You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI

NDC Tagum Foundation Incorporated


10
Apokon Road, Tagum City

FILIPINO
Worksheets sa Unang Linggo
MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA
MEDITERRANEAN:
Aralin 1 Pakikihamok

Department of Education ● Republic of the Philippines


Pangalan: Iskor:

Grado&Seksyon:

UNA - DALAWANG
ARAW
TOPIKO: Pakikihamok
PAHINA: Pahina 2-5

Matutunton ang sibilisasyong Griyego sa sibilisasyong Aegean ng Bronze Period. Itinuring na sinapupunan
ng sibilisasyong Kanluranin ang Gresya na pinagmulan ng demokrasya, pilosopiya at panitikang Kanluranin,
historyograpiya, agham politikal, mga pangunahing prinsipyo sa matematika at siyensya at Kanluraning dula
(trahedya at komendya).

Ang Gresya (Ellada) at opisyal na republikang Hellenic ay kilala bilang Hellas noong sinaunang panahon.
Nasa timog ng Europa ang bansang ito. Ang Athens ang kabisera at pinakamalaking syudad ng Gresya. Ang di-
matatawarang tagumpay-kultural at teknolohiya ng bansa ay nakaimpluwensiya sa daigdig. Ipinamana ng
kampanya ni Alexander the Great ang impluwensiyang Griyego sa Silangan at Kanluran sa pagiging bahagi ng
imperyong Romano. Ang modernong estadong Griyego ay itinatag noong 1830 nang matapos ang digmaan at
makalaya mula sa Imperyong Ottoman.

Libong taon na ang dinaanan ng ebolusyon ng kulturang Griyego. Nagsimula ito sa Mycenaean Greece,
nagpatuloy sa Klasikong Gresya sa pamamagitan ng impluwensiya ng Imperyong Romano hanggang sa
Imperyong Byzantine. Mahalagang bahagi rin ng tatak kultural ng mga Griyego ang iba’t ibang anyong
pampanitikan tulad ng mga pastoral, oda, epiko, dula at marami pang iba. Dalawang muhon ng panitikang
Griyego ang Illiad at Odyssey ni Homer. Hindi rin mawawala sa kasaysayan ang mga itinanghal na dula nina
Aeschylus, Sophocles at Euripides at ang mga komedya nina Aristophanes sa panahong klasiko.

Mayaman din ang sibilisasyong Griyego dahil sa kanilang mitolohiya na nagtataglay ng maraming salaysay
ng mga diyos, diyosa at demi-god upang tugunan ang pangangailangan ng sinaunang Gresya. Ilan sa mga
pagunahing diyos at diyosa ay sina Aphrodite, Apollo, Ares, Artemis, Athena, Demeter, Dionysus, Hades,
Hephaestus, Hera, Hermes, Hestia, Poseidon at Zeus. Ilan naman sa mga demi-god ay sina Achilles, Aeacus at
Aeneas.

Ang ipinagmamalaking mga panitikan ng Gresya sa katotohanan ay nabibilang sa mahuhusay na panitikan


ng Kanluran (Europa).

Pinagkunan: Ancient Greece


Pagbibinhi
Kung magiging superhero ka, sino sa mga larawan ang gusto mong parisan? Anong kakaibang
kapangyahiran ang nais mong taglayin? Isulat sa mga kahon sa susunod na pahina ang iyong sagot.

Ang mga kakaibang kapangyarihan o super powers na gusto ko ay:


Pagpupunla

A. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita sa pamamagitan ng paghimay sa halaw ng pandiwa. Maaaring
sumangguni sa diksiyonaryo. Tingnan ang halimbawa upang maisagawa ito.

Ipagagawa
I tinig (voice)
pa panahon (aspect)
ga paraan (mode)
wa salitang-ugat (root word)
Ang kahulugan ng salitang ipagagawa ay maipasakilos ang isang tiyak na gawain.

1. Pumalit
Ang kahulugan ng salitang pumalit ay_______________________________________________________

2. Magbunyi
Ang kahulugan ng salitang magbunyi ay _____________________________________________________

3. Nagmanman
Ang kahulugan ng salitang nagmanman ay ___________________________________________________

4. Magagapi
Ang kahulugan ng salitang magagapi ay ______________________________________________________

5. Pinaslang
Ang kahulugan ng salitang pinaslang ay ______________________________________________________

B. Manood ng alinman sa pelikulang nakabatay sa mito ng Griyego. Puntahan ang


hollywood.greekreporter.com upang magkaroon ng ideya ukol sa mga pelikula. Panoorin ang alinman sa mga
pelikulang “Jason and the Argonauts” “Clash of the Titans,” “Percy Jackson & the Olympians: The Lightning
Thief,” “300,” at “Ulysses.”

C. Sagutin ang mga tanong pagkatapos ng panonood.


1. Ano ang palagay mo ang tampok na katangian ng mga diyos at diyosa ng mga mitong Griyego batay sa iyong
napanood?
2. Bakit kaya may sari-sariling katangian ang mga diyos at diyosang ito?

3. Ano ang silbi nito sa kanilang mundo?

Pangalan: Iskor:
Grado/Seksyon:

TATLO - APAT NA
ARAW
TOPIKO: Ang Pagbagsak ng Troy
PAHINA: Pahina 5-11
Pag-uuhay

Ang Pagbagsak ng Troy


Saling-buod ni: Julius A. de la Cruz
Ang digmaan sa pagitan ng mga Trojan at mga Griyego ay hindi natatapos sa pagkamatay ni Hector at
ipinagpatuloy ni Virgil ang pagsasalaysay. Isang mahusay at tanyag namang mandirigma na si Prinsipe
Memnon ng Ethiopia ang pumalit kay Hector. Nakalalamang ang mga Trojan sa mga panahong ito. Ngunit
hindi nagtagal ay napatay rin ni Achilles si Memnon at itinaboy ang mga Trojan pabalik sa mga tarangkahan ng
Scaean. Ngunit, sa parehong lugar, napatay ni Paris si Achilles sa tulong ni Apollo. Tumudla ng palaso si Paris at
iginaya ito ng mga bathala sa sakong ni Achilles, ang kahinaan ng mandirigma. (Tinangka noon ni Thetis na
likhain ang sanggol na si Achilles nang walang kahinaan sa pamamagitan sa paglubog ng kawatan nito sa
mahiwagang ilog ng Styx ngunit nakalimutang ilubog ang sakong ng sanggol).

Ipinasya ng mga Griyego na ibigay ang makapangyarihang baluti ni Achilles sa sinuman kina Odysseus at
Ajax, ang dalawa sa pinakatanyag na mandirigmang Griyegong natitira. Nang mapili si Odysseus, nagplano ng
paghihiganti si Ajax ngunit ginawa siyang baliw ni Athena. Pinatay ni Ajax ang ilan sa mga kawan ng baka at
nang bumalik ang kanyang katinuan ay pinatay rin ang sarili. Ipinahayag ng Propetang Calchas sa mga Griyego
na upang manalo sila sa digmaan, kinakailangan nilang magbihag ang Propetang Helenus ng Trojan.
Ginawa nga nila ito at sinabi sa kanila ni Helenus na magagapi lamang ang digmaan ang Troy sa pamamagitan
ng pana at palaso ni Hercules. Ibinigay ni Hercules ang mga ito kay Philoctetes, na tumulong sa mga Griyego
laban sa Trojan ngunit iniwan naman siya ni Odysseus. Humingi ng tawad si Odysseus sa ginawa niyang pag-
iwan kay Philoctetes, at kasama ang ilang kawal, hiniling nilang bumalik siya (Odyssues) sa kanilang panig.
Bumalik si Philoctetes at agad na pinaslang si Paris. Napag-alaman ng mga Griyego na ang mga Trojan ay may
sagradong imahe ni Athena, ang Palladium, na nag-iingat at gumagabay sa kanila.

Nagmanman sina Odysseus at Diomedes sa likod ng mga kalaban at inagaw ang Palladium. Nanatiling
protektado at ligtas ang Troy dahil sa kanilang nagtatayugang mga moog na humahadlang sa mga Griyego
upang makalusob. Sa wakas, isang plano ang naisip ni Odysseus - ang paggawa ng isang higanteng kabayong
kahoy na hihilahin sa mga tarangkahan at magpapahiwatig ng kanilang pagsuko at pagbalik sa kanilang lupain.
Isang lalaking nagngangalan Sinon ang pumuwesto sa likod na bahagi at nagkunwaring taksil sa mga Griyego.
Sinabi niyang bagama’t umatras na sa digmaan ang mga Griyego, iniwan nila ang higanteng kabayong kahoy
bilang handog kay Athena.

Sinabi rin niyang inaasahan na rin ng mag Griyego na hindi ipapasok sa loob ng lungsod ng mga Trojan ang
kabayong kahoy dahil sa laki nito na maaaring makapagpagalit kay Athena at magbigay kasawian at masamang
kapalaran ng lungsod. Sa pag-aakala ng mga Trojan na nasa kanila ang huling halakhak, mabunyi nilang dinala
ang kabayong kahoy sa loob ng lungsod. Walang buhay ang kabayo ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang
mga pinunong Griyego ay nasa loob nito. Pagsapit ng gabi, lumabas sila mula rito at binuksan ang mga
tarangkahan ng lungsod. Salamatala, ang hukbong griyego, na nagtatago lamang sa di-kalayuan, ay lumusob at
nagsipagkalat sa lungsod at pinagpapaslang ang mga Trojan. Pinatay si Haring Priam ng anak na lalaki ni
Achilles. Sa mga tanyag na Trojan, tanging si Aeneas lamang ang nakatakas kasama ang kanyang ama na
pangko sa kanyang mga balikat at ang kanyang anak na hawak ang kanyang kamay.

Lahat ng lalaki ay pinaslang at ang mga babae at kanilang mga anak ay pinaghiwa-hiwalay at ginawang
mga alipin. Sa huling yugto ng digmaan, kinuha ng mga Griyego ang sanggol na anak na lalaki ni Hector na si
Astyanax mula sa ina nitong si Andromache at inihulog ito sa nagtatayugang moog ng Troy. Sa kamatayan ni
Haring Priam, natapos rin ang pamana at katanyagan ni Hector at ng Troy.

Pinagkuan: The Fall of troy, Sacred Texts, 2016

Pag-aani
1. Bakit nagpatuloy ang digmaan sa pagitan ng mga Trojan at mga Griyego sa kabila ng pagkamatay ni Hector?

2. Narito ang isang story ladder. Kompletuhin ang kuwento ng binasanf mitolohiya sa bawat baitang. Gawing
gabay ang mga susing salita/parirala para sa bubuuing kuwento.
Pasya at realisasyon ni
Odysseus

Ang mangyayari sa
mga Trojan

Ginawa nina propeta


Calchas at Helenus

Hakbang na ginawa ni
Ajax

Ang tadhana o kapalaran


ng mga Griyego
3. Ano kaya ang nagtulak kay Odysseus sa pag-iwan niya kay Philictetes? Ano ang kaniyang realisasyon?
4. Ano ang Palladium?

5. Paano nagkakaugnay -ugnay ang Palladium, Sit Athena at ang kabayong kahoy? Paano ito nagamit ng mga
Griyego laban sa mga Trojan?

6. Bakit hindi makubkob ng mga Griyego ang mga Trojan? Ano ang naisip ni Odysseus upang mapasok ang mga
Trojan?

7. Ano ang mahihinuhang deklarasyon ng mga Griyego sa digmaan nila kontra sa mga Trojan? Ano ang mga
tanda ng pagwawagi sa panahong iyon batay sa mitong ito?
8. Ano-ano sa palagay mo ang pinag-ugatan ng mga hidwaan hindi lamang sa pagitan ng mga bayan kundi sa
pagitan mismo ng mga diyos?

9. Ano ang nakikita mong mundo ng mga Griyego pagkaraan ng kanilang pagpapabagsak sa Troy? Ipaliwanag.

10. Gumawa ng isinakomiks na bersiyon ng paborito mong mito ng mga Griyego.

11. Magsaliksik pa ukol sa mga diyos at diyosang Griyego. Magsaliksik din sa mga diyos at diyosa ng mga
Romano. Magtala ng lima hanggang pitong karakter mula sa mitolohiya ng dalawang bansa. Gumawa ng tsart
ng paghahambing sa mga karakter na may pagkakatulad ng katangian o kapangyariha. Sundan ang tsart na ito:
Mga diyos at diyosa mula sa Mitolohiyang Mga diyos at diyosa mula sa Mitolohiyang
Griyego Romano

Paggigiik
Ano-ano ang nakikita mong kahinaan at kalakasan ng mga diyos at diyosa sa binasa mong mito? Ano-ano
ang natutuhan mo sa kanilang pakikihamok? Sa mga salawikain at pahayag sa ibaba at sa susunod na pahina,
ipaliwanag ang mga katangiang ito at kung ano ang silbi o halaga nito sa iyong buhay. Isulat ang iyong sagot sa
kahong inilaan.
1. Ang umaga’y lalong nagniningning,
Kung ang sinusundan ay gabing madilim

2. Ang bayaning nasugatan,


Nag-iibayo ang tapang

3. Matalino man ang matsing,


Napaglalalangan din
4. Gaano man ang tibay ng abaka,
Ay wala ring lakas kapag nag-iisa

5. Madali ang maging tao,


Mahirap ang magpakatao.

Pagsasaing

Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksiyon, Karanasan at Pangyayari

Sa aklat na Gramar ng Filipino ni Jonathan Malicsi (2013), ipaliwanag niya ang pokus na morpema ang
nagtatakda kung aling komplemento ng pandiwa ang gramatikal na simuno. Ito rin ang tinutukoy na relasyong
pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Marami at iba-iba ang tinatawag na pokus ng
pandiwa ayon sa kung ano ang kaganapan ng pandiwa sa posisyong pansimuno ng pangungusap. Sa araling
ito, pagtutuuan ang pokus na aksiyon, karanasan at pangyayari.

1. Pokus sa Aksiyon/kilos - ito ang tagaganap ng aksiyong tinutukoy ng pandiwa.

Halimbawa:
Tumakbo ang atleta.
Naglaro ang mga bata.

2. Pokus sa Karanasan - ito ang nakararanas ng tinutukoy ng pandiwa. Mahina at walang kusa o kontrol ang
nakararanas sa tinutukoy ng pandiwa.

Halimbawa:
Nasamid ang binatilyo.
Natakot ang mga mamamayan sa Batas Militar.

3. Pokus sa Pangyayari - ginagamit dito ang pangyayari bilang pandiwa. May ipinahihiwatig na naapektohan
ng naturang pangyayari.

Halimbawa:
Sasabog ang bulkan.
Kumukulog ang langit.
Pagsasanay:

Tukuyin kung ano ang pokus ng pandiwa ng mga pangungusap sa ibaba. Ilagay ang mga ito sa tamang
kahon na nasa susunod na pahina.

1. Naghirap ang mga tao dahil sa tiwalang opisyal.


2. Nanghina ang pasyente.
3. Tumingin siya sa malayo.
4. Umulan nang malakas sa Marikina.
5. Nanood ang fans sa pagtatanghal.
6. Nagbungkal ang mga magsasaka ng lupa.

Pokus sa Aksiyon Pokus sa Karanasan Pokus sa Pangyayari

You might also like