You are on page 1of 47

ANG

SINAUNANG
SIBILISASYON SA
DAIGDIG
ANO ANG SIBILISASYON ?
Gayundin, makikita rito na ang pagiging complex o
masalimuot na Sistema ng pamumuhay na
nagsimula matapos ang Neolithic Revolution.

Naging complex ang pamumuhay sapagkat hindi na


lamang ang pagkain at pagtulog ang hinaharap ng
tao. Dumagdag sa kanyang pag-intindi ang kanyang
pamilya, pamahaalaan, relihiyon at lungsod na
kinabibilangan.
ANO ANG SIBILISASYON ?
Samakatuwid ang konsepto ng sibilisasyon ay
paglalarawan ng uri ng pmumuhay ng tao sa
kasaysayan.

Magkakalayo ,an ang naturang lugar a pangkat


ng mga tao, makikita sa mga ito ang malaking
naiunlad ng pamumuhay ng tao mula nang
huminto siya sa nomadic na pamumuhay.
BATAYAN NG SINAUNANG SIBILISASYON
• LAMBAK ILOG
- Ang mga ilog ay napagkukuhanan ng
pagkain at inumin ng mga tao.
- Ang lupa ay mataba na maaaring
pagtaniman
- nagsisilbing patubig sa mga pananim
- Higit na mabilis ang paglalakbay sa
katubigan
BATAYAN NG SINAUNANG SIBILISASYON

• LAMBAK ILOG
- Halos lahat ng sinaunang sibilisasyong
naitatag ng tao ay umusbong malapit sa mga
lambak ilog.
- Mahihinuhang ang pagkakataong mabuhay
ang siyang dahilan kung bakit sa mga lambak
ilog nagsimula ang mga kabihasnan.
BATAYAN NG SINAUNANG SIBILISASYON

• LUNGSOD
- Sa mga lungsod matatagpuan ang sentro ng
sibilisasyon ng isang pangkat ng tao. Narito ang
ibat ibang sangay at tanggapan ng pamahalaan,
ang sentro ng kalakalan, ang mga institusyon,
transportasyon at komunikasyon.
BATAYAN NG SINAUNANG SIBILISASYON

• LUNGSOD
- Sa sinaunang kasaysayan ang mga lungsod
ang nagging bunga ng paglaki ng populasyon ng
tao, paglakas ng kalakalan at pagdami ng
makakain kung kayat nagging simbolo ito ng
pag unlad.
BATAYAN NG SINAUNANG SIBILISASYON

• PAMAHALAAN
- Ito ay ang organisadong paraan o Sistema
ng pamumuno sa isang malaking pangkat ng
tao.
- Ito ang nagtatakda sa batas o regulasyon
upang magkaroon ng maayos at mapayapang
pamumuhay sa isang lugar.
BATAYAN NG SINAUNANG SIBILISASYON

• PAMAHALAAN
- Gayundin ang mga pinuno ang bumubuo ng
mga kautusan at desisyon ukol sa kanilang
nasasakupan
BATAYAN NG SINAUNANG SIBILISASYON

• RELIHIYON
- Malaki ang ugnayan ng pamahalaan at n
relihiyon. Ang patunay rito ay ang paniniwalang
nagmula sa isang Diyos ang kapangyarihan ng
isang pinunong politikal.
- Makikita ang kapangyarihang ito sa Sistema
kung saan ang pinuno o pampolitika ang siya
ring pinakamataas na pinunong pangrelihiyon.
BATAYAN NG SINAUNANG SIBILISASYON

• RELIHIYON
- Makikita ang kapangyarihang ito sa Sistema
kung saan ang pinuno o pampolitika ang siya
ring pinakamataas na pinunong pangrelihiyon.
Ito ay tinatawag na TEOKRATIKO
BATAYAN NG SINAUNANG SIBILISASYON

• IBA PANG KASANAYAN


- Sa pag-unlad ng produksyon sa agrikultura,
nagkaroon ng labis na produkto ang mga
mamamayan noon kaya nagkaroon sila ng oras
para sa ibat ibang mga Gawain.
- Tulad ng paggawa ng damit, alahas, palayok
at iba pang gawaing pansining.
BATAYAN NG SINAUNANG SIBILISASYON

• PAGSUSULAT
- Dahil sa pag unlad ng buhay ng tao,
nangangailangan siya ng isang Sistema ng
pagtala upang maisaayos ang mga Gawain at
transaksiyon.
PAGBAGSAK NG SIBILISASYON

• Maraming mang sibilisasyon ang nagging


tanyag sa kasaysayan dahil sa karangyaan
maram rin ang nagging tanyag sa kanyang
pagbagsak.
• Ayon sa aklat na A study of History, ang
pagbagsak ng isang sibilisasyon
PAGBAGSAK NG SIBILISASYON

• Ayon sa aklat na A study of History, ang


pagbagsak ng isang sibilisasyon ay maaaring
dulot ng kawalan ng kakayahan ng mga
mamamayan na tumugon sa hamon ng
kalikasan at ng kapwa tao.
SINAUNANG
KABIHASNAN SA WEST
ASIA
PAGGAMIT NG MGA BAKAL NG MGA HITTITE
• Sa pagkamaty ni Hammurabi, nawalan ang mga Babylonian ng isang
mahusay na namumuno kung kayat nasakot ito ng mga Hittite.
• Natatangi sa lahat ng mga sinaunang pangkat sa Mesopotama ang
mga Hittite dahil sa pggamit nila ng bakal imbes na bronze.
• Ginamit nila ang mga bakal sa paggawa ng mga armas na higit na
matibay sa armas ng mga kalaban.
• Gayunpaman hindi rin nagtagal ang imperyo ng mga ito sapagkat
nagging karibal naman nito ang mga Egyptian . Unti unting humina
ang kapangyarihan ng mga ito hanggang sa tuluyan na itong
bumagsak.
MGA ASSYRIAN
• Nagmula ang mga Assyrian sa hilagang bahagi ng Tigris River,
lubhang nasanay sila sa paulit ulit na pananalakay ng mga kalabang
pangkat kaya Nakita nila ang halaga ng isang malakas na militar
• Dahil ditto nagging bahagi na ng kanilang buhay ang pagsasanay at
paghahanda sa isang digmaan.
• Naging mahusay sila sa paggamit ng sandata, sibat, kabayo at
chariot.
• Marahas at madugo ang paraan ng kanilang pananakop.
• Bahagi ng pamumuno ng mga Assyrians ang pananakot sa kanilang
mga nasasakupan upang mapanatili ang kanilang kahaerian.
PAMAMAHALA NG MGA ASSYRIANS AT NI
ASHURBANIPAL
• Bukod sa pakikidigma kilala rin ang mga assyrians sa mahusay sa
mahusay na pamamahala.
• Nakamit ng mga Assyrian ang pinakamataas na antas ng kanilang
pamumuhay noong 600 BC sa pamumuno ni Ashurbanipal. Sinimulan
niya ang pagpapalawak ng kanyang imperyo na umabot mula sa
Persian Gulf hanggang sa malapit sa Egypt.
• Isa pang kontribusyon niya ang pagpapagawa ng silid aklatan sa
Nineveh kung saan matatagpuan ang libo libong clay tablet.
• Taong 612 natalo ng mga Chaldean ang Imperyong Asyyrian at bilang
simbolo ng kanilang tagumpay sinira nila ang siyudad ng Nineveh
ANG MGA PERSIANS
• Nakilala ang mga Persians sa pagtatatag ng pinakamalaking imperypo
sa West Asia bago dumating si Alexander the great.
• Sinimulan ang pagtatatag ng imperyong Persian noong ikaanim na siglo
BC sa pamumuno ni Cyrus the Great . Sinakop niya ang teritoryo ng
mga medes, Chaldean at kahariaan ng mga Lydian maging ang
kahariaan sa Mesopotamia at Asia minor.
• Sa pamumuno ni Darius narrating at nasakop ng mga Persian ang ilang
bahagi ng India at Europe.
• Tinangka noong sakupin ni darius at ni Xerxes ang kahariaan ng Greece
ngunit kapwa sila nabigo. Hanggang Sa sinakop ni alexander The Great
ang Persia at tuluyan ngang bumagsa ang Persia.
MGA PHOENICIAN
• Nanirahan ang mga Phoenician sa Silangang Rehiyon ng Mediterranean
Sea na tinawag na Phoenicia. Hindi nabiyayaan ang mga Phoenician ng
mayamang lupain na pagtatamnan kung kayat sa karagatan sila umaasa
upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
• Dahil ditto karamihan sa kanila ay mga manlalayag, mangangalakal at
mangagawa ng barko.
• Tinawag ang mga itong TRADERS OF ANTIQUITY sapagkat naakilala sila
sa pakikipagkalakalan upang mabuhay.
• Nagtatag sila ng isang kolonya para sa kanilang pakikipagkalakalan at
ang CARTHAGE na matatagpuan sa North Africa nag kanilang naitatag.
MGA PHOENICIAN
• Nakilala rin sila bilang mga master boat builders dahil sa
kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
• Sa lahat ng pagkakakilanlan sa mga Phoenicians
maituturing na na nanguna ang paggawa nila ng isang
sistemang pagsulat na gamit ang mga simbolo at
tinawag nila itong ALPAPETO .
ANG MGA LYDIANS
• Nanirahan ang mga Lydians sa silangang bahagi ng
Asia Minor at sinabing nagmula ang kanilang lahi sa
mga Hittites.
• Sila ay mangangalakal na gumagamit ng sistemang
barter.
• Ngunit sa kalaunan nakaisip sila na gumamit ng mga
barya bilang isang systemang pananalapi.
MGA HEBREW
• Galing sa kanlurang bahagi ng rehiyon ( na sakop ang Cannan) ang
mga Jew o hudyo ay nagmula sa isang maliit na pangkat ngunit
lubhang nagging malaking impluwensya sa mundo.
• Ang kanilang nagging ambag sa Kabihasnan ay ang pananampalataya.
• Mababasa sa bibliya ( sa unang limang aklat ng old testament, ang
Torah) ang halos lahat ng kaalaman tungkol sa mga Hebrews.
• Mababasa rito na pinangunahan ni Abraham ang mga Hebrew sa
paglalakabay mula Mesopotamia patugong Canaan. At itinuring ito
bilang Luoang pangako ng Panginoon.
• Dito sila namuhay ng matagal na panahon ngunit nilisan din dahil sa
taggutom at napunta sa Egypt.
MGA HEBREW

• Sa pagdaan ng panahon lumaki ang populasyon ng Hebrew sa


Egypt kaya nagging banta ito sa kapangyarihan ng mga Paraon.

•Nang lumaon marami sa kanila ang nagging alipin.


SI MOSES AT ANG SAMPUNG UTOS

• Taong 1290 BC ( Sa panahon ng pamumuno ni Rameses II) pinangunahan ni


Moses ang paglisan ng mga Hebrew sa Egypt upang pumunta sa lupang pangako
sa kanila ng Panginoon. Kinilala at lumaki si Moses bilang anak ng paraon ngunit
isa siyang Hebrew.

• Sa kasaysayan ng mga Hebrew si Moses ang itinituturing pinili ng kanilang


Panginoon na magpalaya sa kanyang mga kababayan mula sa kamay ng mga
Egyptian . Ang paglikas ng mga Hebrew mula sa Egypt ay nakilala sa kasaysayan
bilang Exodus.
SI MOSES AT ANG SAMPUNG UTOS
• Sa pamumuno ni Moses, naglakbay ang mga Hebrew mula sa Egypt at naglagi
sila ng matagal na panahon sa Sinai Peninsula.

• Sa lugar na ito pinaniniwalaang ibinigay kay Moses ng Panginoon ang sampung


utos ng Diyos upang magbigay gabay sa mga Hebrew sa kanilang pamumuhay.

• Ginamit ni Moses ang kautusan upang upang magkaisa at manatiling tapat sa


kanilang Panginoon ang mga Hebrew.
KAHARIAN NG MGA HEBREW
• Nang marating ng mga Hebrew ang Canaan, kinailangan nilang labana at itaboy
ang mga Canaanite at philistine . Bandang 1020 BC nang maitatag ng Hebrew ang
kanilang kaharian sa pamumuno ng unang hari sa kanilang kasaysayan, Si HARING
SAUL.

• Naging matatag ang kahariaan ng mg Hebrew dahil sa mahusay na pamumuno ni


haring saul, nang mamatay siya ay pumalit sa kaniya si David ang pastol na
nagging tanyag sa bibiliya dahil sa napaslang niya si goliath.

• Nagawa ni haring David na mapalawak ang kaharian ng Hebrew at nagging


maunalad ito dahil sa pakikipagkalakalan.
• Taong 722 BC nang masakop ng mga Assyrian ang Israel samantalang 586 BC
nang sakupin ni Haring Nebuchadnezzar ( Chaldean ) ang Judah. Sa dalawang
pananakop nasira ang kahariaan ng Hebrew at libo libong Hebrew ang nadakip
at ginawang alipin.

• MONOTEISMO
Bagamat kumalat sa ibat ibang panig ng mundo ang mga Hudyo
sa mahabang panahon, nagsilbing bigkis nila ang relihiyon
upang manatiling buhay ang kanilang kultura at kabihasnan.
GOLDEN AGE
• Nakamit ng mga Hebrew ang pinakamataas na antas ng kanilang
kaharian sa pamumuno ng anak ni David na si Solomon. Sa loob ng
50 na tao ng kaniyang pamumuno tiniyak ni haring Solomon ang
pagiging maunlad at ligtas ng kanyang mga mamamayan at palaging
pagtaas sa pangalan ng Panginoon.

• Nang mamatay si Haring Solomon nahati ang kaharian ng mga


Hebrew sa dalawang bahagi. Nakilala bilang kahariaan ng Israel ang
hilagang bahagi at Kahariaan ng Judah ang bahaging timog. Tulad ng
inaasahan higit na madaling masakop ang lupaing nahahati at walang
pagkakaisa.

You might also like