Professional Documents
Culture Documents
Greek
Greek
kapatid ni Jupiter
Posiedon Neptune hari ng karagatan, lindol
kabayo ang kaniyang simbolo
kapatid ni Jupiter
Pluto panginoon ng impiyerno
Hades
diyos ng digmaan
Ares Mars buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya
Ang Cupid at Psyche ay mula sa panitikan ng Mediterranean. Isinulat ito ni Lucius Apuleius
Madaurensis (mas kilala bilang Platonicus) noong ikadalawang siglo. Ang kwentong ito ay
tungkol sa pagsubok na pinagdaan nina Cupid at Psyche para sa pag-iibigan nila. Ang
kwentong ito ay isinalin ni Edith Hamilton at isinalin naman sa Filipino ni Vilma C. Ambat.
Ambrosia - Nakapagbibigay ito ng kabataan at buhay Ang pagtitiwala sa minamahal ay nagpapakita ng seguridad
na walang-hanggan sa sinumang uminom o kumain na nahanap mo sa iyong minamahal. Naniniwala ka na hindi
nito ka nya sasaktan at sa halip ay ikaw ay kanyang
papanindigan. Ang tiwala sa isang pagmamahalan ay hindi
lamang tungkol sa iyong pagtitiwala sa iyong minamahal. Ito
rin ay maaring tumukoy sa tiwala mo sa iyong sarili na ang
iyong minamahal ay kaya mong panindigan.
Gamit ng Mitolohiya Kapag mayroong pagtitiwala ang inyong pagmamahal,
hinding-hindi ito mababahiran ng kasinungalingan na
1. naipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
maaring ikasira nito. Malaki ang naitutulong ang tiwala
2. naipaliwanag ang puwersa ng kalikasan upang malayo sa tukso ang mga nagmamahalan. Sa
pamamagitan ng tiwala, mas madali ang pagkakaunawaan
3. naikuwento ang mga sinaunang gawaing
ng nagmamahalan sa isa't-isa.
panrelihiyon
Cupid at Psyche
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae. Ang
pinakamaganda sa tatlo ang bunsong si Psyche. Labis siyang hinahangaan at sinasamba ng
kalalakihan. Sinasabi nilang kahit si Venus, ang diyosa ng kagandahan, ay hindi makapapantay sa
ganda nito. Nalimot na rin ng kalalakihan na magbigay ng alay at magpuri sa diyosa. Gayundin, ang
kaniyang templo ay wala nang mga alay, naging marumi, at unti-unti nang nasisira. Lahat ng papuri’t
karangalang dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal. Nagalit si Venus at inutusan niya si
Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang. Hindi na niya
naisip ang maaaring maidulot ng kagandahan ng dalaga sa kaniyang anak. Agad tumalima si Cupid
at hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang nasilayan niya ang kagandahan ng
dalaga. Tila ba napana niya ang kaniyang sariling puso.
Nang makauwi si Cupid, inilihim niya sa kaniyang ina ang nangyari. Labis
namang nagtitiwala si Venus at hindi na rin nito inusisa ang anak. Nanabik ang diyosa ng kagandahan
sa kahihinatnan ng buhay ni Psyche.