You are on page 1of 6

ISANG SURING-PELIKULA

“Harry Potter and the Sorcerer’s Stone”

I.

Pamagat - Harry Potter and the Sorcerer’s Stone (Philosopher’s Stone)

May-akda - J.K. Rowling (Joanne Kathleen Rowling)

Genre - Pantasya, Adventure, Kids and Family

II.

Buod:

Isang gabi, sina Dumbledore at McGonagall, mga propesor sa Hogwarts


School of Witchcraft and Wizardry, kasama si Hagrid, ay naghatid ng isang ulilang
sanggol na nagngangalang Harry Potter sa kanyang tiyahin at tiyuhin, sina Petunia
at Vernon Dursley, ang tanging buhay na mga kamag-anak ni Harry. Sa ika-11 na
kaarawan ni Harry, dumating ang isang higanteng nagngangalang Hagrid at
ipinahayag na si Harry ay isang wizard at na siya ay tinanggap sa Hogwarts School
of Witchcraft and Wizardry. Pagdating sa paaralan, dito nag-umpisa ang
paglalakbay ni Harry sa daigdig ng mahika: naging matalik na kaibigan ni Harry
ang dalawang miyembro ng marangal na bahay (Gryffindor) na sina Ron Weasley,
at Hermione Granger; nakipagsapalaran silang tatlo sa isang higanteng troll at
natuklasan din nina Harry, Ron, at Hermione sa ikatlong palapag ng paaralan ang
isang asong may tatlong ulo na nagngangalang Fluffy na nagbabantay sa isang
trapdoor. Hinihinuha nina Harry, Ron, at Hermione na ang kayamanan sa ilalim ng
trapdoor ay ang Sorcerer’s Stone at kailangan nilang hanapin ito bago gawin ni
Voldemort kaya’t pumunta sila sa ikatlong palapag, nalampasan nila ang asong si
Fluffy, at naharap sa iba pang mga hamon at balakid kabilang ang isang
nakamamatay na halaman na tinatawag na Devil's Snare, isang silid na puno ng
mga agresibong lumilipad na susi (flying keys), at isang higanteng laro ng chess na
nagpatumba kay Ron. Matapos ang mga ito, nakuha ni Harry ang bato sa
pamamagitan ng Salamin ng Erised at nakipag-tunggali kay Propesor Quirrell (sa
likod ng kaniyang ulo naroroon si Voldemort) hanggang sa nasunog ang mga balat
ng propesor dahil sa paghawak ni Harry sa mga balat nito. Nahimatay si Harry at
nagising na lamang siya sa ospital ng paaralan at nalaman na iniligtas siya ni
Dumbledore, ang Bato ay sinira na, si Voldemort ay nakatakas, at nang gumaling
na si Harry ay pinuri siya ng buong paaralan at ang katapangan ng kanyang mga
kaibigan, at ang bahay ng Gryffindor ay nakakuha ng maraming puntos dahil dito
at kalaunan ay nanalo sa House Cup.

Simula - Isang gabi, sina Dumbledore at McGonagall, mga propesor sa Hogwarts


School of Witchcraft and Wizardry, kasama si Hagrid, ay naghatid ng isang ulilang
sanggol na nagngangalang Harry Potter sa kanyang tiyahin at tiyuhin, sina Petunia
at Vernon Dursley, ang tanging buhay na mga kamag-anak ni Harry.  

Suliranin - Pagkalipas ng sampung taon, ang bahay ng mga Dursley ay


pinangungunahan ng kanilang pasaway na anak na si Dudley, na nang-aaway at
nang-aapi naman kay Harry. Isang araw, ang mga kuwago ay nagsimulang
maghatid ng mga liham ukol sa pagpasok sa Hogwarts School of Witchcraft and
Wizardry ni Harry. Pinipigilan ni Mr. Dursley na mabasa ito ni Harry, ngunit
patuloy namang dumarami ang mga liham na dumarating araw-araw. Kaya naman,
tumakas si Mr. Dursley kasama ang kanyang pamilya sa isang liblib na barong-
barong na isla sa bisperas ng ikalabing-isang kaarawan ni Harry. Pagsapit ng
hatinggabi, dumating ang isang higanteng nagngangalang Hagrid at ipinahayag na
si Harry ay isang wizard at na siya ay tinanggap sa Hogwarts School of Witchcraft
and Wizardry.

Tunggalian - Pagdating sa paaralan, naging matalik na kaibigan ni Harry ang


dalawang miyembro ng marangal na bahay (Gryffindor), Ron Weasley, at
Hermione Granger.

Tao laban sa Supernatural – Pagdating ng araw ng Halloween, may nakitang troll


sa paaralan. Ngunit sina Harry at Ron ay lumabas upang hanapin si Hermione. Sa
hindi sinasadyang pagkakataon, naikulong nila ang troll sa banyo ng mga babae
kasama si Hermione. Kinamamayaan, natalo nina Harry, Ron, at Hermione ang
troll.

Tao laban sa Supernatural - natuklasan din nina Harry, Ron, at Hermione sa


ikatlong palapag ng paaralan ang isang asong may tatlong ulo na nagngangalang
Fluffy na nagbabantay sa isang trapdoor. Hinihinuha nina Harry, Ron, at Hermione
na ang kayamanan sa ilalim ng trapdoor ay ang Sorcerer’s Stone, na maaaring
gawing ginto ang metal at maaari ring magbigay ng imortalidad. Nagpasya sina
Harry, Ron, at Hermione na kailangan nilang hanapin ang bato bago gawin ni
Voldemort. Pumunta sila sa ikatlong palapag, nalampasan nila ang asong si Fluffy,
at naharap sa iba pang mga hamon at balakid. Kabilang ang isang nakamamatay na
halaman na tinatawag na Devil's Snare, isang silid na puno ng mga agresibong
lumilipad na susi (flying keys), at isang higanteng laro ng chess na nagpatumba kay
Ron.

Kasukdulan – Matapos ang pakikipagsapalaran sa iba’t ibang hamon, nakarating


si Harry sa silid kung saan naroroon ang bato at nagulat na makita si Propesor
Quirrell. Napilitan si Harry na tumayo sa harap ng Salamin ng Erised. Kinikilala
nito ang kawalan ng kasakiman ni Harry para sa Sorcerer’s Stone kung kaya’t
inilagay nito ang bato sa bulsa ni Harry. Inalis ni Quirrell ang kanyang turban at
ipinakita ang mukha ni Voldemort sa likod ng kanyang ulo. Si Voldemort, na
nakatira sa katawan ni Quirrell, ay inutusan si Quirrell na patayin si Harry upang
mapasakaniya ang bato, ngunit si Quirrell ay nasunog sa pamamagitan ng
paghawak ni Harry sa balat nito. Ang kaluluwa ni Voldemort ay bumangon mula
sa abo at nakatakas, pinatumba at nahimatay si Harry habang dumadaan ito sa
kanya.

Kakalasan - Nang magkamalay si Harry, nasa ospital siya kasama si Dumbledore.


Ipinaliwanag ni Dumbledore na nailigtas niya si Harry mula kay Quirrell at
Voldemort sa tamang oras. Idinagdag niya na siya at si Flamel ay nagpasya na
sirain ang bato upang maiwasan ang maling paggamit, at sinabing ligtas sina Ron
at Hermione.

Wakas - Pumunta si Harry sa salu-salo ng paaralan, kung saan ipinagdiriwang ng


Slytherin ang ikapitong magkakasunod na panalo sa house championship cup.
Ngunit may dinagdag si Dumbledore at iginawad ang maraming huling minutong
puntos sa Gryffindor para sa mga dakilang gawa ni Harry at ng kanyang mga
kaibigan, na nagresulta sa pagkapanalo ng Gryffindor sa nasabing House Cup.
Bumalik si Harry sa London para magpalipas ng tag-araw (summer) kasama ang
mga Dursley.

III. Paksa
Pagmamahal at Pamilya – Isa sa mga namumukod-tanging paksa sa pelikula ay
ang wagas na pagmamahal ng isang magulang sa kaniyang anak. Isa sa mga
dahilan kung bakit nakaligtas si Harry sa nakamamatay na sumpa ni Lord
Voldemort nang siya’y sanggol pa lamang ay dahil sa proteksiyong pagmamahal
na ibinigay ng kaniyang Nanay na si Lily.

Pagkakaibigan - Simula kay Hagrid, na unang kaibigan ni Harry sa pelikula,


nakipagkaibigan din si Harry kina Ron at Hermione. Ang nabuong ugnayan ng
bawat isa ang dahilan kung bakit matagumpay na natalo ni Harry si Quirrel at
Voldemort.

Sakripisyo – pagsasakripisyo ng buhay ng ina ni Harry mailigtas lamang siya. Pati


na ang pagligtas nina Harry at Ron kay Hermione laban sa troll. At ang
pagsakripisyo ni Ron ng kanyang sarili sa laro ng Wizard chess para mapadali at
maging ligtas ang daanan nina Harry at Hermione para protektahan ang Sorcerer’s
stone. Ilan lamang iyan sa mga pangyayaring nagpahayag ng pagsasakripisyo ng
mga tauhan ng kanilang buhay at kaligtasan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang
kapuwa.
Mahika - Ang mga spell tulad ng Wingardium Leviosa, mga lumilipad na walis o
broomstick, o ang pagbabagong-anyo ni Madam McGonagall sa isang pusa ay
lahat imposible sa totoong mundo ngunit nagdaragdag ng kaakit-akit at kamangha-
manghang ideya sa isip at imahinasyon ng mga manonood.

Katapangan at Katatagan – ipinamalas ito nina Harry, Ron, at Hermione habang


sila ay nagpupursige sa gitna ng mga hamon at pinapanatili ang kanilang layunin
na maligtas ang Sorcerer’s stone mula sa mga kamay ni Panginoong Voldemort.

IV. Bisa
Sa isip – dahil sa aming napanood na pelikulang “Harry Potter and the Sorcerer’s
Stone”, nag-iwan ito ng ‘di malilimutang mga alaala sa aming isipan. Una, mula sa
pelikulang ito, ay mas lalong napalawak ang aming kaalaman at imahinasyon sa
mga gayuma, engkantada, hiwaga, wizards, wand, at iba pang aspektong bumubuo
sa mahika/salamangka. Gayundin sa iba’t ibang posible sa mundo nina Harry
subalit imposible sa mundong ating ginagalawan. Gayunman, amin namang
naikintal sa aming isipan ang isang aral, at iyon ay marahil ‘di natin kayang gawin
ang ilang bagay na para sa ati’y imposible pa sa kasalukuyan, subalit kung
pagsusumikapan ay maaaring maging posible kinabukasan.

Sa damdamin – litaw na litaw sa pelikulang ito ang pagmamahal at


pagpapahalaga natin sa ating pamilya, kaibigan, at kapuwa. Masasalamin din ang
nararapat na ganap na pagtitimbang natin sa kasamaan at kabutihan ng isang
bagay/kilos nang sa gayon ay makamit ang tunay na kabutihang panlahat at
katiwasayan ng lipunan.

V. Mensahe - Mayroong ilang mga mensahe sa Harry Potter and the Sorcerer's
Stone. Gayunpaman, ang pinakamahalagang mensahe sa pelikula ay ang pag-ibig
at pagkakaibigan ay nagtatagumpay sa anumang bagay, gaano man katakot at
kadelikado ang mga hadlang. Ang isa pang mensahe sa pelikulang ito ay, ang
pagkilos at pagtugon sa harap ng mga hamon sa kabila ng takot na umiiral sa ating
puso’t isipan ang tunay na tanda ng kagitingan.

VI. Teoryang Ginamit

Teoryang Romantisismo – binibigyang halaga ang indibidwalismo, rebolusyon,


imahinasyon, at likas na pagtakas mula sa reyalidad o katotohanan, nagpapakita ng
pagmamahal sa kaniyang kapuwa.

Mula sa nabanggit na depinisyon ng Teoryang Romantisismo, ating


maihahalintulad ang mga katangian nito sa mga katangiang ipinamalas ng pelikula.
Litaw na litaw doon ang paggamit ng imahinasyon, ‘di lang ng mga tauhan kundi
maging ng mga mambabasa. Dahil sa mga mahika, ay naging malikhain ang mga
mambabasa sa pagbuo ng mga imahinasyong may kaugnayan sa mahika at
kapangyarihan.

Bukod diyan, sagana rin ang pelikula sa pagtakas nito mula sa reyalidad o
katotohanan. Mula sa nalalagusang pader, lumilipad at nasasakyang walis
(broomstick), mga katangi-tanging spell ng wizards, higanteng troll, dragon,
unicorn, asong may tatlong ulo, at napakarami pang ibang bagay at pangyayari na
tiyak na imposibleng mangyari, malikha, at makita ng sangkatauhan sa reyalidad
na pamumuhay.

Panghuling katangian, ang pagmamahal sa kapuwa. Ating masasalamin ang


lumilipad na pagmamahalan ng mga tauhan sa pelikula. Mula sa wagas na
pagmamahal ng mga magulang ni Harry sa kaniya, ang kumikinang na
pagmamahalan at pagkakaibigan nina Harry, Ron, at Hermione, at ang suporta ng
mga Propesor/Empleyado ng Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry tulad
nina Dumbledore, McGonagall, Snape at Hagrid sa mga mag-aaral ng paaralan.
Lahat ng ito ay nagpapahayag ng pagmamahal ng isang tao sa kaniyang kapuwa.

Suring-Pelikula ng Pangkat 4

Nagsulat at sumuri – Leo C. Asis at Crisha Españo

Nagbigay ng bahagi – Jeanna Mae T. Forcado

You might also like