You are on page 1of 8

Awtput #3

sa
Filipino

Ipinasa ni: Jhanella Mae M. Ocampo


10-Confucius
Ipinasa kay: Bb. Edralin Domingo
Pamagat/Sumulat ng Nobela
Harry Potter and the Sorcerer's Stone
Isinulat ng British na manunulat na si J.K.
Rowling
Mga tauhan-kilalanin ang katangian ng bawat
isa
Harry Potter- Siya ang bida sa kuwento at kilala
siya sa mundo ng mga wizard dahil nakaligtas
siya pagkatapos ng pag-atake ni Voldemort
noong bata pa lamang siya. Ngunit siya ay
naulila noong bata siya at nagpasya na sundan
ang mga yapak ng kanyang magulang at maging
isang sorcerer.
Hermione Granger- Siya ang matalik na
kaibigang babae nina Harry at Ron. May taglay
siyang katalinuhan, kagandahan, kabaitan at
katapatan. Ginagamit niya ang kanyang
katalinuhan sa paggamit at paggawa ng spell.
Ron Weasley- siya ang matalik na kaibigang
lalaki nina Harry at Hermione. Siya ay may
taglay na katapangan, katalinuhan, matiyaga at
minsa'y lampa.
Propesor Albus Dumbledore- Siya ay isang
matalinong lolo na laging tumutulong sa mga
nangangailangan. Si Dumbledore ay itinuturing ng
ilang salamangkero na isang baliw na propesor,
ngunit hindi ito pumipigil sa kanya na maging
pinakadakilang salamangkero sa lahat ng panahon
Draco Malfoy- Siya ang kumpletong kabalitaran ni
Harry. Siya ay matalino ngunit inaabuso niya ang
kanyang taglay na kagalingan laban sa ibang mga
batang sorcerer.
Voldemort- Siya ang pumatay sa mga magulang ni
harry. Siya ang pinakamagaling na dark wizard sa
lahat ng panahon. Siya ay masama at walang awa.
Rubeus Hagrid- Siya ay isang napaka-tapat na
kaibigan ni Harry. Si hagrid ay tinuturing na higit pa
sa tagapagligtas.
Neville Longbottom- Siya ay may taglay na kakulitan,
pagkamahiyain at katapangan.
Propesor Severus Snape- Siya ay may katalinuhang
tinataglay ngunit ayaw niya kay harry kaya ipinahiya
niya ito.Propesor Quirrell- Siya ay may dalawang
mukha at naglaban sila ni Harry sa dulo ng kwento.
Buod ng Pelikula:
Harry Potter and the Sorcerer's Stone
Si Harry Potter ay isang ulilang batang lalaki na
naninirahan kasama ang malupit at mapang-abuso
niyang mga kamag-anak na kilala bilang pamilya ng
Dursleys. Ang Hogwarts School of Witchcraft and
Wizardry ay nag padala ng imbitasyon para kay harry
upang mag aral dito ngunit ang kanyang tiyo at tiya ay
pilit na itinatago at kinukuha kay Harry upang hindi niya
ito makita at malaman.
Nang sumapit ang ika- labing isang kaarawan ni Harry
ay Pumunta si Hagrid sa kanilang tahanan para sabihin
kay Harry na inaanyayahan siya ng Hogwarts. sumama si
Harry kay Hagrid at naglakbay na patungo sa Hogwarts.
Siya ay tinuruan ng mga propesor gumamit ng mahika at
gumawa ng potions.Nagkaroon ng paligsamahan sa
pagitan ng grupo ni Harry at Malfoy, ang grupo ni Harry
ang nagwagi sa paligsahan at nakakuha ng mataas na
puntos. Sa tulong ng mga kaibigan ni Harry nalampasan
niya ang mga pagsubok na kinaharap niya.
Nagbinata na si Harry at natutunan na niyang
malampasan ang panlipunan at emosyonal na hadlang sa
paglalaban nila ni Voldemort.
THE END
Banghay ng mga Pangyayari
A. Tagpuan
Little Whinging, England, at Hogwarts School of
Witchcraft and Wizardry
B. Protagonista
Harry Potter
C. Antagonista
Draco Malfoy
Voldemort
D. Suliranin
Nahanap ni Harry Potter ang sorcerer's stone at gusto
ni Voldemort ang bato na iyon para mamuno siya sa
Hogwarts. Pagkatapos ay gagawing masama ni
Voldemort ang paaralan
E. Mga pagsubok sa paglutas ng Suliranin
Nahirapan si Harry potter habang
nakikipaglaban kay Voldemort
F. Bunga
Sa kabila ng kaniyang paghihirap natalo pa rin
niya si Voldemort at napigilan itong gamitin sa
kasamaan ang sorcerer's stone.
Pagsusuri sa nobelang pelikula gamit ang Teoryang
Pampanitikan

A. Realismo
Iwinawaksi ni Harry Potter ang mga pagmamalabis
na nasasaksihan niyang ginagawa ni Draco Malfoy sa
ibang estudyanteng wizard.
B. Eksistensyalismo
Si Harry Potter ay isa may mabuting pusong bata at
kahit siya ay naulila ay lumaki pa rin siya bilang
isang tapat , matapang, matalino, at matulungin na
tao. Nilabanan niya si Voldemort para mailigtas mula
sa kasamaan ang Hogwarts School of Witchcraft and
Wizardry.
c. Humanismo
Nagbigay ng malaking pagpapahalaga si Harry potter
sa mga kaibigan at kasama niya sa Hogwarts School of
Witchcraft and Wizardry.

Paksa o Tema
Ang tema ng Harry Potter and the Sorcerer's Stone ay
ang halaga ng kababaang loob.
Mga Aspektong Teknikal

A. Sinematograpiya
Ang ganda ng sinematograpiya ng pelikulang Harry
Potter and the Sorcerer's Stone sa kadahilanang
matagumpay nitong naisalarawan ang komposisyon,
galaw ng mga aktor, teknik ng kamera at ang pag-
aanggolo sa bawat pangyayari sa isang eksena.
B. Musika
Dahil karamihan sa mga eksena ng pelikulang Harry
Potter and the Sorcerer's Stone ay nakakatakot o
laging may kapanapanabik na pangyayari ang
kanilang musika sa pelikula ay nakakatakot at
medyo creepy.
c. Visual Effects
Ang pelikulang Harry Potter and the Sorcerer's Stone
ay may kamangha-manghang visual effects na naging
dahilan kung bakit ito naging sikat na pelikula na
kinaaaliwan ng lahat ng manoinood.
d. Set Design
Ang mga disenyo ng mga kasuotan, props,
background at iba pang mga gamit sa pelikulang
Harry Potter and the Sorcerer's Stone ay sumasalamin
sa pagbibigay buhay sa mahiwagang mundo.
Mga Aral o Mensahe

Ang pag-ibig ay nananaig sa poot.


Walang makakatalo sa tunay na
pagkakaibigan at pagtutulungan ng bawat
isa sa panahon ng pangangailangan.
Ang kasamaan ay hindi kailanman
mananalo laban sa kabutihan.

You might also like