You are on page 1of 2

Reviewer in Filipino VIII

Second Quarterly Assessment

Name:
I. Kumpletuhin ang bawat pangungusap. Isulat ang angkop na pandiwa sa bawat patlang.
1. (Huli) ______________ kami ng isda sa ilog bukas.
2. (Laba) _____________ si Inay noong Sabado.
3. Si Gng. Cruz ay (alis) ___________ sa Linggo.
4. Sa oras na ito ay (sulat) _______________ ng tula si Ana.
5. Si Prinsesa Bai ay (kasal) ______________ sa susunod na Buwan.
6. Ang aking damit ay (tahi) ______________ ni Inay bukas.
7. Si G. Jamal ay (lakbay) _______________ sa dagat ngayon.
8. Si Bb. Cruz ay (awit) ______________ kahapon.
9. Ako ang (hugas) _______________ ng mga plato kanina.
10. Ikaw naman ang (hugas) _______________ ng plato mamaya.

II. Bilugan ang salitang kilos sa bawat pangungusap at isulat ang N kung ito ay nangyari na, K kung pangkasalukuyan at
G kung gagawin pa lamang.
1. Sumasayaw si Angelika.
2. Hindi ako makakagala ngayon dahil nagdidilig ako ng aming mga halaman.
3. Si Mama ang gumawa ng aking magandang bistida.
4. Bibigyan kita ng pagkain bukas.
5. Kami ng aking pamilya ay sisimba sa Linggo.
6. Kinakain ko ang pagkain na nasa kusina.
7. Nagluto ang aking Inay ng paborito kong ulam.
8. Nakikinig ako sa aking guro.
9. Si Kuya ay nagbubunot ng sahig.
10. Kumanta ako sa Paaralan naming kahapon.

III. Salungguhitan ang pang-uri sa bawat pangungusap. Tukuyin kung ito ay lantay, pasukdol o pahambing.
1. Napakaganda ng mga banderitas sa mga daan tuwing Pista ng Senyor Sto. Nino.
2. Magandang asal ang paggamit ng ‘po’ at ‘opo’ sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda.
3. Ang buhok ni Katrina ay mas mahaba kaysa buhok ni Sarah.
4. Ang dala ni Joshua ang pinakamabigat sa tatlo.
5. Huwag kayong pumunta sa lugar na mapanganib.
6. Magsintanda ang Lolo ni Jose at Lolo ni Pedro.
7. Ang pamayanan sa tabing-dagat ay payapa.
8. Si Jason ang pinakamatangkad na anak ni Ginoong Reyes.
9. Ibigay mo ang makapal na aklat kay Bb. Lea.
10. Si Juan ay singkupad ng pagong.

IV. Isulat kung ano ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Pumili sa mga salita na nasa kahon.

1. Isang anyo ng dulang musical na unang umunlad sa Espanya.


2. Tinaguriang Lola Basyang at Ama ng Sarswelang Tagalog.
3. Sumulat ng “Kahapon, Ngayon at Bukas”.
4. Sumulat ng “Walang Sugat”.

funTEACHtic Learning Center


Bulalacao Bldg. P. Zamora St., Batangas City
5. Nabibigay buhay sa iskrip ng isang dula.
6. Pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.
7. Pinakakaluluwa ng isang dula.
8. Paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
9. Uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
10. Nagpapahalaga sa dula.
11. Sulatin na kadalasang naglalaman ng opinion o impormasyon.
12. Elemento ng sanaysay na tumutukoy sa mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema
13. Elemento ng sanaysay na tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari.
14. Elemento ng sanaysay na tumutukoy sa layunin sa pagkakasulat at kaisipang ibinabahagi.
15. Anyo ng panitikan at ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
16. Isang pahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katnggap-tanggap o
kapani-paniwala.
17. Ama ng Balagtasan
18. Isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika at nagbibigay diin sa ritmo , paglalarawan at
pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
19-20. 2 Uri ng Sanaysay

V. Tukuyin kung ang nabanggit na pananda ay pagsang-ayon o pagsalungat


1. Iyan ang nararapat
2. Pareho tayo ng iniisip
3. Mabuti sana ngunit
4. Ikinalulungkot ko
5. Tama
6. Mali at walang katotohanan
7. Bakit di natin
8. Subalit
9. Sang-ayon ako
10. Ganyan din ang palagay ko

VI. Magbigay pa ng tig-tatlong pananda sa pagsang-ayon at pagsalungat bukod sa nabanggit sa itaas.

PAGSANG-AYON PAGSALUNGAT

Prepared by:
Shella Marie C. Cortez

funTEACHtic Learning Center


Bulalacao Bldg. P. Zamora St., Batangas City

You might also like