You are on page 1of 3

““It takes a great deal of bravery to stand up to our enemies, but just as much to stand up to

our friends.” o kung susumahin sa wikang tagalog ay Tatagal ng isang malaking katapangan

upang manindigan sa ating mga kaaway, ngunit tulad din ng tumayo sa ating mga kaibigan.

Nobelang nagdala sa atin sa mundo ng mahika at katapangan. Paaralan kung saan apat na

pamilya ang nagkakaisa upang maisakatuparan ang kapayapaan sa mundo ng mesteryo at

mahika. Hindi maikakaila na ang nobelang Harry Potter (na may pitong libro at walong

pelikula mula sa libro) ay isa sa mga pinakakinikilingang nobela hindi lamang sa bansang

pinanggalingan nito (United Kingdom) kundi maski sa buong mundo. Bata, matanda, may

asawa o wala, hindi maitatago ang paghanga sa nobelang ito. Ang nobelang pantasyang ito

ay lagda ng isang British author na nagngangalang J.K Rowling. Ang mga nobela ay

naglalarawan ng buhay ng isang batang wizard na si Harry Potter, at ang kanyang mga

kaibigan na sina Hermione Granger at Ron Weasley, na pawang mga mag-aaral sa Hogwarts

School of Witchcraft at Wizardry. Ang pangunahing arko ng kwento ay patungkol sa

pakikipaglaban ni Harry laban kay Lord Voldemort, isang masamang wizard na may balak na

imortal, ibagsak ang pamamahala ng wizard na katawan na kilala bilang Ministry of Magic at

sakupin ang lahat ng mga wizards at Muggles (mga hindi mahiwagang tao).
Nang mailabas ang naturang nobela bilang pelikula noong Nobyembre 04 2001 ay hindi

maitago ang saya ng mga mambabasa. Sa pelikulang ito makikita ang Teoryang Humanismo

na tumatalakay sa mga tanong na maari mong maisip twing nanonood. Halimbawa na

lamang ang “Bakit nais ni Voldemort na patayin si Harry?” “Bakit nais makita ni Harry and

salamin ng Erised?”.

Nais maipakita ng nobela ang kahalagahan ng pagiging matapang, mapagpatawad,

pagkakaisa at ang tibay nagagawa ng pag-ibig na sa bawat eksena ng pelikula ay naipapakita.

Ang tibay ng samahan ng pamilyang Weasley, pagkakaibigan ng tatlong bida, katapangan ni

Neville, ang pagiging mapagpatawad ni Dobby, pagkakaisa ng estudyante sa Hogwarts at ang

pagmamahal ni Snape kay Lily.

Kung babalikan ang panahon kung kailan ginawa ang pelikula ay mapapansin ang katandaan

nito ngunit ika’y mamamangha sa ganda ng CGI effect at ang galing sa paggamit ng mga

produsyer ng green screen. Ang bawat nilalang tulad ng dragon, goblin, trolls, at ang

paglipad ng mga karakter sa kanilang mga flying broom ay makikitang kapanipaniwala.

Maging ang ginamit na audio ay kapanipaniwala rin. Magugulat ka sa riyalistikong tunoy

mula sa dragon, tunong ng pinakawalang mahika kahit ang mabilis na pagaspas ng hangin sa

twing lumilipad ang mga wizard.


Sa bawat pelikula ay nararapat na lagyan ng nababagay na musika upang maging mas

kakilakilabot ang bawat eksena. Kung babalikang tanaw ang simula ng pelikulang ito ay

mararamdaman mo agad ang pakiramdam ng mundo ng mahika. Kahit ang mga musikang

ginamit sa eksena kung saan pinakilala si Snape bilang isang napakahalagang karakter ay

magbibigay sayo ng isang kakilakilabot na pakiramdam dahil sa napakamesteryosong tugtog

sa likod ng eksena.

You might also like