawa ng Hanging Gardens (Isa sa Seven Wonders of the Ancient World sa
kasalukuyan)
 Babylonian Captivity - Binihag ng mga Chaldean ang libo – libong Jews at dinala sa Babylonia
bilang mga alipin
 Stargazers of Babylon – tawag sa mga Chaldean dahil sa pagkahilig nila sa astronomiya
 Zodiac signs – nagmula sa mga Chaldean
 7. PERSIAN – nagmula sa lupaing Persia(Iran)
 Cyrus the Great – unang namuno sa Persian
- Natamo ang paggalang ng nasasakupang dahil sa mapagbigay at mapagpaubayang
pamamaraan ng pamumuno
- Nagpairal ng pantay na pagpapatupad ng batas
- Pinalaya niya ng mga Jew
 Cambyses – anak ni Cyrus the Great na pumalit na pinuno nang siya ay mamatay
- Nagdugtong sa Egypt sa imperyong Persian
 Darius the Great – pumalit kay Cambyses sa pamumuno
- Mas pinalawak niya ang imperyo kung kayat kinilala ang Persian bilang
pinakamakapangyariang imperyo
- magaling at bihasang tagapangasiwa ng imperyo
- tinaguriang “Hari ng mga Hari”
 Royal Road – lansangang nagmumula sa lungsod ng Susa sa Persia hanggang sa Sardis ng
Anatolia
 Satrapy – paghahati – hati ng imperyo sa dalwampung lalawigan
 Satrap – namumuno sa lalawaigan
 Gumamit ang mga Persian ng mga barya o coinage na yari sa ginto at pilak upang mas mapasigla
ang kalakalan
 Xerxes – anak ni Darius na pumalit sa kanya nang siya ay mamatay
- Taliwas sa pamumuno ng kanyang ama
- Mayroong katiwalian at di makatarungang pamamalakad
 Alexander the Great – malakas na madirigma na siyang namuno sa Persia simula ng mag aklas
ang mga ito sa pamunuan ni Xerxes
 Zoroastrianism o Mazdaismo – relihiyo ng mga Persian
- Itinatag ni Zoroaster
- Ahura Mazda – kinikilalang diyos ng katotohanan
- Zend Avesta – banal na kasulatan ng Zoroastrianism
8. PHOENICIAN – dakilang mangangalakal ng sinaunang kabihasnan
 Alpabeto – pinakamahalaga nilang kontribusyon
 Cedar – katangi – taning likas na yaman ng mga Phoenician
 Ang kanilang pangunahing produkto ay telang lana na kulay lila na tanging mayayaman lang
ang nakakabili
 Murex – uri ng sheelfish na ginagamit na pangkulay sa lana
 Ang mga Phoenician ang kauna – unahang gumawa ng babasaging bote.
 9. HEBREW – nakatira sa Palestine
- Kilala bilang pangkat ng mga Nomad o Gala
 Abraham – namumuno sa mga Hebrew
 Sila ay sapilitang inalipin sa Goshem Egypt hanggang mailigtas ni Moses noong 1275 BC
 Exodus – tawag sa paglikas ng mga Hebrew sa Egypt kasama ni Moses
 Ang mga Hebrew ay binubuo ng 12 tribu na may kanya – kanyang hukom
 Sa mga Hebrew nagmula ang paniniwala sa iisang diyos o Monotheism na sinimulan ni Moses
 Yahweh – tawag sa kanilang diyos
 Sampung utos ng Diyos - ibinigay ng Diyo kay Moses sa Mount Sinai.
 Torah – isa sa limang aklat ng Mosaic Law (kodigo ng batas ng mga Hebrew)
 Propeta – tawag sa mga guro na nagpapaliwanag ng kodigo ng batas
- Naniniwala sila na pinili sila ng diyos upang ipamalita ang banal na utos sa sagkatauhan.

You might also like