You are on page 1of 1

Group 1

Members: Hailie,Redelyn,Troy,Shannen

Si Hades ay kinatatakutan ng marami na kahit ang pangalan nito ay iniiwasan ng marami dahil siya ang diyos ng
mga patay at kamatayan sa mitolohiyang Griyego. Siya rin ang diyos ng Mundong Ilalim, na sa kalaunan kinuha
ang kanyang pangalan. Tinagurian din siyang diyos ng kayamanan, dahil sa nakakubling mahahalagang mga
metal na nakabaon at nakakubli sa lupa ng mundo.[1]

Bahagi siya ng labindalawang Olimpiyano.[1][2] Si Hades ay itinuturing ang panganay na lalaki nina Kronos
at Rhea, bagaman siya ang huling anak na iniluwa ng kanyang ama. Siya rin ang pinuno ng Tartarus.ang kaniyang
asawa ay si Persephone .Ang kanyang simbolo ay setro na may ibon sa dulo, itim na karwahe at itim na kabayo.
Ang Hades ay mayroon ding setro na may mga ulo ng tatlong aso, na nauugnay sa Cerberus, na nagbabantay sa
pasukan sa lupain ng mga patay. Makikita natin na ang kanyang suot ay isang maitim naguipere at satin, may suot
rin itong helmet na bigay ng elder Cyclops na nagbibigay protekta o kaya naman suot nito ay korona nagsisimbolo
ng karunungan at katapangan.

Sa mga mitolohiyang Griyego, si Persephone, na tinatawag ding Kore ("ang pagkadalaga") ay ang anak na
babae ni Zeus at Demeter.Ang kanyang pangalan ay nagngahulugang pagsira o pagpatay. Siya ay ang reyna ng
underworld at diyosa ng agrkultura. Inilarawan siya ni Homer bilang ang kakila-kilabot, karapat-dapat na
marangal na prinsesa ng underworld, na nagpapataw ng mga sumpa ng mga tao sa mga kaluluwa ng mga patay.
Si Persephone ay kasal kay Hades, na ang diyos ng underworld.

Ang pagkawala niya ay kumakatawan sa kanyang tungkulin bilang personipikasyon ng mga halaman, na
bumubukas sa tagsibol at umalis sa lupa pagkatapos ng pag-aani; samakatuwid, siya ay nauugnay din ang
pagkamayabong ng mga halaman. Si Persephone na bilang isang diyosa ng behetasyon, at ang kaniyang inang si
Demeter ay ang pangunahing mga pigura sa mga misteryong Eleusiniano. Ang kanyang simbolo ay
bulaklak,buto ng pomegranate at sulo(torch). Ang kaniyang suot ay gawa sa pana at chiton na kulay itim at
pula sa manggas nito at may hawak itong mga bulaklak pagpapakita ng
marangal at
kagandahan.

You might also like