You are on page 1of 3

PABALAN, VOSS WILLBERT A.

MODYUL 3

12 STEM – 9 GAWAING PAGPAPAUNLAD: BUOD

Buod ng Harry Potter and the Half-Blood Prince

Ang Harry Potter and the Half-Blood Prince ay ang ikaanim na nobela ni J.K. Rowling

sa serye ng kaniyang nobelang Harry Potter. Ito ang karugtong na bahagi ng Harry Potter

and the Order of the Phoenix na siyang ikalimang nobela.

Nanumbalik ang kapangyarihan ni Voldemort, at ang kaniyang poot ay naramdaman

sa mundo ng Muggles at ng Wizarding World. Si Severus Snape, na kilala bilang isang

kaaway ni Voldemort, ay nakipagtagpo kay Narcissa Malfoy, isang Death Eater o alagad

ni Voldemort, upang magkaroon ng Unbreakable Vow na iingatan ni Severus ang anak ni

Narcissa.

Pagkasundo ni Albus Dumbledore kay Harry Potter mula sa kaniyang tito at tita, sila

ay tumungo sa lugar ni Horace Slughorn upang hikayatin itong muling magturo sa

Hogwarts. Habang namimili sina Harry, Ron Weasley, at Hermione Granger ng libro,

narinig nila si Draco Malfoy na inuutusan ang kaniyang mga utusan na ayusin ang isang

hindi matukoy na gamit. Dahil dito, pinaghinalaan ni Harry si Draco bilang isang Death

Eater tulad ng kaniyang ama at ina. Nang sila ay makarating sa Hogwarts, inanunsyo ni

Dumbledore and bagong magiging guro sa asignaturang Defense Against the Dark Arts –

si Severus.

Si Harry ay nangibabaw sa Potions sa tulong ng lumang libro na kaniyang nakuha

na pinagmamay-ari ng taong nagngangalan bilang “The Half-Blood Prince.” Sa kaniyang

taon sa Hogwarts, nag-iskedyul si Dumbeldore ng mga regular na pagpupulong kasama si


Harry upang tingnan ang mga alaalang may kaugnayan kay Voldemort. Sa pamamagitan

nito, nalaman ni Harry ang kasaysayan ni Voldemort na siyang makakatulong sa kaniya sa

kanilang paglalaban. Nalaman din niyang hinati ni Voldemort and kaniyang kaluluwa sa

pitong bahagi na siyang dapat nilang masira kung nais nilang matalo si Voldemort.

Nagkaroon si Ron ng nobya na siyang ikinaselos ni Hermione. Kalaunan ay

naghiwalay rin sila. Gayundin, si Harry ay nahulog sa pag-ibig para kay Ginny Weasley.

Ginamit ni Harry ang karamihan ng kaniyang oras sa pagiging kapitan ng Quidditch, at

pagsubaybay kay Draco. Napagtanto niyang nasa Room of Requirement si Draco sa

tuwing siya ay nawawala, ngunit hindi siya rito makapasok.

Kalaunan, lumisan sina Harry at Dumbledore sa Hogwarts upang sirain ang isang

Horcrux ni Voldemort. Sinagupa nila ang mga patibong at pagsubok upang marating ang

pinaglalagyan nito. Matapos nila itong makuha, bumalik sila sa Hogwart nang mabilis. Dahil

dito, naging mahina si Dumbledore, at nang makita nilang kumikislap ang ibabaw ng

astronomy tower ay agad nila itong pinuntahan.

Pagkarating nila roon, ginamit ni Dumbledore ang kaniyang mahika upang patigilin

si Harry sa ilalim ng kaniyang cloak of invisibility. Nagmamadaling tumakbo sina Draco at

ang iba pang Death Eater papunta sa tore upang pagbantaan ang buhay ni Dumbledore.

Sinubukang kumbinsihin ni Dumbledore si Draco. Ibinaba naman ni Draco and kaniyang

wand ngunit agad ding tumungo si Severus sa tore. Pinatay ni Severus si Dumbledore

gamit ang kaniyang wand at siya namang ikinagalit ni Harry. Hinabol niya si Severus at

determinadong maghiganti sa pagkamatay ng kanilang headmaster, ngunit nakatakas si

Severus. Tiningnan ni Harry ang nakuha nilang Horcrux at napagtanto niyang ito ay hindi

totoong Horcrux. Sa loob nito ay may nakasulat na “R.A.B.” Ipinaalam ni Harry sa kaniyang
mga kaibigan na hindi siya babalik sa Hogwarts sa susunod na taon. Sa halip, hahanapin

at papatayin niya si Voldemort sa pamamagitan ng pagsira sa lahat ng Horcrux.

Dito natapos ang Harry Potter and the Half-Blood Prince na siyang susundan naman

ng Harry Potter and the Deathly Hallows.

You might also like