You are on page 1of 1

Darie Shaine S.

Gayacan Grade 11 STEM-A

Harry Potter and the Sorcerer’s Stone

Ang kuwento ay nagsimula sa pag-iwan sa ulilang si Harry Potter sa pinto ng kapamilya ng


kanyang yumaong ina mula sa kamay ni Propesor Dumbledore, McGonagall at Hagrid.

Pinalaki si Harry ng Pamilyang Dursleys, madalas mang napag-uutusan at pinagagalitan ay


naging masunurin pa rin ito. Pagdating ng kanyang ika-11 kaarawan ay doon niya lang nalaman ang
kanyang totoong pagkatao, siya ay sinabihan na siya ay isang mago o salamangkero, at
inaanyayahan na pumunta sa Hogwarts upang doon mag-aral upang malaman niya kung paano
kontrolin ang mahika. Tinulungan siya ni Hagrid sa kanyang mga kagamitan bago siya nagtungo sa
Hogwarts kung saan nakilala niya ang kanyang kaibigan na si Ron at Hermione. Hindi naging madali
ang naging buhay niya sa unang araw dahil pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya na para bang
isa siyang artista. Sa pamamagitan ng The Sorting Hat ay naging bahagi siya ng Bahay ng
Griffyndor.
Sa mga susunod na gabi ay maraming natuklasan si Harry at kanyang mga kaibigan. Bukod
sa pagiging pinaka-batang manlalaro ng Quidditch ay natuklasan din niya ang Bato ng
Salamangkero na inakala niyang pinagtatangkaan nakawin ng kanyang Dalabguro na si Severus
Snape. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan ay kanilang niligtas ang bato sa kamay nito. Ngunit sa
katapusan ng pelikula ay napagtanto niyang si Siya na Di Dapat Banggitin ang Pangalan na
sumanib sa katawan ng kanyang Dalabgurong Quirrell ay may gustong kumuha sa bato.
Nakipaglaban si Harry alang-alang sa bato kahit alam niyang kamatayan ang maaring masalubong
niya dito.

Ngunit, totoo ngang hindi matatalo ng kasamaan ang kabutihan kung kaya't natalo ng Ulilang
Salamangkero ang Salamangkerong kinatatakutan ng lahat. Pagmamahal laban sa Kamatayan.

Ang tema ng Harry Potter at ang Bato ng Salamangkero, isang nobelang isinapelikula ay
tungkol sa mahika at pagsasalamangka. Ito ay bunga ng imahenasyon ng isang tanyag na
manunulat na si J.K. Rowling.

(J.K Rowling. Harry Potter and the Sorcerer’s Stone. New York: Scholastic Press, 1999.)

You might also like